Salamat sa Diyos para sa Kanyang Salita

Ang Biblia ay BUHAY

Manalangin tayong Sama-sama

Sa tuwing bubuksan mo ang YouVersion, nakikipag-ugnayan ka sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. At kapag binuksan mo ang app, may access ka sa Banal na Kasulatan sa isang wikang naiintindihan mo.

Isipin kung anong regalo iyon.

Ngunit ang Banal na Kasulatan ay hindi lamang magagamit sa inyong wika—sapagkat dahil sa ating mga mapagbigay na katuwang, ang YouVersion ay nag-aalok ng Biblia sa 1,700 na wika.

Ang Diyos ay bumibihag sa puso ng mga taong hinahanap Siya sa pamamagitan ng Kanyang Salita, at lumilikha ng pandaigdigang Pamayanan na nakasentro sa Banal na Kasulatan.

At Siya ay nagsisimula pa lamang.

Habang papalapit ang YouVersion sa 500 milyong mga pag-install, magpasalamat tayo sa Diyos na gumawa upang maging posible para sa atin na lumapit sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Hilingin natin sa Diyos na magpatuloy na baguhin ang mga puso sa buong mundo sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, at ipanalangin natin ang mga tao sa ating buhay na hindi pa personal na nakakakilala sa Diyos.


Isang Panalangin ng Pagdiriwang

O Diyos,

Salamat sa pagbubuklod mo sa Pamayanan ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng Iyong Salita. Binago ng Banal na Kasulatan ang aming mga buhay, binago ang aming mga puso’t isipan, at inihayag ang malalim na pangungulila namin sa Iyo. Ang Salita mo ang dahilan kung kaya’t naitatag ang Pamayanan ng YouVersion.

Panginoon, nais naming patuloy na lumaganap ang iyong Salita sa buong mundo sapagkat ito ay ganap at totoo. Ang iyong Salita ay hindi bumabalik nang walang laman. Sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan, inilahad Mo kung ano ang mabuti at mahusay. Ang Iyong Salita ay puno ng mga pangakong gumagabay at tumatanglaw sa aming daan. Ito ay nagtuturo sa amin, gumagabay sa amin, nagwawasto sa amin, at nagbibigay ng aliw sa amin. Nais naming makita ang Iyong mga salita na patuloy na nagbabago ng aming mundo.

Pagkalooban Mo kami ng higit pang mga pagkakataon na maibahagi ang Banal na Kasulatan sa iba. At sa pagkakaloob Mo sa amin ng mga pagkakataon na ito, mangyaring ihanda Mo ang mga puso at isipan upang makilala Ka pa ng masinsinan.

Gawin Mo kaming mga nilalang na ayon sa Iyong pagkakalikha sa amin upang kami ay makapagbigay kaluwalhatian sa Iyo sa lahat ng oras. Kami ay Iyong bayan, at iniaalay namin nang buo ang aming mga sarili sa Iyo.

Sa ngalan ni Jesus,
Amen.

I-save ang Panalangin

Isang Panalangin para sa mga Cristianong Pinuno

Mga taong nakatayo sa batuhan na nakatingin sa paglubog ng araw

Sino ang maaari mong parangalan sa araw na ito?

Minamahal na mga kapatid, igalang ang mga namumuno sa inyo sa gawain ng Panginoon. Nagtatrabaho sila nang husto at binibigyan ka ng espiritwal na patnubay.

1 MGA TAGA-TESALONICA 5:12

Kapag naisip mo ang isang pinunong espiritwal na positibong nakaapekto sa iyong buhay, sino ang sumasagi sa iyong isipan? Maaaring ito ay isang pinuno ng simbahan. Pwedeng ito ay isang guro na nagbigay ng inspirasyon sa iyo. Marahil ito ay isang kaibigan o miyembro ng pamilya na tumulong sa iyong pananampalataya na lumakas.

Ano ang hitsura ng iyong buhay kung hindi sila bahagi nito?

Ang nakaraang ilang taon ay naging mapanghamon para sa mga Cristianong pinuno sa buong mundo. Lahat ng hinarap natin, pinagdaanan din nila—ngunit dinala rin nila ang mga pasanin ng mga taong tulad natin.

Ano ang mangyayari kung milyon-milyong mga tao sa buong pandaigdigang YouVersion Community ang desididong manalangin para sa mga taong nakahikayat sa atin?

Alamin Natin.

