Magsisimula na ang 21-Araw na Hamon sa Pebrero 1!

21-Araw na Hamon

Paano magbabago ang takbo ng iyong buhay kung gagawin mong ugali ngayong taon ang gumugol ng oras sa Diyos araw-araw?

Isipin kung paano uunlad ang iyong pananampalataya, mga relasyon, at kalusugang pang-kaisipan isang taon mula ngayon dahil sinadya mong piliing hanapin ang Diyos ngayon.

Sa pagsisimula ng Pebrero, ituon ang iyong mga mata kay Jesus gamit ang 21-Araw na Hamon. Kumpletuhin ang isang Araw sa isang Gabay sa Biblia bawat araw sa loob ng 21 araw sa buwang ito upang makakuha ng eksklusibong Badge.

Alamin kung paano mababago ng 21 araw ang iyong buhay, tulad ng milyun-milyong iba pa sa buong mundo na tumanggap sa Hamon.

Ang mga pahayag ay narito na…

“Dinala nito ang aking espirituwal na buhay sa mas mataas pang antas.”

Crystal, Estados Unidos

“Nakatulong ito sa akin na muling tuklasin
ang aking relasyon sa Diyos.”

Faith, Nigeria

“Tinulungan ako nitong mag-aral habang naglalakbay”

Dianah, United Kingdom

“Napagtanto ko na ako ay nakatalaga
para sa mas higit pa.”

Meredith, Estados Unidos

Handa nang tanggapin ang hamon?

1

Pumili ng Gabay upang magsimula. Walang kaso kung ito ay mas maikli sa 21 araw. Maaari kang magbasa ng maraming Gabay na bubuo sa 21 araw o maaari kang pumili ng mas mahabang Gabay.

2

Magsimula sa Pebrero 1, at magbasa ng kahit isang Araw sa Gabay sa loob ng 21 araw sa buwan. Ang Mga Araw ng Gabay ay hindi kailangang kumpletuhin nang sunud-sunod.

3

Magkamit ng isang eksklusibong Badge bilang gantimpala para sa iyong patuloy na pagsisikap.

21-Araw na Hamon Badge

Magsimula gamit ang isa sa
iminumungkahing Gabay na ito:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Paano ka nakikipag-usap sa Diyos?

Taong nananalangin

Kung ang isang bagay sa iyong buhay ay sapat na malaki upang alalahanin, ito ay sapat na malaki din upang ipanalangin. At, kapag tayo ay nananalangin, tayo ay nagkakaroon ng simple at patuloy na pakikipag-usap sa Diyos.

Lampasan ang mga hadlang na pumipigil sa iyong magpatuloy sa buhay pananalangin gamit ang mga kasangkapang ito.

Gabay sa Panalangin

​​Kung nais mong makipag-usap sa Diyos ngunit hindi mo
alam kung ano ang sasabihin, makakatulong ang Gabay sa Panalangin upang makapagsimula ka.

Simulan ang pakikipag-usap sa Diyos >

Gabay sa Panalangin

Listahan ng Panalangin

Higit pang lumapit sa Diyos at sa iyong pamayanan sa pamamagitan ng paglikha at pagbabahagi ng Mga Panalangin.

Lumikha ng Panalangin >

Listahan ng Panalangin

Mga Paalala sa Panalangin

Panatilihin ang pakikipag-usap sa Diyos gamit ang nakatakdang mga paalala.
 

Magtakda ng mga Paalala sa Panalanagin >

Mga Paalala sa Panalangin

6-Na Hakbang Para sa Gabay sa Panalangin

Bilang karagdagan sa mga tampok na ito, kami ay nagtipon ng mga gabay upang matulungan kang matutunan kung paano manalangin tulad ng huwaran na ibinigay ni Jesus sa Kanyang mga disipulo.

Matuto kung Paano ang Manalangin >


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Isang Panalangin para sa Bagong Simula

Taong nananalangin

O Diyos,

Ako ay nasasabik para sa isang bagong taon, at nais kong harapin ito nang may katapangan at lakas ng loob. Ngunit kung ako ay magiging tapat, hindi ako sigurado kung ano ang mangyayari sa darating na taon—at iyon ay nakakabalisa.

Siyasatin Mo ako, O Diyos, at papanariwain Mo ang aking puso.

Mangyaring tulungan akong isuko ang aking mga inaasahan para sa taong ito. Baguhin Mo ang aking isip habang ako ay lumalapit sa Iyo.

Siyasatin Mo ako, O Diyos at iayon ang aking puso sa Iyo.

Sa aking pagpapatuloy ng mga plano Mo para sa akin, hayaan mong alalahanin ko ang mga bagay na tinulungan Mo akong mapagtagumpayan.

Siyasatin Mo ako, O Diyos, at hilumin ang aking puso.

Anuman ang mangyari sa taong ito, alam kong hawak Mo ako. Walang imposible sa Iyo!

Papanumbalikin Mo ako, O Diyos, at gawin Mo akong bago.

Sa ngalan ni Jesus,

Amen.

I-save ang Panalangin

Paano patuloy na mag-aral ng Biblia: 4 na mungkahi mula sa YouVersion

Taong nag-aaral ng Biblia

Ang pagsisimula ng bagong taon ay nagdadala ng maraming posibilidad, na ginagawa itong perpektong oras upang lumikha ng mga bagong gawi sa pagbabasa ng Biblia. Ngunit, ang mga kaabalahan, mga obligasyon sa pamilya, at magkasalungat na mga prayoridad ay maaaring gawing mahirap ang pag-aaral ng Kasulatan minsan.

