|
||
|
||
|
||
|
Saan ka dinadala ng iyong mga saloobin?
Isang Panalangin upang Baguhin ang Iyong Isipan
Diyos Ama, minsan kapag tinitingnan ko ang mundo sa paligid ko, ako ay nababalot ng pagkabalisa, at nagsisimulang umikot ang aking mga iniisip. O Diyos, tulungan Ninyo ako. Kailangan ko na baguhin Ninyo ang aking isipan.
Ang Inyong kaisipa’y hindi namin kaisipan, at ang Inyong kaparaanan ay mas mabuti kaysa sa akin. Nagbibigay Kayo ng pag-asa sa mga walang pag-asa at kalakasan sa nanghihina. Kayo po lamang ang may kakayanang baguhin ang aking isipan at paalalahanan ako ng aking layunin sa buhay.
Kaya ngayon, tulungan Ninyo akong gapiin ang bawat isipan habang ibinibigay sa Inyo ang aking mga alalahanin. Ipaalala Ninyo sa akin na kasama ko Kayo, at magpapatuloy Kayo sa pagtuturo at pagpapatnubay sa akin.
Payuhan Ninyo ako habang ako’y nagbubulay sa Inyong Banal na Salita, at tulungan po Ninyo akong ipamuhay ang Inyong mga katotohanan. Bigyan po Ninyo ako ng kalakasan na aking kailangan upang gawin kung ano ang tama, at tulungan Ninyo po akong unahin Kayo higit pa sa lahat—palagi.
Sa ngalan ni Jesus, Amen.
Mga Awit 91 – Muog ka’t kanlungan, ikaw ang aking Diyos
1
Siyang naghahangad ng pagkupkop ng Kataas-taasan, at nananatili sa pagkalinga ng Makapangyarihan
2
ay makakapagsabi kay Yahweh: “Muog ka’t kanlungan, ikaw ang aking Diyos, ang Diyos na tangi kong pinagtiwalaan.”
3
Sa panganib at bitag ika’y kanyang ililigtas, at kahit ano mang matinding salot ay di ka magdaranas.
4
Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya’t ipagsasanggalang, pagkat siya’y matapat.
5
Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay, maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway.
6
Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, sa pagpuksa’y wala kang takot, sa araw man dumating.
7
Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao, sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo; di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano.
8
Ika’y magmamasid at sa panonood, mapapatunayan, iyong makikita, taong masasama’y pinaparusahan.
9
Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, at ang pinili mong mag-iingat sa iyo’y Kataas-taasan.
10
Di mo aabuting ika’y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan.
11
Sa kanyang mga anghel, ika’y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.
12
Sa kanilang mga kamay, ika’y aalalayan, nang sa mga bato, paa mo’y hindi masasaktan.
13
Iyong tatapakan kahit mga ahas o leong mabagsik, di ka maaano sa mga serpiyente’t leong mababangis.
14
Ang sabi ng Diyos, “Ililigtas ko ang mga tapat sa akin, at iingatan ko ang sinumang taong ako’y kikilanlin.
15
Kapag sila’y tumawag, laging handa ako na sila’y pakinggan, aking sasamahan at kung may problema ay sasaklolohan; aking ililigtas at ang bawat isa ay pararangalan.
16
Sila’y bibigyan ko’t gagantimpalaan ng mahabang buhay, at nakakatiyak, tatamuhin nila aking kaligtasan!”
Salamat sa Diyos para sa mga Makadiyos na Lalaki
Sa mga tatay na nagmalasakit sa mga oras ng paghihirap, at pumalakpak sa amin sa masasayang panahon…
Sa mga kalalakihang nagpakita sa amin kung ano ang ibig sabihin ng pagsusumikap at laging nariyan…
Sa mga modelong ama na nagbigay sa amin ng mga napapanahong payo at praktikal na pagtulong…
Sa mga lalaking patuloy na sumusuporta, nagpapasigla, at nagbibigay ng inspirasyon sa amin…
Salamat sa pagpapakita sa amin kung paano ang isang maka-diyos na ama. Nakikita ka. Tinawag ka. Pinahahalagahan ka. Minamahal ka.
Nawa ang natatanging Bersikulong Larawang ito ay magbigay ng lakas ng loob sa iyo:
Ngayon—kung ikaw man ay ama o ina, tagapagturo, o mag-aaral—isipin ang mga modelong tatay na nagkaroon ng mabuting epekto sa buhay mo. Ipaalam sa kanila na pinahahalagahan mo sila sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Bersikulong Larawan na ito. Saglit na panahon lang ang kailangan mo upang magpakita ng paggalang at pasasalamat sa isang tao.
Nais mo bang bumago ng buhay? Mamuhay nang bukas-palad.
Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.
Kung titingnan mo kung saan mo ginugugol ang iyong oras at mga pag-aaring yaman, ano ang ihahayag ng mga ito na iyong pinahahalagahan?
Dito sa YouVersion, ang aming misyon ay tulungan ang ating Komunidad na maranasan ang pagiging malapit sa Diyos araw-araw. Nais naming makita ang mga tao mula sa bawat bansa at wika na lumalapit araw-araw sa Diyos. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit nagbabahagi kami ng mga panalangin, mga aral sa video, at mga Bersikulong Larawan: upang maranasan ng mga tao sa buong mundo ang pag-ibig at katotohanan ng Diyos sa mga bago at personal na pamamaraan.
Hindi namin nais na may anumang pumigil sa mga katulad mo upang personal na makilala ang Diyos, na isa sa mga dahilan kung bakit ang YouVersion ay walang bayad sa tuwina.
Hangad namin na maranasan mo ang pag-ibig ng Diyos, baguhin nito ang iyong pinahahalagahan, at magbigay inspirasyon sa iyo upang mabuhay din na bukas-palad.
Kapag ibinabahagi mo kung ano ang binigay sa iyo ng Diyos, nagiging huwaran ka ng pag-ibig ng Diyos sa isang sirang mundo. Pinapalalim nito ang iyong malapit na ugnayan sa Diyos, at lumilikha din ito ng mga pagkakataon para sa ibang tao na lumapit sa Kanya.
Isipin mo lamang—ang iyong pagiging bukas-palad ay maaaring makaapekto sa buhay sa kawalang- hanggan ng isang tao.
Ang isang paraan upang malinang ang isang buhay na mapagbigay ay sa pamamagitan ng pagsuporta sa pananalapi sa ministeryo ng YouVersion. At kapag ginawa mo ito, nakikilahok ka sa isang bagay na may pangmatagalang halaga: ang pagtulong sa mga tao sa buong mundo na maranasan ang bukas-palad na pag-ibig ng Diyos.
Ngayon, pag-isipang hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung paano Niya nais na gamitin mo ang mga pag-aaring yamang ibinigay Niya sa iyo, at pagkatapos ay tunghayan Siyang matapat na paramihin ang iyong mga kaloob upang mapagpala ang iba.
Nakapagbigay na sa YouVersion?
Pag-isipan ang pag-set up ng isang umuulit na kaloob.