Gusto mo ng bagong Badge? 🥇

Gitnang-Taong Hamon

Nandito na muli! Ang Gitnang-Taong Hamon ay narito na.

Naging matagumpay ka man sa pagbuo ng isang kinagawian sa Biblia ngayong taon o kailangan mo ng bagong simula, tutulungan ka ng Gitnang Taong Hamon na magkaroon ng lakas na magpatuloy.

Tanggapin ang Hamon

Magkamit ng 2022 Gitnang-Taong Hamon Badge sa pamamagitan ng pagkumpleto ng kahit isang araw ng isang Gabay sa 7 sunod-sunod na araw sa buwan ng Hulyo.

Gitnang-Taong Hamon

Gitnang-Taong Hamon Badge

Tiyaking wala kang mapalalampas na anumang araw sa pamamagitan ng pagse-set up ng mga pang-araw-araw na paalala sa iyong mga setting ng Gabay!

Handa ka na bang magsimula? Pumili na ng iyong Gabay ngayon:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

Huwag kalimutang mag-imbita ng ilang mga pinagkakatiwalaang kaibigan upang samahan ka sa pamamagitan ng pagbabahagi tungkol sa Gitnang- Taong Hamon.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Kapag Dumating ang Pagkadismaya

Taong nakatanaw sa anyong tubig

“Hindi dapat ganito.”

Hindi natin laging naiintindihan ang kalooban ng Diyos. At, kung magiging tapat tayo, may mga paminsan-minsang pagkakataon na hindi rin natin gusto ang Kanyang kalooban.

Kapag kumatok ang dalamhati sa ating pintuan.

Kapag hindi tayo sigurado kung kakayanin natin.

Kapag iniisip natin kung ano sana ang nangyari.

Mahirap makipagbuno sa ating pinakamatinding pasakit. Ngunit kung ang Biblia ay hindi nagtatago ng mga kuwento tungkol sa pagdurusa, gayon din nawa tayo.

Anuman ang iyong kinakaharap ngayon—hindi ito ang katapusan ng iyong kuwento. Ang Diyos ay iyong kasama, magpakailanman.

Tuklasin kung paano i-proseso ang mga inaasahang hindi nakamit at masasakit na kalagayan sa Mga Gabay na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Mas Mabuti ang mga Gabay kapag may Kasama

Magkakaibigan na nasa telepono

Ano ang layunin ng Diyos para sa iyong buhay?

Nilikha ka ng Diyos na may natatanging plano sa isipan Niya. Habang inaasam mo ang pang-hinaharap, hanapin ang Diyos sa pang-kasalukuyan.

Ngunit hindi mo kailangang gawin ito nang mag-isa. Anyayahan ang isang kaibigan na samahan ka sa isang Gabay sa Biblia ngayon!

Simulan lamang ang isang Gabay, piliin ang “Kasama ng mga Kaibigan,” at pag-aralan ang Salita ng Diyos nang magkasama.

Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal;
at ang tao ang nagpapatalas sa isa pang tao.

Mga Kawikaan 27:17

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang Hamon para sa Pasko ng Pagkabuhay ay narito na!

Hamon para sa Pasko ng Pagkabuhay

Ang Hamon para sa Pasko ng Pagkabuhay ay magsisimula na ngayon!

Ang Pasko ng Pagkabuhay ay isang hayag na pagdiriwang ng tagumpay ni Jesus laban sa kamatayan at ang naibalik na relasyon na maaari nating makamit sa Diyos.

Ihanda ang iyong puso para sa Linggo ng Muling Pagkabuhay sa pamamagitan ng pakikilahok sa Hamon para sa Pasko ng Pagkabuhay.

Narito kung paano…

Kumpletuhin ang isang Gabay para sa Pasko ng Pagkabuhay simula ngayon hanggang sa Linggo ng muling Pagkabuhay upang makamit ang Hamon para sa Pasko ng Pagkabuhay Badge.

Anyayahan din ang iyong mga kaibigan! Sama-sama, ituon natin ang ating mga puso at isip sa muling nabuhay na si Cristo.

At kung namatay tayong kasama ni Cristo, naniniwala tayong mabubuhay din tayong kasama niya. Sapagkat alam nating si Cristoʼy muling nabuhay at hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.

MGA TAGA-ROMA 6:8-9

Marami Pang Gabay Para sa Pasko ng Pagkabuhay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Paano ka naghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay?

Pagsikat ng araw sa bundok

Ikaw ay inaanyayahan

Kapag iniisip mo ang Kuwaresma, anong mga salita ang sumasagi sa iyong isip? Disiplina sa sarili? Sakripisyo? Tungkulin?

Magsisimula ngayon ang Kuwaresma, at ito ay isang 40-araw na panahon ng pagbibigay-puwang para sa Diyos patungo sa Pasko ng Pagkabuhay. Taun-taon, milyun-milyong mga Cristiano ang pinipiling isuko ang mga bagay-bagay para unahin si Jesus.

Ang Kuwaresma ay maaaring tila isang obligasyon, ngunit sa katunayan ito ay isang imbitasyon. Ito ay tungkol sa pagkakait sa ating sarili upang matuto tayong lumakad sa hindi pinilit na ritmo ng biyaya ng Diyos.

Sa pagitan ng ngayon at Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay, lumikha ng puwang para sa kung ano ang pinakamahalaga. Gumugol ng ilang minuto bawat araw kasama ang Diyos. At, malaman na milyun-milyong tao ang skasama mo, na inuuna si Jesus.

Pumili ng Gabay sa Kuwaresma:

Higit pang Gabay sa Kuwaresma

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email