Ang mga pinakamagagandang Gabay ng 2019 ay…

Lalaking nakatingin sa malayo

“Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito’y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.” – Jeremias 29:11

Lalaking nakatingin sa malayo

Tapusin ang dekada na malakas:

Kumpletuhin ang isa sa mga pinakasikat na Mga Gabay sa Biblia ng 2019 at ihanda ang iyong puso para sa mga plano ng Diyos para sa iyo sa 2020:

 Kapangyarihan Ng Panalangin
Ang Pinakamalaking Desisyon ng Iyong Buhay!
Buhay Na Masagana |  5-Day Video Series from Light Brings Freedom
Tunay Na Malaya |  6-Day Video Series from Light Brings Freedom
Revival Is Now! (PH)
Kilala Mo Ba Siya? | 5-Day English / Tagalog Video Series from Light Brings Freedom
Bagong Puso | 5-Day English / Tagalog Video Series from Light Brings Freedom

Tumingin Pa ng mga Gabay

Halos narito na ang Pasko. ⭐️ Tayo na’t magdiwang!

Bible App sa telepono na may mga Christmas light sa likuran

Ilang linggo na nating inihahanda ang ating mga puso nang may pag-asam na puno ng pag-asa, at ngayon, isang linggo na lamang ay Pasko na. Magdiwang kasama namin habang pinagninilayan natin ang ganap na kaloob ng Diyos para sa atin: ang Kanyang nag-iisang anak, si Jesus. Habang kayo ay nagtitipon kasama ang iyong mga kaibigan at pamilya ngayong kapaskuhan, alam naming ikatutuwa mong kumonekta sa Salita ng Diyos sa pamamagitan nitong mga maliliwanag na mga paalala ng pag-asa at kagalakan na mayroon tayo kay Cristo.


Ang Kwento ng Pasko

Ang Kwento ng Pasko
YouVersion, 5 Araw

Basahin o pakinggan ang kumpletong biblikal na salaysay ng kapanganakan ni Cristo, mula sa mga pahayag patungkol sa Tagapagligtas na darating, sa kanyang mababang pinagmulan sa isang sabsaban, hanggang sa Emmanuel: ang Diyos na kasama natin.

Umpisahan ang Gabay na Ito

Itabi upang Mabalikan


Batang naglalaro ng Pambatang Bible App

Pambatang Bible App:
Ang Unang Pamaskong Regalo

Ipagdiwang ang pagdating ni Jesus na may masasaya, touch-activated na mga animation at makukulay na likhang sining. Ang mga kabataan sa iyong buhay ay gugustuhing tuklasin ang lahat ng 41 na mga kuwento sa Pambatang Bible App. Magugustuhan mo rin kung papaano ang mga gawain na Story Mixup, Story Memory Match, at Story Sticker Time ay makatutulong sa kanila na maalala ang mga bagay na kanilang pinag-aaralan. Binuo ng YouVersion ang Pambatang Bible App sa pakikipagtulungan ng OneHope upang bigyan ang mga bata ng sarili nilang karanasan sa Biblia. Naka-install na sa mahigit na 34 milyong mga device sa buong mundo, ang Pambatang Bible App ay nasa 50 na mga wika — at ito ay palaging libre.

I-download

Kumpletuhin ang isang Pamasko o Pang-Adbiyento na Gabay…

2019 Pamaskong Hamon Badge

Buksan ang 2019 Pamaskong Hamon Badge!

Nagsimula na ang pagsalubong sa Pasko! Sa panahon na ito ng taon, madali tayong nagugulo ng mga gawain para sa mga pagdiriwang mula sa ating paghahangad ng pakikipag-ugnayan sa Emmanuel, “Kasama natin ang Diyos.” Ito ang dahilan kung bakit nilikha namin ang Pamaskong Hamon: upang pagnilayan ang kadahilanan kung bakit tayo nagdiriwang ngayong Pasko.

