Isipin mo ang isang gabing tahimik na may maraming bituin at ikaw ay nasa parang na napapalibutan ng mga tupa. Nang biglaan ay may isang malaking hukbo ng mga anghel ang lumitaw at sinasabi sa iyo na, pagkatapos ng 400 taong paghihintay, ang pag-asa ng sanlibutan ay naisilang na – isang sanggol na tatawaging Emmanuel, “Kasama natin ang Diyos.”
Magsisimula ngayon ang araw ng Adbiyento, Disyembre 1, na nagbibigay sa atin ng apat na linggo upang pagnilayan ang pag-asa, kapayapaan, kagalakan, at pag-ibig na hatid ng pagsilang ni Jesus sa mundo.
Habang tayo ay papalapit sa Pasko, sa bawat Linggo ng Adbiyento ay magpapahayag kami ng isang panalangin tungkol sa tema ng adbiyento ng linggong iyon. Ang tema ng linggong ito ay pag-asa: ang pagtitiwala at paghihintay na tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako.
Pagnilayan ang mga pangako ng Diyos at maglaan ng sandali upang i-ayon ang iyong puso kay Jesus sa panalanging ito.
Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-asa:
Diyos, habang papasok kami sa Disyembre, kami ay panandaliang titigil at magninilay sa lahat ng Iyong nagawa sa aming mga buhay, sa aming mga pamilya, at sa aming mga pamayanan.
Pinupuri Ka namin dahil Ikaw ang Diyos na nagliligtas. Ikaw si Emmanuel, kasama natin ang Diyos.
Nagpapasalamat kami na ang pag-asa namin ay nasa Iyo, at hindi sa mga pagkakataon o sa mga tao.
Dahil kami ay umaasa sa Iyo, natitiyak namin na tutuparin mo ang Iyong mga pangako sa amin.
Ipaalala mo sa amin ngayon kung ano ang tunay na mahalaga. Ituon mo ang aming mga puso sa Iyo. Tulungan mo kaming makita na Ikaw ay may ginagawa sa kalagitnaan ng aming paghihintay.
Mas ilapit mo kami sa Iyo ngayong panahon ng Kapaskuhan, at ihanda Mo ang aming mga puso para sa katuparan ng Iyong mga pangako.
Amen.
Gawing bahagi ng iyong tradisyon sa Pasko ang Panalanging Pang-Adbiyento sa pamamagitan ng pagbisita rito bawat Linggo. Samantala, patuloy na pagnilayan ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng pagsisimula ng isang Gabay na Pang-Adbiyento:
Unang Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-asa
Ikalawang Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kapayapaan
Ikatlong Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kagalakan
Ika-apat na Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-Ibig
Tumingin Pa ng mga Gabay
Ibahagi sa Facebook
Ibahagi sa pamamagitan ng Email