Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kagalakan

Ang tema ng Adbiyento ngayong linggo ay kagalakan: ang pagtitiwala na puno ng kapurihan na Diyos ang may kontrol at gumagawa ng lahat para sa ating ikabubuti at sa Kanyang karangalan.

Maglaan ng sandali upang pagnilayan ang kabutihan ng Diyos at ituon ang iyong puso kay Jesus gamit ang panalanging ito:

Ama namin sa langit,
Maraming salamat sa Iyo para sa dumating na kagalakan sa mundo nang ipinanganak si Jesus.
Maraming salamat sa pagiging Diyos na kasama namin.
Panginoon, minsa’y napakahirap mamuhay nang may kagalakan, partikular na sa mga mahihirap na pagkakataon o kapag napakarami naming kailangang gawin.
Dalisayin mo ang aming mga puso ngayong linggo at paalalahanan mo Kaming Ikaw ang may kontrol.
Tulungan mo kaming magalak kapag kami’y dumaranas ng iba’t-ibang uri ng pagsubok sapagkat alam naming mayroon Kang nililikhang mabuti at walang hanggan.
Sa aming pagtuon ng aming paningin at mga puso sa Iyo, punuin Mo nawa ang aming mga kalooban ng panibagong lakas, tapang, at pag-asa.
Panginoon, ikaw ay palaging karapat-dapat na papurihan – at nais ka naming sambahin!
Amen


Magsimula ng Isang Gabay na Pampasko o Pang-Adbiyento

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang Panalanging Pang-Adbiyento na ito ay ikatlo sa serye ng apat.
Unang Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-asa
Ikalawang Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kapayapaan
Ikatlong Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kagalakan
Ika-apat na Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-Ibig

Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kapayapaan

Aming Ama sa langit, salamat sa pagpapadala mo sa Iyong Anak na si Jesus, ang Prinsipe ng Kapayapaan.
Salamat sa pagkalinga mo sa amin, at salamat sa iyong pangakong ibibigay mo ang iyong kapayapaan.
Nakikiusap kaming bantayan mo ang aming mga puso at isipan ng Iyong kapayapaan.
Batid mo ang mga bagay na nakakabigat sa amin ang pag-aalala, pagkabalisa, o takot.
Panginoon, tulungan mo kaming ituon ang aming mga isipan sa Iyo sa halip, at sa Espiritu Santo. Salamat sa pangakong bibigyan Mo kami ng buhay at kapayapaan.
Maaari kaming humimlay at matulog, Panginoon, dahil ginagawa Mo kaming ligtas.
Amen


Magsimula ng Isang Gabay na Pampasko o Pang-Adbiyento

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang Panalangin Pang-Adiyentong ito ay ikalawa sa apat na magkakasunod.
Unang Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-asa
Ikalawang Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kapayapaan
Ikatlong Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kagalakan
Ika-apat na Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-Ibig

Maging matalino sa pagpili ng iyong mga kaibigan.

Mga magkakaibigang nakatayo

“Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.”

JUAN 15:12-13

Pamayanan — isang lupon ng mga indibidwal na nagkakaisa sa pakikisama, pagbabahagi ng mga saloobin, mga hilig, at mga layunin.

Sumulyap ka sa iyong kaliwa, tapos naman ay sa iyong kanan. Sino’ng mga kasama mo? Sila ba ay itinuturing mong mga kaibigan? Ang mga oras ba na ginugugol ninyong magkakasama ay nagpapabuti sa inyo bilang mga tao? O ang mga bagay na inyong ginagawa nang magkakasama minsan ay humahantong sa pagsisisi?

Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.

MGA KAWIKAAN 13:20

Ang mga relasyon ay parang sustansya sa ating kaluluwa. Nagbibigay kalusugan ba ang mga taong malapit sa iyo? O kayo ba ay nagpapakalabis sa mga junk food? Ikaw ay direktang naiimpluwensiyahan ng mga taong lagi mong kasama. Kahit na pakiramdam mo na naiiba ka sa kanila ngayon, sa limang taon… ay hindi na.

…upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, at sa halip ay magmalasakit sa isa’t isa. Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat. Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay bahagi nito.

1 MGA TAGA-CORINTO 12:25-27

Ginawa tayo ng Diyos nang nangangailangan sa bawat isa. Tayo ay may iba’t ibang kakayahan at kalakasan, iba’t ibang kabiguan at kahinaan. Kapag tayo ay nagsama-sama, maaari nating patnubayan ang isa’t isa, magtulungan, hikayatin ang bawat isa, at hamunin na rin ang isa’t isa na lumago.

