Paano Simulan ang Pagbabasa ng Biblia: 3 Simpleng Hakbang.

Taong nagbabasa sa telepono

1. Tanggapin.

Ihanda ang iyong puso na makinig sa Diyos. Subukan ang isang simpleng panalangin tulad nito…

Ama sa langit, mangyaring tulungan mo akong maunawaan ang bersikulong ito ng Biblia.

…at saka basahin ang Bersikulo ng Araw. Gamitin natin ang bersikulo para sa araw na ito bilang halimbawa:

Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa nang lalong sagana.

JUAN 15:2

2. Magnilay.

Tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang maaaring sinasabi ng bersikulong ito sa iyo, at malalimang pag-isipan ang iyong mga kasagutan. Narito ang ilang mga halimbawa na maaari nating makuha mula sa bersikulo para sa araw na ito:

Inaasahan ni Jesus na ibahagi ko ang aking pananampalataya sa ibang tao.

Kapag isinasabuhay ko ang pag-ibig ng Diyos, iyon ang nagpapalapit ng ibang tao sa Kanya.

Dapat akong pagsikapan na alisin ang mga bagay sa aking buhay na hindi nagpapakita ng pag-ibig ng Diyos.

Kadalasan ay sa pamamagitan ng mga hamon pinalalawak ng Diyos ang aking kakayahan na magmahal ng iba.

3. Tumugon.

Gamitin ang bersikulo na ito bilang batayan para sa isang panalangin, marahil tulad nito:

Panginoon, bigyan Mo ako ng lakas ng loob at pagkakataon na maibahagi ang iyong pag-ibig sa ibang tao. Mangyaring ipakita Mo sa akin kung aling mga bahagi ng aking buhay ang hindi nagbubunga.

Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa nang lalong sagana. - Juan 12:2 - Bersikulong Larawan

Ibahagi ang Bersikulo ng Araw

Gawin mo itong iyong 2020 soundtrack:

Lalaking nakikinig sa mga headphone

Anuman ang hitsura ng iyong pang-araw-araw na gawain, gawing kaugalian ang paglaan ng oras sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapabasa sa iyo ng Banal na Kasulatan.

Buksan lamang ang iyong YouVersion Bible App at maghanap ng mga Biblia na may icon na audio:

Icon ng Audio

Anumang pagkakataon na makita mo ang icon ng audio sa itaas ng teksto ng Biblia, pindutin mo ito, at pagkatapos ay pindutin ang I-play. (Kung hindi ka nakakakita ng icon ng audio, lumipat sa isang bersyon ng Biblia na mayroong ispiker sa tabi nito.)

Habang ikaw ay nakikinig, maaari mong itigil sandali, i-rewind, at piliin ang bilis ng iyong pag-playback. Ang pakikinig sa Salita ng Diyos ay mas pinadali!

Tuklasin ang mga Audio na Biblia

Alam ba ng mga tao ang totoong ikaw?

Talampas na tanaw ang karagatan

Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng kanyang puso at sa gayon ay pinapawalang-sala ng Diyos. Nagpapahayag naman siya sa pamamagitan ng kanyang labi at sa gayon ay naliligtas.

Mga Taga-Roma 10:10

Talampas na tanaw ang karagatan

Ano ang gusto mong malaman ng mga tao tungkol sa iyo?

Maaaring matukso tayong iparamdam ang ating online na presensiya upang pabilibin ang iba: sa masasarap na pagkain natin, sa mga kakaibang lugar na ating nararating, mga sikat na taong ating nakakasama. Mga bagay na ayos lang ibahagi. Ngunit hindi sinabi ni Jesus na ilalapit Niya ang mga tao sa Kanya gamit ang ating mga tagumpay. Kundi gamit ang ating pag-ibig (Juan 13:35).

Ngayong taon, simulang kagawian ang pagbabahagi ng Kanyang nakapagpapabagong pag-ibig.

Magsimula sa Maliit…

Ang pag-text ng isang bersikulo mula sa biblia o isang Bersikulong Larawan sa isang kaibigan ay napakadali. Kailangan mo ba ng pang-araw-araw na paalala? Mag-subscribe sa Bersikulo ng Araw. Maaari ka ring magbahagi ng mga nilalaman mula sa mga debosyonal: bawat Gabay sa Biblia ay may buton na Ibahagi sa panulukan ( Icon ng Ibahagi ).

…At Pagkatapos ay Gumawa ng Kagawian.

Matapos kang magbahagi ng ilang beses, gawing layunin ang magbahagi ng kahit isang bersikulo mula sa Biblia o Gabay sa Biblia araw-araw sa loob ng isang linggo. Hindi magtatagal at magsasabi ang mga kaibigan mo kung gaano nila ipinagpapasalamat ang iyong ginagawang panghihikayat!

Magbahagi ng Bersikulong Larawan

Simulan ang 2020 ng isang kagawian sa Biblia:

2020

Gawin Mong Iyo ang 2020:

Nais mo bang baguhin ang iyong buhay ngayong taon? Nagsisimula ito sa paggawa ng isang maliit na kagawian bawat araw.

Kunin ang mga biblikal na kagamitan na iyong kailangan upang magsimula ng mga mabubuting kagawian sa pamamagitan ng pagsisimula ng isa sa mga Gabay na ito:

Freedom Fighters – Revived For A Reason (PH)
Habits o Mga Gawi
Bagong Taon, Mga Bagong Awa
Humayo Gawin Sabihin Ibigay: Ang Kalayaan Ng Pagsuko Kay Jesus
Sama-sama nating Basahin ang Biblia (Enero)
60 Para Magsimula
21 Araw na Pag-aayuno
Robert Roberts

… Kaya, ano pa ang hinihintay mo?

Magsimula ka na ng isa sa mga Gabay na ito.

Magsimula ng Kagawian


Handa na ang iyong YouVersion Snapshot!

2019 Snapshot

Nakita mo na ba ang iyong YouVersion Snapshot? Ito ay ang iyong buong taon sa isang larawan!

Nais mo bang mapalapit sa Diyos sa 2020? Ang Bible App ay may napakaraming mga paraan upang matulungan kang gawin iyon. (At marami pang iba sa darating na taon.) Narito ang isa sa mga pinakamagagandang paraan upang magpasya kung saan mo gustong makarating sa susunod: balikan ang kalsadang iyong nilakbay. Ang Iyong YouVersion Snapshot ay magpapakita sa iyo kung gaano karaming mga Gabay ang iyong nakumpleto, mga Talata na iyong hinaylayt, mga Bersikulong Larawan na iyong nilikha, at marami pang iba. At napakadaling ibahagi ito sa iyong mga kaibigan!

Ang Iyong YouVersion Snapshot