Ang mga bagay na ginagawa mo nang paulit-ulit ay siyang bumubuo sa iyo bilang isang tao. Ang mga gawi mo ba ay nagpupuspos sa iyo ng karunungan, habag, at kagalakan na siyang kailangan mo upang maglingkod sa ibang tao? Maaaring kalahati na ng 2020 ang lumipas, ngunit hindi pa huli upang magsimulang lumago. Narito ang 5 espirituwal na kaugaliang makakatulong sa iyong maging ang nilalang na ayon sa pagkakalikha ng Diyos:
Hanapin ang karunungan sa Salita ng Diyos.
Ang mga Gabay sa Biblia ay tumutulong sa iyo upang matutunan at galugarin mo ang Salita ng Diyos sa maiikling bahagi, nang sandaling oras sa bawat araw, na may kasamang mga maaari mong pagpiliang basahin, pakinggan, o panoorin. Subukan ang isang itinampok na Gabay, o maghanap ayon sa kategorya, paksa—o maging ayon sa nararamdaman. Kapag nagsimula ka ng Gabay, anyayahan ang mga kaibigang samahan ka.
Masiyahan sa mga pakikipag-usap sa Diyos.
Ang panalangin ay simpleng pakikipag-usap sa Diyos tungkol sa kung ano ang nasa isip mo, mag-isa o kasama ng mga kaibigan, at pagkatapos ay pakikinig upang Siya ay magsalita. Ang ating tampok na Panalangin ay tumutulong sa iyo na subaybayan ang mga bagay na iyong ipinapanalangin, Mga Panalanging nilikha mo, at Mga Panalangin na ipinadala sa iyo ng mga Kaibigan mo.
Kumonekta sa biblikal
na pamayanan.
Hindi tayo nakatakdang mabuhay nang mag-isa. Anyayahan ang iyong mga kaibigan na samahan ka sa app, kung saan maaari ninyong galugarin ang Salita ng Diyos nang sama-sama, ibahagi ang inyong mga panalangin sa isa’t-isa, at higit pa. Maghanap mula sa Iminumungkahing Mga Kaibigan sa iyong Home feed, pindutin ang [], o pumunta sa Atbp, Ibahagi ang Bible App.
Igalang ang Diyos sa pagsamba.
Gumugol ng panahon araw-araw upang ipahayag ang paggalang at pagmamahal sa iyong Ama. Awitan Siya. Pasalamatan Siya sa panalangin para sa ginawa Niya sa buhay mo. Sabihin sa ibang tao ang ginagawa Niya. Maghanap sa iyong music streaming service ng salitang “worship” o “praise,” pagkatapos ay makinig upang baguhin ang iyong isip nang may pagpipitagan para sa Kanya.
Mamuhunan sa kaharian ng Diyos.
Nagbigay ng halimbawa ang Diyos ng pagkamapagbigay sa pagbibigay sa atin kay Jesus, ang Kanyang napakahalagang pag-aari. Magbigay ng iyong oras sa pamamagitan ng pagiging mas mabuting tagapakinig. Gamitin ang iyong mga talento upang paglingkuran ang iyong pamayanan. Gamitin ang iyong mga kakayahan— una ay sa iyong iglesia— o pag-isipang suportahan ang misyon ng YouVersion.