Ito ang 3 simpleng mga bagay na maaari mong gawin upang pasimulan ang iyong pamayanan:

Tumawid ng Kalsada

Kilala mo ba ang iyong mga kapitbahay? Kung nakatira ka sa parehong lansangan, o kahit sa parehong gusali, mayroon na kayong pagkakapareho. Huwag mo masyadong isipin ito. Mahal ni Jesus ang iyong kapitbahay. Marahil na ikaw rin… at hindi mo lang alam sa ngayon.

Hamon: Magsimula ng isang pag-uusap sa pakikipag-kamay at magsabi ng, “Paumahin, hindi pa ata tayo nagkakakilala. Ako ay si _____. Ikaw?” Kahit ikaw ay nahihiya, kailangan mo lamang lakasan ang iyong loob ng 30 segundo.

Magbahagi ng isang Karanasan

Lahat tayo ay may mga bagay na dapat pag-usapan, mga hamon na mas mauunawaan kung pinag-uusapan. At lahat tayo ay mayroong maiaalay, kahit isang tainga na handang makinig.

Hamon: Mag-imbita ng isang kaibigan upang gumawa ng isang bagay nang magkasama: pagsaluhan ang isang pagkain, gumawa ng isang proyekto, o kahit maglakad nang sabay. Mag-usap tungkol sa kahit na ano. Maging tapat, at maging totoo.

Mag-imbita ng Malalim na mga Pagkakaibigan

Tayo ay paulit-ulit na pinaaalalahanan ng Biblia na kailangan natin ng mga tao na ating mapagkakatiwalaan: Mga malalapit na kaibigan na hihikayat sa iyo, magbibigay-inspirasyon sa iyo, hahamon sa iyo, magmamahal sa iyo, at magdarasal para sa iyo. At kailangan ka rin nila upang gawin ang mga ito para sa kanila.

Hamon: Mag-imbita ng isang kaibigan (o 3) upang samahan ka sa Bible App, pagkatapos ay magbasa ng isang Gabay nang magkasama.

Maghanap ng mga Kaibigan

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Kaya nga, sa lahat ng pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

MGA TAGA-GALACIA 6:10

I-unlock ang mga bagong-bagong Badge!

Mga Badge

“Nais kong mapalapit sa Diyos, ngunit…”

May mga araw, na pakiramdam mo ay para bang nagkakaisa ang lahat ng pangangailangan ng buhay upang matalo ka. Ngunit, ang paghahanap sa Diyos sa Kanyang Salita ay may kapangyarihang magbigay ng positibong pagbabago sa iyong buhay. Paano mo hahanapin ang pang-araw-araw na ritmong iyon? Sa pamamagitan ng pagtatakda ng maliliit, at madadaling makamit na mga layunin… at paggawa sa mga ito nang isa-isa.

Ipinapakilala
Ang Mga Bagong-Bagong Badge

May isang partikular bang bersikulo mula sa Biblia ang tunay na nangusap sa iyong puso? I-haylayt mo ito, at ma-a-unlock mo ang Haylayt Badge! Patuloy na mag-haylayt, at ika’y “mag-le-level up” sa bawat pagkakataon na maabot mo ang susunod na milestone. Subukan mo rin ito sa mga Bookmark, at i-unlock at i-level up ang iyong Bookmark Badge!

Mga Badge

Tulungan ang iyong sarili.

Kumpletuhin ang isa sa aming taunang hamon (tulad ng Pamaskong Hamon), at magkakaroon ka ng Badge. Mag-subscribe sa isang Gabay sa Biblia, at ma-a-unlock mo ang Badge sa Suskripsyon sa Gabay. Tapusin ang Gabay na iyon, at ma-a-unlock mo ang Badge sa Pagkumpleto ng Gabay. Patuloy na magsimula at magtapos ng mga Gabay, at pareho mo itong male-level up.

Mga Badge sa Profile

Gumawa ng momentum.

Ipakikita ng iyong home feed ang iyong pagsulong sa mga Badge. Magpunta sa iyong profile upang makita ang lahat ng mga Badge na kasalukuyan mong na-unlock…at kung ano pang mga Badge ang maaari mong makuha. Sa sandaling mahikayat mo ang iyong sarili sa paggawa ng ilang maliliit na Badge, baka sakaling mabigyan-inspirasyon ka rin nitong makuha ang Badge para sa Pagkumpleto ng Biblia.

Mga Badge sa Community Feed

At magbigay inspirasyon sa iba.

Makikita ng iyong mga kaibigan ang iyong mga Badge sa kanilang mga feed, o maaari mong ibahagi ang iyong paglalakbay at imbitahin silang salihan ka, sa social media o sa teks. At, kapag nakita mo ang pagsulong ng Badge ng iyong kaibigan sa iyong feed, maaari mo itong i-like o lagyan ng komento upang hikayatin sila.