Sa araw na ito, parangalan natin ang mga taong walang pag-iimbot na naglilingkod sa atin sa pamamagitan ng sama-samang pananalangin para sa kanila.

Isang Panalangin para sa mga Cristianong Pinuno

O Diyos,

Salamat sa pagbibigay Ninyo ng mga Cristianong pinuno sa aking buhay na nagmamahal sa Inyo at nagmamalasakit sa akin. Ako ay nahubog sa pamamagitan ng kanilang karunungan, awa, kabaitan, at walang pag-iimbot na pag-ibig.

Sa araw na ito, hinihiling ko sa Inyo na ipakita sa akin kung paano ko maaaring pagpalain ang mga pinunong ito, tulad ng pagpapala nila sa akin. Hayaang ang aking pasasalamat ay magpaalala sa kanila na sila ay nakikita, pinahahalagahan, at kinikilala.

Palakasin ang kanilang loob kapag nakakaramdam sila ng kapaguran, at panumbalikin ang kanilang lakas kapag nakakaramdam sila ng kabigatan. Bigyan Ninyo ng kapahingahan ang mga nangangailangan nito, at ipaalala sa kanila ang Iyong mga pangako. Pagpalain ang kanilang mga pamilya, palakasin ang kanilang mga ministeryo, at palawakin ang kanilang impluwensya — para sa Iyong kaluwalhatian, at kanilang kabutihan.

Sa ngalan ni Jesus,

Amen.

I-save ang Panalanging Ito

Mga pasimula ng pakikipag-ugnayan sa Diyos

Taong nananalangin

Hindi sigurado kung ano ang ipapanalangin?

Ang pakikipag-usap sa Diyos ay hindi laging madali, ngunit kung nais nating makilala ang Diyos nang higit pa, kailangan nating malaman kung paano makipag-usap nang may kababaang-loob at katapatan sa Kanya.

Narito ang tatlong bagay na maaaring magpalakas sa iyong loob habang lumalapit ka sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Pumili ng isa o dalawang puntos na katangi-tangi sa iyo, at gamitin ang mga ito upang lumikha ng isang Panalangin sa YouVersion.

1. Panatilihin itong simple.

Hindi iniisip ng Diyos kung gaano kahusay ang iyong mga salita—nais lamang Niya na makasama ka. Ang ilan sa mga pinakamagandang pakikipag-ugnayan sa Diyos ay nagaganap kapag ibinabahagi mo lamang kung ano ang nasa isip mo sa Kanya at pagkatapos ay bigyan Siya ng puwang upang tumugon.

Subukang magtanong:

O Diyos, ano ang dapat kong gawin tungkol sa … ?

O Diyos, ano ang palagay Ninyo tungkol sa … ?

O Diyos, gagawin ba Ninyo … ?

O Diyos, bakit nangyari ang … ?

Lumikha ng isang Panalangin

2. Panatilihin itong totoo.

Hindi magagalit ang Diyos sa iyo sa pagiging matapat, kaya’t maging tunay kapag nagdarasal. Tandaan, walang makapaghihiwalay sa iyo mula sa pag-ibig ng Diyos. Kaya’t kung hindi ka nakatitiyak kung ano ang sasabihin, sabihin iyon sa Diyos. Kung nasisihapyo ka sa isang sitwasyon, sabihin mo ito. Nais Niyang lumapit ka sa Kanya nang may kumpiyansa at katapangan.

Kausapin ang Diyos tungkol sa isang bagay na bumabagabag sa iyo ngayon. Subukang sabihin:

Nahihirapan ako sa…

Kailangan ko ng tulong sa…

Hindi ko maintindihan kung bakit…

Ako ay nasisihapyo dahil…

Lumikha ng isang Panalangin

3. Patuloy na magpakita.

Maaaring nakakaalangan ang pananalangin sa simula, ngunit kung mas madalas mo na itong ginagawa, mas nagiging madali ito. Ngayong linggo, ugaliin ang pagdadasal sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hindi bababa sa 5 minuto pakikipag-ugnayan sa Diyos araw-araw.

Narito ang ilang mga pasimula sa pakikipag-ugnayan:

Umaasa ako na…

Nagpapasalamat ako para sa…

Nasasabik ako dahil…

Ngayon, napansin ko na…

Lumikha ng isang Panalangin

Isang Panalangin para sa Pagpatnubay

Ano ang gumagabay sa iyo?