Sa kabutihang palad, may mga hakbang na maaari mong gawin upang patuloy na basahin ang Salita ng Diyos.

Narito ang 4 na mungkahi para sa patuloy na pagbabasa ng Biblia na maaaring gawin sa YouVersion:

1. Gawing madaling tandaan

Ang pinakamadaling paraan upang lumikha ng isang bagong gawi ay sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa isang bagay na iyong palaging ginagawa. Kaya kung ang iyong unang ginagawa sa umaga ay ang pagkuha sa iyong telepono, subukang pagnilayan ang Bersikulo ng Araw ng YouVersion. Kapag iyong pinagsama ang isang bagong gawi sa isang nakasanayan na, nagbibigay ito sa iyong bagong gawi ng higit na “pananatili.”

Mungkahi: Gawin ang YouVersion na unang app na nakikita mo, at kumuha ng agarang pahintulot para sa Bersikulo ng Araw, sa pamamagitan ng pagpapagana sa widget ng Bersikulo ng Araw sa iyong telepono.

2. Gawin itong awtomatiko

Ang pinakamainam na paraan upang bumuo ng isang gawi ay ang magsimula lamang. At sa pagsisimula mo, huwag tumuon sa dami ng oras na ikaw ay nagbabasa o nakikinig sa Banal na Kasulatan, kundi tumuon lamang sa paggawa nito nang tuluy-tuloy. Kapag nakumpleto mo ang dalawang magkasunod na araw, gawin itong tatlo. Kapag nakumpleto mo na ang tatlong araw, subukan ang lima, at magpatuloy hanggang sa makabuo ka ng streak sa Biblia.

Kung nagsisimula kang bumuo ng isang tuloy-tuloy na gawi sa pagbabasa ng Biblia, pumili ng oras sa pag-aaral na angkop para sa iyo, at mag-set up ng mga pang-araw-araw na paalala upang maglaan ng oras sa Salita ng Diyos.

Mungkahi: Panatilihin ang iyong pagsulong sa pamamagitan ng pagtingin sa iyong streak sa Biblia sa iyong YouVersion Home Feed. Maaari ka ring mag-set up ng mga Paalala sa Gabay, Panalangin, at Bersikulo ng Araw dito.

3. Manatiling may ugnayan

Mas malamang na patuloy kang mag-aaral ng iyong Biblia kung ito ay gagawin mong kasama ng isang taong nagmamalasakit sa iyong espirituwal na pag-unlad.

Ang Mga Gabay Kasama ng mga Kaibigan ay nag-aalok ng isang simple, madaling paraan upang matiyak ang iyong patuloy na pagbubuo ng iyong gawi sa pag-aaral ng Biblia.

Mayroong libu-libong mga Gabay sa YouVersion, kaya’t pumili lamang ng Gabay na interesado ka, at simulan ito kasama ng Mga Kaibigan. Sa pagtatapos ng bawat araw ng Gabay, bibigyan ka ng puwang para makipag-chat sa iyong Mga Kaibigan tungkol sa iyong natuklasan.

Mungkahi: Maaari kang gumawa ng Gabay kasama ang sinuman! Magbahagi lang ng link ng Gabay sa social media, o magbahagi ng Gabay sa isang tao sa loob ng app. Magsimula sa pamamagitan ng pagpili ng Gabay, at sundin ang mga senyas upang imbitahan ang Mga Kaibigan na sumali sa iyo.

4. Gawin itong parang bago

Kung minsan, ang dahilan kung bakit tayo nananamlay sa pagbabasa ng Biblia ay dahil masyadong karaniwan ang ating ginagawa. Baguhin kung paano ka nakikipag-ugnayan sa Biblia.

Kung ikaw ay karaniwang nagbabasa ng Kasulatan, subukang makinig sa audio na Biblia. Kung ikaw ay kadalasang nag-aaral ng Banal na Kasulatan sa isang partikular na bersyon, lumipat sa ibang bersyon sa loob ng isang buwan at tingnan kung may bagay na bago para sa iyo. O di kaya, subukang magbasa sa ibang pagkakaayos upang makakuha ng isang bagong pananaw.

Mga Mungkahi: Upang mas madaling maihambing ang mga bersyon ng Biblia, i-tap ang isang bersikulo, at pagkatapos ay piliin ang lalabas na “Ihambing” na button. At, maaari ka nang makinig sa anumang bahagi ng Kasulatan na may audio na Biblia.


Ang paggawa sa Biblia na bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay ay hindi kailangang maging mahirap—at sa kabutihang palad, hindi natin kailangang gawin ito nang mag-isa. Gustung-gusto ng Diyos na sumama sa atin upang bigyan tayo ng lakas ng loob at kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpapanibago at pagbabago ng ating isipan. Inihahayag Niya ang Kanyang sarili sa sinumang naghahanap sa Kanya.

Habang lalo mong binubuo ang iyong mga gawi, nagiging mas madaling kilalanin ang tinig ng Diyos at unawain kung ano talaga ang Kanyang kalooban.

Habang nananatili kang tapat sa palagiang pag-aaral ng Banal na Kasulatan, alalahanin na ang Diyos na lumikha sa iyo ang magpapangyari rin sa iyo na mapaglabanan ang humahadlang sa iyo, upang palagian kang makibahagi sa Kanyang buhay at aktibong Salita.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email