Tara na at magsimula:

I-update Ngayon

3 Mga Paraan na Makapagpahinga sa Mundong Ayaw Tumigil sa Pagtatrabaho

Taong nagsasagwan ng bangka sa dapithapon

Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.

GENESIS 2:3

Magpahinga — magpahinglay, tumigil sandali, huminga, at magpalubay.

Kailan ang huling araw na tumigil ka, nagliwaliw, at nagpahinga? Ang pagpapahinga ay isang regalo na kadalasan nating isinasantabi.

Ang pagiging abala ay nagbibigay sa atin ng pakiramdam na tayo ay may mga natatapos, ngunit ito ay maaaring huwad lamang. Kung walang naitakda na makatwirang limitasyon, ang mga gawain ay maaring maging tulad ng narkotiko, pinapamanhid tayo sa ating pangangailang maging malapit sa Diyos: ang Tagapagbigay ng bawat mabuti at perpektong handog.

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay, ang gumawa nito’y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.

MGA KAWIKAAN 19:23

Ang buhay na walang pahinga ay hindi tumatagal. Nakagiginhawa ang pahinga dahil binibigyan tayo nito ng lakas upang parangalan ang Diyos at ibigin ang ibang tao. Ang pagpapahinga ay isang disiplinang espiritwal na nakatutulong upang ating matamasa ang presensya ng Panginoon at muling maiayon ang ating mga prayoridad.

Pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. Pinapanumbalik ang aking kalakasan.

MGA AWIT 23:2-3a

Narito ang 3 paraan upang maisama mo ang kapahingahan sa pang-araw-araw mong buhay:

Magsanay Maging Maalalahanin

Sa Mga Taga-Roma 12, hinihimok ni Pablo na magbagong anyo tayo sa pamamagitan ng pagbabago ng ating pag-iisip. Ang pagsasanay na maging maalalahanin ay makatutulong sa atin na muling ihanay ang ating mga puso’t isipan sa kung ano ang ginagawa ng Diyos. Saan ka mas nakakapagtuon ng iyong isipan? Sa loob ng iyong kusina habang hawak ang isang tasa ng kape? Habang tumatakbo sa labas, at nakikinig ng mga pagsambang awitin? Maghanap ng bagay na makakapagpalapit sa iyo sa Diyos, at doon ay ituon sa Kanya ang iyong isipan bago simulan ang iyong araw.

Hamon: Maglagak ng 5-10 minuto bawat araw at ilarawan ang bawat alalahanin at responsibilidad, at ibigay ang bawat isa kay Jesus sa panalangin. (Kung makatutulong sa iyo, isulat mo ang mga ito.)

Pagnilay-nilayan ang Kasulatan

Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos. Kapag binasa o pinakinggan mo ang Salita ng Diyos, at pinagnilayan mo kung ano ang sinasabi nito, matututunan mong kilalanin ang tinig ng Diyos. Ang mapakay na oras sa Biblia ay nangangailangang gawing prayoridad ang pagtuon sa sandaling si Jesus lamang ang iyong kasama.

Hamon: Magtabi ng 30 minuto sa isang araw para magbasa o makinig sa Salita ng Diyos. Sa oras na iyon, i-snooze ang iyong kalendaryo at mga abiso. Sumubok ng isang Gabay, gumawa ng mga tala, at isulat sa isang talaarawan ang iyong mga saloobin. Hayaang mangusap ang Diyos sa iyo.

Makisama sa Pamayanan

Ang pagiging malapit sa Diyos ay hindi nangangahulugang babalewalain mo na ang ibang tao. Sa katunayan, minsan ito ay nangangahulugang magbigay ng puwang para sa kanila. Ang pagpapahinga ang perpektong panahon na ipagdiwang ang buhay kasama ang mga taong mahal mo. Hindi tayo ginawa upang mabuhay ng mag-isa. Kailangan natin ang isa’t isa.

Hamon: Maglaan ng kahit ilang oras bawat linggo kasama ang mga taong mahal mo. Huwag magtakda ng adyenda. Pumunta lamang at magsaya kasama ang isa’t isa. Pagkatapos, isulat kung anuman ang ipinakita ng Diyos sa panahong kayo’y sama-sama.

Ang mga ito ay ilang mga mungkahi upang tulungan kang magsimulang maging mas malapit sa Diyos sa iyong pang-araw-araw na buhay. Tumuklas ng mas marami pang pamamaraan upang maranasan ang pamamahinga sa pamamagitan ng isa sa mga Gabay sa ibaba.

Magbasa ng mga Gabay tungkol sa Pahinga

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email