Isipin ang tungkol sa isang pasya na nagawa mo kamakailan. Marahil ay pumipili ka ng susuitin para sa araw na iyon. Marahil ay pinag-iisipan mo kung tatanggapin o hindi ang isang bagong trabaho. O marahil ito ay simpleng pagpapasya lamang na sabihin ang “hello” sa isang taong hindi mo gaanong kilala. Ang isang karaniwang tao ay gumagawa ng libu-libong mga desisyon sa bawat araw.

Bagama’t ang ating mga pinagpipilian ay hindi nagtataglay ng pantay na kahalagahan, ang bawat pagpili na ginagawa natin ay nag-aambag sa direksyon na tinutungo ng ating mga buhay. Ang magandang balita ay—hindi natin kailangang magpasya nang mag-isa.

Ang Banal na Espiritu ng Diyos ay kasama ng sinumang naniniwala kay Jesus, na nagbibigay ng kapangyarihan na mamuhay sa paraang nagbibigay ng karangalan sa Kanya. Kaya ngayon, pag-isipan ang isang desisyon na kailangan mong gawin, at kung handa ka na, hilingin sa Banal na Espiritu na gabayan ka.


Isang Panalangin para sa Pagpatnubay

Banal na Espiritu,

Alam Ninyo ang saloobin ng aking puso. Nauunawaan Ninyo ang pinakamalalim na kagustuhan at pangangailangan ko, at alam Ninyo ang aking bawat hangarin. Mas kilala Ninyo ako kaysa sa aking sarili. Walang akong matatakbuhan upang makatakas sa Inyong presensya, at wala akong maitatago sa Inyo!

Kung kaya’t, sa sandaling ito, ako ay humihiling sa Inyo na bigyan ako ng banal na karunungan at gabay.

Hindi ko palaging alam kung ano ang dapat na ipagdasal. Nanlulupaypay ang aking kaluluwa at pagod na ako. Madalas akong mag-alala tungkol sa paggawa ng tamang desisyon—ngunit nais kong mamuhay na nagbibigay karangalan sa Inyo.

Kahit na pakiramdam ko na hindi ako makaabante o hindi makita kung ano ang nasa hinaharap— nakikita Ninyo ako. At kilala Ninyo ako. Kaya pakiusap ko na gabayan Ninyo ako. Ipakita Ninyo sa akin ang mga landas na patungo sa masaganang buhay, at sawayin ako kapag natutukso akong lumayo sa Inyo.

Habang ginagabayan Ninyo ako, panumbalikin ako. Ilalagay ko ang aking pag-asa sa Inyo sa lahat ng oras dahil alam Ninyo ang lahat ng mga bagay, at sa Inyo, ang aking buhay ay buo. Ikaw ang aking lakas sa mga oras ng pangangailangan, at Ikaw ang aking naging kaligtasan.

Kaya’t yakapin ako, Panginoon, at turuan akong lumakad sa paraang karapat-dapat sa pagkatawag na ibinigay Ninyo sa akin. Ituwid ang aking mga hakbang habang binabantayan Ninyo ang aking buhay, dahil nais kong luwalhatiin Kayo.

Sa ngalan ni Jesus,

Amen.

I-save ang Panalanging Ito

9 na mga Panalangin Upang Tulungan Kang Linangin ang Bunga ng Espiritu

Kahel

Kung nabubuhay tayo sa pamamagitan ng Espiritu, umalinsabay din tayo sa Espiritu.

MGA TAGA-GALACIA 5:25

Kung itinuturing mo ang iyong sarili bilang tagasunod ni Jesus, ang Banal na Espiritu ay laging kasama mo, tinutulungan kang magkaroon ng buhay na pinararangalan ang Diyos at hinihikayat ang iba. Ngunit kahit nariyan ang Banal na Espiritu sa lahat ng oras, ang pamumuhay na puspos ng Espiritu ay nangangailangan ng sadyang paghahanap sa Diyos araw-araw.

Kapag pinapayagan natin ang Espiritu ng Diyos na hatulan, hamunin, at baguhin tayo, binabago Niya ang mga paraan ng ating pag-iisip at pagkilos.

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.

MGA TAGA-GALACIA 5:22-23

Ang mga “bunga” ng Espiritu ay magkakaiba ngunit magkakaugnay—magkasama, pinatutunayan nila na pinapayagan natin ang Diyos na hubugin ang bawat bahagi ng ating buhay.

