Handa na ang iyong YouVersion Snapshot!

2019 Snapshot

Nakita mo na ba ang iyong YouVersion Snapshot? Ito ay ang iyong buong taon sa isang larawan!

Nais mo bang mapalapit sa Diyos sa 2020? Ang Bible App ay may napakaraming mga paraan upang matulungan kang gawin iyon. (At marami pang iba sa darating na taon.) Narito ang isa sa mga pinakamagagandang paraan upang magpasya kung saan mo gustong makarating sa susunod: balikan ang kalsadang iyong nilakbay. Ang Iyong YouVersion Snapshot ay magpapakita sa iyo kung gaano karaming mga Gabay ang iyong nakumpleto, mga Talata na iyong hinaylayt, mga Bersikulong Larawan na iyong nilikha, at marami pang iba. At napakadaling ibahagi ito sa iyong mga kaibigan!

Ang Iyong YouVersion Snapshot

Bago ba ang iyong device? Huwag mo itong kalimutan.

Mga Device

Ano’ng mga magagandang app para sa mga bago mong device?

Gustung-gusto ng lahat na makakuha ng isang makintab na bagong device tuwing kapaskuhan. Tinutulungan tayo ng mga ito na manatiling konektado, tumuklas ng ating mga interes, kumuha ng litrato at video, kahit na magbayad para sa mga bagay-bagay. Habang ini-install mo ang lahat ng iyong mga app (at tinutulungan ang mga kamag-anak sa kanila), huwag mong kalimutan na ang mga app ay maaaring makatulong sa iyo at sa iyong pamilya na mapalapit sa Diyos araw-araw.

Logo ng Bible App

Tinutulungan ka ng Ang Bible App na makapagbasa o makapakinig sa iyong paboritong salin ng Biblia, matuto mula sa mga dakilang guro sa pamamagitan ng Mga Gabay, at makapagbahagi ng iyong paglalakbay sa iba.

Pambatang Bible App Jesus

Tinutulungan ng Pambatang Bible App ang mga bata na makipag-ugnayan sa 41 na mga kuwento ng Biblia sa pamamagitan ng masasayang animation at mga gawain. Available na ito ngayon sa 50 wika!


Babaeng nasa telepono

Nag-iisip ka ba ng isang regalo sa pagtatapos ng taon?

Maaari kang maging bahagi sa pagtulong namin na iugnay ang mga tao sa Diyos araw-araw, sa buong mundo. Samahan mo kami sa pandaigdigang kilusang ito ng Diyos.

Magbigay

Ang mga pinakamagagandang Gabay ng 2019 ay…

Lalaking nakatingin sa malayo

“Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.” – Jeremias 29:11

Lalaking nakatingin sa malayo

Tapusin ang dekada na malakas:

Kumpletuhin ang isa sa mga pinakasikat na Mga Gabay sa Biblia ng 2019 at ihanda ang iyong puso para sa mga plano ng Diyos para sa iyo sa 2020:

 Kapangyarihan Ng Panalangin
Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!
Buhay Na Masagana |  5-Day Video Series from Light Brings Freedom
Tunay Na Malaya |  6-Day Video Series from Light Brings Freedom
Revival Is Now! (PH)
Kilala Mo Ba Siya? | 5-Day English / Tagalog Video Series from Light Brings Freedom
Bagong Puso | 5-Day English / Tagalog Video Series from Light Brings Freedom

Tumingin Pa ng mga Gabay

Maligayang Pasko!

Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon. - Lucas 2:11 - Bersikulong Larawan

Ito ang pinakamagandang panahon ng taon…

2,000 taon na ang nakalilipas, naparito si Jesus sa mundo upang maging Emmanuel, “Kasama natin ang Diyos.” At sa pamamagitan ng sakripisyong ito ng pag-ibig, ngayon ay nararanasan nating maging malapit sa Diyos magpakailanman!

Habang ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ni Jesus ngayon, narito ang isang paraan kung paano mo maipalalaganap ang dakilang balita ng Kanyang pag-ibig: ibahagi ang Bersikulong Larawan na nasa itaas sa iyong mga kaibigan at pamilya.

Mula sa aming lahat sa YouVersion, nais namin kayong batiin ng isang Napakaligayang Pasko!

Ibahagi ang Pamaskong Larawan

Mga Bersikulo ng Bibliya ng Pasko

Mga Bersikulo ng Bibliya ng Pasko

Sinabi ni Yahweh, “Ngunit ikaw, Bethlehem Efrata, bagama’t pinakamaliit ka sa mga angkan ng Juda ay magmumula sa iyong angkan ang isang mamumuno sa Israel. Ang kanyang pinagmulan ay buhat pa noong una, noong unang panahon pa.”

Mikas 5:2

Dahil dito si Yahweh mismo ang magbibigay sa inyo ng palatandaan: Maglilihi ang isang dalaga at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin sa pangalang Emmanuel.

Isaias 7:14

Ngunit habang pinag-iisipan ito ni Jose, nagpakita sa kanya sa panaginip ang isang anghel ng Panginoon. Sinabi nito sa kanya, “Jose, anak ni David, huwag kang matakot na pakasalan si Maria, sapagkat ang sanggol na dinadala niya ay mula sa Espiritu Santo. Magsisilang siya ng isang batang lalaki at Jesus ang ipapangalan mo sa sanggol sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan.”

Mateo 1:20-21

Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya’t ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Juan 3:16

Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.

Isaias 9:6

Ang Salita ay naging tao at nanirahan sa piling namin. Nakita namin ang kaluwalhatiang tunay na kanya bilang kaisa-isang Anak ng Ama. Siya ay puspos ng kagandahang-loob at ng katotohanan.

Juan 1:14

Ngunit nang sumapit ang takdang panahon, isinugo ng Diyos ang kanyang Anak. Isinilang siya ng isang babae at namuhay sa ilalim ng Kautusan upang palayain ang mga nasa ilalim ng Kautusan. Sa gayon, tayo’y maibibilang sa mga anak ng Diyos.

Mga Taga-Galacia 4:4-5

Ngunit sinabi sa kanila ng anghel, “Huwag kayong matakot! Ako’y may dalang magandang balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas, ang Cristong Panginoon.

Lucas 2:10-11

Bigla nilang nakitang kasama ng anghel ang isang malaking hukbo ng mga anghel sa kalangitan. Sila’y nagpupuri sa Diyos at umaawit, “Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa ay kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!”

Lucas 2:13-14

Pagkarinig sa bilin ng hari, sila’y nagpatuloy na sa paghahanap; sila’y pinangunahan ng bituing nakita nila mula sa silangan. Ganoon na lamang ang kanilang kagalakan nang makita nilang tumigil ang bituin sa tapat ng kinaroroonan ng bata. Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ni Maria na kanyang ina. Nagpatirapa sila at sinamba ang bata. Inihandog din nila sa kanya ang mga dala nilang ginto, insenso at mira. Nang sila’y papauwi na, nakatanggap sila ng babala sa pamamagitan ng panaginip na huwag nang bumalik kay Herodes, kaya’t nag-iba na sila ng daan pauwi.

Mateo 2:9-10-12