Magsisimula na ang 21-Araw na Hamon sa Pebrero 1!

21-Araw na Hamon

Paano magbabago ang takbo ng iyong buhay kung gagawin mong ugali ngayong taon ang gumugol ng oras sa Diyos araw-araw?

Isipin kung paano uunlad ang iyong pananampalataya, mga relasyon, at kalusugang pang-kaisipan isang taon mula ngayon dahil sinadya mong piliing hanapin ang Diyos ngayon.

Sa pagsisimula ng Pebrero, ituon ang iyong mga mata kay Jesus gamit ang 21-Araw na Hamon. Kumpletuhin ang isang Araw sa isang Gabay sa Biblia bawat araw sa loob ng 21 araw sa buwang ito upang makakuha ng eksklusibong Badge.

Alamin kung paano mababago ng 21 araw ang iyong buhay, tulad ng milyun-milyong iba pa sa buong mundo na tumanggap sa Hamon.

Ang mga pahayag ay narito na…

“Dinala nito ang aking espirituwal na buhay sa mas mataas pang antas.”

Crystal, Estados Unidos

“Nakatulong ito sa akin na muling tuklasin
ang aking relasyon sa Diyos.”

Faith, Nigeria

“Tinulungan ako nitong mag-aral habang naglalakbay”

Dianah, United Kingdom

“Napagtanto ko na ako ay nakatalaga
para sa mas higit pa.”

Meredith, Estados Unidos

Handa nang tanggapin ang hamon?

1

Pumili ng Gabay upang magsimula. Walang kaso kung ito ay mas maikli sa 21 araw. Maaari kang magbasa ng maraming Gabay na bubuo sa 21 araw o maaari kang pumili ng mas mahabang Gabay.

2

Magsimula sa Pebrero 1, at magbasa ng kahit isang Araw sa Gabay sa loob ng 21 araw sa buwan. Ang Mga Araw ng Gabay ay hindi kailangang kumpletuhin nang sunud-sunod.

3

Magkamit ng isang eksklusibong Badge bilang gantimpala para sa iyong patuloy na pagsisikap.

21-Araw na Hamon Badge

Magsimula gamit ang isa sa
iminumungkahing Gabay na ito:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Handa ka na ba para sa Panibangong Simula?

2022

Bawat taon, kami ay umaasa na ang mga bagay ay magkakaroon ng kaibahan…

Habang papalapit ang Enero, tayo ay puno ng pag-asa na ang taong ito ay magiging iba, na ang mga bagay ay magiging higit na mainam.

Ngunit, hindi tayo ginagawang higit na mabuti ng Diyos—ginagawa Niya tayong bago!

Kaya’t ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang: wala na ang dati niyang pagkatao, binago na siya!

2 MGA TAGA-CORINTO 5:17

Walang anumang pagbabagong gagawin natin ang magdadala ng mga resulta na maikukumpara sa aktibong paghahanap kay Jesus—at pagbibigay-pahintulot sa Kanya na baguhin tayo.

Sa taong ito, piliin ang makalikha ng pangmatagalang pagbabago sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na paglapit sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Magsimula sa pamamagitan ng pagpili ng isa sa mga Gabay sa ibaba:

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang 2021 Pamaskong Hamon ay narito na!

Pamaskong Hamon Badge

Buksan ang 2021 Pamaskong Hamon

Kadalasan, ang mga nangyayari sa ating paligid ay madaling makagambala sa atin mula sa kung ano ang nais ng Diyos na gawin sa atin habang ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Jesus.

Ngunit paano kung iba ang Paskong ito?

Paano kung maari mong isantabi ang napakaraming mga gawain para sa kapayapaan ng Diyos? O ipagpalit ang pagkabalisa para sa kaligayahan? Paano kung ikaw ay maaaring maging bahagi ng pandaigdigang kilusan na nagbubuhos ng pagmamahal ng Diyos ngayong panahon ng kapaskuhan?

Kapag ikaw ay nakilahok sa Pamaskong Hamon, ikaw ay sumasali sa Pamayanan ng YouVersion habang itinutuon natin ang ating mga puso sa tunay na kahulugan ng Pasko.

Kumpletuhin ang kahit na anong Gabay Para sa Pasko o sa Adbiyento sa Disyembre, at ikaw ay makakakuha ng 2021 Pamaskong Hamon Badge!

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Mabuting balita ng malaking kagalakan ang paparating

Adbiyento

Hindi mo nais palampasin ito…

Pagtuunan kung ano ang pinakamahalaga ngayong Pasko.

Ganito ipinakita ng Diyos sa atin ang Kanyang pagmamahal: Ipinadala Niya ang Kanyang kaisa-isang Anak sa mundo upang tayo ay mabuhay sa pamamagitan Niya.

1 JUAN 4:9

Naramdaman mo na ba na parang ang mga pagdiriwang ay dumarating at lumilipas bago ka pa magkaroon ng pagkakataong pagtuunan ang tunay na dahilan para sa panahon na ito?

Ngayong taon, huwag palampasin ang mga sandali bago ang Pasko.

Ang Adbiyento ay nagsisimula ngayon, at ito ay mahusay na daan upang ihanda ang ating mga puso upang ipagdiwang ang kapanganakan ng ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng pagninilay-nilay sa pag-asa, kapayapaan, pag-ibig, at kagalakan na dinala ni Jesus sa mundo. Magsimula sa pamamagitan ng pagkumpleto ng Gabay sa Adbiyento:

Higit pang mga Gabay sa Adbiyento

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Buuin ang isang natatanging Gabay, at magkamit ng isang Badge!

Badge ng Gabay na Ang Biblia ay Buhay

Tuklasin kung paanong ang Biblia ay Buhay.

Ang Diyos na lumikha ng sansinukob ay naghihinga ng bagong buhay sa mundo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Kanyang Salita. At ang Salita ng Diyos ay buhay at aktibo dahil ang ating Diyos ay buhay at aktibo.

Ang Biblia ay humuhubog sa komunidad ng YouVersion, at sa buwang ito ay malapit na tayo sa isang mahalagang pangyayari. Habang papalapit ang YouVersion sa 500 milyong pag-install, ang ating pandaigdigang Komunidad ay nagbubulay-bulay sa kung ano na ang nagawa ng Diyos.

Sumali sa pandaigdigang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkumpleto sa bagong 7-araw na gabay ng YouVersion na Ang Biblia ay Buhay, at tuklasin kung paano ginamit ng Diyos ang Banal na Kasulatan sa pagbabago ng mga buhay sa buong mundo. Ipagdiwang natin kung paano binago ng Biblia ang kasaysayan.

Kumpletuhin ang Gabay na ito sa buwan ng Nobyembre, at makakakuha ka ng limitadong-edisyon na Badge ng Gabay na Ang Biblia ay Buhay.

Badge ng Gabay na Ang Biblia ay Buhay

Simulan ang Gabay