Ang mga pagpiling gagawin mo ay laging sasalamin sa kung ano ang pinapayagan mong pumatnubay at gumabay sa iyong puso. Kaya sa sandaling ito, maglaan ng sandali upang basahin muli ang Mga Taga-Galacia 5: 22-23, at hilingin sa Banal na Espiritu na ipakita sa iyo kung anong mga bahagi ng iyong buhay ang kailangan mong baguhin Niya. Pagkatapos, kapag handa ka na, ipanalangin mo ang mga sumusunod na panalangin kasama namin.

Isang Panalangin para sa Pag-ibig

Diyos Ama, salamat sa pagpapakita mo sa akin kung ano ang hitsura ng totoong pag-ibig. Mangyaring gawin Mo akong perpekto sa Iyong pag-ibig sa pamamagitan ng pagpapakita sa akin ng mga bahagi ng aking buhay na hindi naaayon sa Iyong Banal na Espiritu. Ipakita Mo sa akin kung saan ako makasarili, mapagpalugod sa sarili, at madaling magalit, upang maisuko ko sa iyo ang mga bagay na iyon at hayaan kang palitan ang mga ugaling iyon ng Iyong pag-ibig na walang pag-iimbot. Gawin mo akong isang taong nagmamahal sa iba tulad ng pag-ibig Mo sa akin. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Idagdag sa Listahan ng Panalangin

Isang Panalangin para sa Kagalakan

O Diyos, salamat sa Iyong pagbibigay sa akin ng karapatang makalapit sa Iyong presensya. Dahil lagi kitang kasama, maaari kong maranasan ang totoong kagalakan sa lahat ng oras. Bagaman ang kagalakang ibinibigay Mo ay hindi nakabatay sa aking mga kalagayan, hindi ako laging nabubuhay ng may kagalakan. Kadalasan, sa halip na magtiwala sa Iyo, hinahayaan kong madiktahan ng aking mga problema ang aking mga reaksyon. Patawarin mo ako! Punuin mo ako ng Iyong kagalakan at kapayapaan, upang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong Banal na Espiritu, ako ay maging sagana sa pag-asa sa lahat ng oras. Tulungan Mo akong mabuhay ng may kagalakang walang makakatalo. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Idagdag sa Listahan ng Panalangin

Isang Panalangin para sa Kapayapaan

Diyos Ama, madalas ay natatabunan ako ng mga pangyayaring hindi ko mapigilan, at madaling mawala ang atensyon ko dahil sa mga bagay na walang kabuluhan. Patawarin Mo ako dahil hindi ko laging naibibigay sa Iyo ang aking pagtitiwala. Kahit na nahaharap ako sa matitinding sitwasyon, nariyan ka pa ring kasama ko. Ikaw ang Maylikha ng kapayapaan, at maaari akong makapasok sa Iyong presensyang puno ng kapayapaan sa tuwing lumalapit ako sa Iyo. Kaya’t sa halip na patahimikin ang Iyong Banal na Espiritu kapag nababalisa ako o pinanghihinaan ng loob, tulungan Mo akong magkaroon ng lugar sa puso at isipan ko upang maranasan ang kapayapaang malaya Mong ibinibigay. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Idagdag sa Listahan ng Panalangin

Isang Panalangin para sa Pagpapasensya

Banal na Espiritu, lumikha Ka sa akin ng isang malinis na puso na naghahanap ng pinakamahusay sa iba. Tulungan Mo akong magpakita ng pakikiramay at kahabagan sa lahat, at gawin ito nang may kahinahunan at paggalang. Kapag ang mga tao o pangyayari ay hindi natutugunan ang aking mga inaasahan, bigyan Mo ako ng kapangyarihang magpakita ng biyaya at pag-unawa. Tulungan Mo akong makita ang aking mga sitwasyon mula sa Iyong pananaw upang magalak ako sa lahat ng oras at magpakita ng pagtitiyaga kung kinakailangan. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Idagdag sa Listahan ng Panalangin

