2,000 taong nakalilipas, napagtagumpayan ni Jesus ang kamatayan magpakailanman. Ang bato ay iginulong palayo sa walang lamang libingan, at tayo ay nabigyan ng bagong buhay kay Cristo.
Ngunit ano ang sumunod na nangyari?
Tuklasin ang limang bagay na ginawa ni Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay—at kung ano ang kahulugan ng mga ito para sa atin ngayon:
1. Nagpakita si Jesus.
Si Jesus ay gumugol ng 40 araw sa lupa pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa panahong ito, pinawi Niya ang mga pagdududa ng Kanyang mga tagasunod at binigyan sila ng direksyon para sa hinaharap.
Hindi isinigaw ni Jesus ang Kanyang pag-ibig mula sa langit. Ipinakita Niya ang Kanyang pag-ibig sa lupa. Ngayon ay ganoon din ang ginagawa Niya. Siya ay malapit pa rin, handang makinig sa ating mga daing at pagalingin ang ating mga puso.
Makipag-usap sa Diyos >
2. Si Jesus ay naging huwaran ng komunidad.
Mula sa pagpira-piraso ng tinapay patungo sa Emmaus, hanggang sa pag-aalmusal sa dalampasigan kasama ang Kanyang mga alagad, nakikita natin si Jesus na naglalaan ng oras para sa mga pakikipag-ugnayan.
Si Jesus ay hindi naging abala upang huminto at ipakita na Siya ay nagmamalasakit. Bilang Kanyang mga tagasunod, tinawag tayo na sadyang maglingkod sa mga tao sa ating mga pamilya, pinagtatrabahuhan, at lungsod.
Tulad ni Jesus, maaari mong unahin ang iyong komunidad. Isentro ang iyong pakikipagkaibigan sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagdagdag ng Mga Kaibigan sa YouVersion.
Idagdag ang isang Kaibigan >
3. Inalo ni Jesus ang mga sawing-puso.
Nang bumalik si Jesus, hindi Siya nadismaya na hindi naunawaan ng Kanyang mga alagad ang Kanyang plano. Sa halip kinatagpo Niya sila sa kanilang kawalan ng katiyakan at takot.
Inalo ni Jesus ang babaeng umiiyak sa walang laman na libingan. Pinawi niya ang pagdududa ni Tomas. Nagsalita siya ng mga salita ng buhay at kapayapaan.
Ngayon, may biyaya pa rin ang ating Tagapagligtas para sa ating mga katanungan at kalituhan. Lumalapit pa rin siya kapag nadudurog ang ating mga puso.
Humanap ng Pag-alo sa Kasulatang ito >
4. Tinubos ni Jesus ang mga pagkakamali.
Bago ipinako sa krus, itinanggi ni Pedro na kilala niya si Jesus ng tatlong beses. Nang maglaon, nakita natin na pinanumbalik ni Jesus si Pedro sa pamamagitan ng pagtatanong sa Kanya ng tatlong beses kung mahal niya Siya, at pag-uutos kay Pedro na pangalagaan ang Kanyang bayan.
Kahit na natisod si Pedro sa kanyang pananampalataya, hindi nito kinansela ang kanyang pagkakakilanlan kay Cristo.
Sa parehong paraan, maaari tayong magtiwala na ang kapangyarihan ng Diyos ay ginawang ganap sa ating kahinaan.
Pagnilayan ang Pagtubos ni Jesus >
5. Si Jesus ay nagturo at nagbigay ng kapangyarihan.
Bago umakyat si Jesus sa langit, sinabi Niya sa Kanyang mga tagasunod na “humayo at gawing mga alagad ang bawat bansa.”
Sa mga tagubiling ito, tinawag tayong mamuhay araw-araw na may intensyon, naghahanap ng mga pagkakataong ibahagi ang Ebanghelyo.
Trabaho natin na ipakita sa mga tao kung ano ang ibig sabihin ng makakilala sa Diyos at ipakilala Siya.
Ibahagi ang Salita ng Diyos sa mga tao sa iyong buhay ngayon.
Ibahagi ang Bible App >
Maaaring tapos na ang Pasko ng Pagkabuhay, ngunit kung ano ang kahulugan nito para sa atin ay mahalaga sa buong taon.
Dahil sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, nakakamit natin ang biyaya, presensya, at katiyakan ng Diyos nang higit sa dati—magpakailanman.
Ibahagi sa Facebook
Ibahagi sa pamamagitan ng Email