Isang Panalangin para sa Kabaitan

O Diyos, salamat sa Iyong patuloy na pagpapakita sa akin ng Iyong matatag na pag-ibig at awa. Napakabuti Mo talaga! Panginoon, madalas akong madaling magalit, masaktan, o sumama ang loob. Mangyaring baguhin Mo ang aking pag-iisip at pag-uugali. Sa pamamagitan ng Iyong Espiritu, ako ay napatawad at nabigyan ng kapangyarihan. Kaya’t ngayon, inaanyayahan Ko Kayo na gabayan ako, patnubayan ako, at ipakita Mo sa akin kung paano ipakita ang kabutihan sa iba tulad ng pagpapakita mo ng kabaitan sa akin. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Idagdag sa Listahan ng Panalangin

Isang Panalangin para sa Kabutihan

Banal na Espiritu, wala akong matatakbuhan upang makatakas sa Iyong presensya! Hindi Ka susuko sa akin dahil napakabait Mo upang iwan ako kung paano Mo ako natagpuan. Gabayan Mo ako, payuhan Mo ako, at ipakita Mo sa akin ang mga landas na patungo sa buhay. Ngayon, nawa ay lalo pa akong magkaroon ng kamalayan sa Iyong kabutihan upang maibahagi ko sa iba ang Iyong kabutihan. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Idagdag sa Listahan ng Panalangin

Isang Panalangin para sa Pagpipigil sa Sarili

Banal na Espiritu, hayaan mong maging kalugud-lugod sa Iyo ang mga salita ng aking bibig at ang mga laman ng aking puso! Ayokong malungkot Ka sa pamamagitan ng pamumuhay sa paraang hindi karapat-dapat sa pagkatawag Mo sa aking buhay. Sa halip, nais kong mabuhay nang may disiplina at may pag-alala sa buhay sapagkat alam kong nagbibigay-karangalan ito sa Iyo. Kaya’t kapag natutukso akong sumuko sa galit, pagkamakasarili, o pagmamataas, tulungan Mo akong isaalang-alang ang iba na mas mahusay kaysa sa aking sarili, at payagan Mo akong gawin ito nang may kababaang-loob at biyaya. Isinusuko ko sa Iyo ang kapamahalaan ng aking buhay. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Idagdag sa Listahan ng Panalangin

Isang Panalangin para sa Katapatan

O Diyos, ginagawa Mong maayos ang lahat ng bagay sa tamang oras. Walang mahirap para sa Iyo! Tapat Ka sa Iyong mga pangako. Ngunit madalas, nakakalimutan ko ito at pinanghihinaan ako ng loob kapag ang aking mga sitwasyon ay tila hindi nagbabago. Sa mga sandaling iyon, madaling kalimutan na hindi Ka pa tapos sa paggawa. Sa pamamagitan ng Iyong Banal na Espiritu, mangyaring baguhin Mo ang aking pag-iisip at pag-uugali. Kapag nagsisimula akong mapagod, tulungan Mo akong alalahanin na Ikaw ay kasama ko, Ikaw ay tapat, at binigyan Mo ako ng lahat ng kailangan ko upang mabuhay na puno ng pananampalataya ngayon. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Idagdag sa Listahan ng Panalangin

Isang Panalangin para sa Kahinahunan

Banal na Espiritu, tulungan Mo akong bigyang-pansin ang mga paraan na tinatawag Mo ako sa aking pangalan at inilalapit ako sa Iyo. At habang ginagawa Mo iyan, ipakita Mo sa akin kung paanong mamuhay sa paraang karapat-dapat sa pagkatawag na ibinigay Mo sa akin. Tulungan Mo akong hindi gumawa ng anumang bagay na may makasariling ambisyon, kundi sa halip, ipakita Mo sa akin kung paano isaalang-alang ang iba bilang mas mahusay kaysa sa aking sarili. Sa halip na maghangad na agad iwasto ang mga maling nakikita ko sa ibang tao, hayaan Mo muna akong dalhin ang aking mga alalahanin sa Iyo at payagan Kang gabayan ang aking tugon. Hayaan Mong ang mga pakikipag-usap ko sa iba ay mapuno ng kahinahunan at paggalang upang wala sa aking buhay ang makagambala sa mga tao na makita ka sa pamamagitan ko. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Idagdag sa Listahan ng Panalangin

Nakahikayat ba o nakapagbigay-inspirasyon ba sa iyo ang mga panalanging ito? Idagdag ang ilan sa mga ito sa iyong YouVersion Listahan ng Panalangin. Sa buong linggo, patuloy ang sinasadyang paglapit sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, at hayaan ang Kanyang Banal na Espiritu na hubugin ang paraan ng pamumuhay mo.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email