Kumpletuhin ang anumang Pamasko o Pang-Adbiyento na Gabay mula ngayon hanggang Disyembre 31, at makakamit mo ang aming 2019 Pamaskong Hamon Badge! Magsimula ng anumang Gabay sa ibaba o, kung nagsasagawa ka na ng Pamasko o Pang-Adbiyento na Gabay, magpatuloy ka lang.

Noel: Ang Pasko ay Para sa Lahat
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
Ang Pag-asa ng Pasko
Naghihintay Dito Para sa Iyo, Isang Adbiyentong Paglalakbay ng Pag-asa
Ang Kwento ng Pasko

Tumingin Pa ng Mga Pamaskong Gabay

Isang Regalong Pang-Adbiyento para sa Iyo:

Bituin ng Kapaskuhan

Isipin mo ang isang gabing tahimik na may maraming bituin at ikaw ay nasa parang na napapalibutan ng mga tupa. Nang biglaan ay may isang malaking hukbo ng mga anghel ang lumitaw at sinasabi sa iyo na, pagkatapos ng 400 taong paghihintay, ang pag-asa ng sanlibutan ay naisilang na – isang sanggol na tatawaging Emmanuel, “Kasama natin ang Diyos.”

Magsisimula ngayon ang araw ng Adbiyento, Disyembre 1, na nagbibigay sa atin ng apat na linggo upang pagnilayan ang pag-asa, kapayapaan, kagalakan, at pag-ibig na hatid ng pagsilang ni Jesus sa mundo.

Habang tayo ay papalapit sa Pasko, sa bawat Linggo ng Adbiyento ay magpapahayag kami ng isang panalangin tungkol sa tema ng adbiyento ng linggong iyon. Ang tema ng linggong ito ay pag-asa: ang pagtitiwala at paghihintay na tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako.

Pagnilayan ang mga pangako ng Diyos at maglaan ng sandali upang i-ayon ang iyong puso kay Jesus sa panalanging ito.

Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-asa:

Diyos, habang papasok kami sa Disyembre, kami ay panandaliang titigil at magninilay sa lahat ng Iyong nagawa sa aming mga buhay, sa aming mga pamilya, at sa aming mga pamayanan.
Pinupuri Ka namin dahil Ikaw ang Diyos na nagliligtas. Ikaw si Emmanuel, kasama natin ang Diyos.
Nagpapasalamat kami na ang pag-asa namin ay nasa Iyo, at hindi sa mga pagkakataon o sa mga tao.
Dahil kami ay umaasa sa Iyo, natitiyak namin na tutuparin mo ang Iyong mga pangako sa amin.
Ipaalala mo sa amin ngayon kung ano ang tunay na mahalaga. Ituon mo ang aming mga puso sa Iyo. Tulungan mo kaming makita na Ikaw ay may ginagawa sa kalagitnaan ng aming paghihintay.
Mas ilapit mo kami sa Iyo ngayong panahon ng Kapaskuhan, at ihanda Mo ang aming mga puso para sa katuparan ng Iyong mga pangako.
Amen.


Gawing bahagi ng iyong tradisyon sa Pasko ang Panalanging Pang-Adbiyento sa pamamagitan ng pagbisita rito bawat Linggo. Samantala, patuloy na pagnilayan ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng pagsisimula ng isang Gabay na Pang-Adbiyento:

Noel: Ang Pasko ay Para sa Lahat
Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko
Paglalakbay Tungo sa Sabsaban
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
Ang Pag-asa ng Pasko
Naghihintay Dito Para sa Iyo, Isang Adbiyentong Paglalakbay ng Pag-asa
Ang Pagdating: Si Cristo ay Parating Na!
Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang Pasko

Unang Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-asa
Ikalawang Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kapayapaan
Ikatlong Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kagalakan
Ika-apat na Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-Ibig

Tumingin Pa ng mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

3 Mga Paraan na Makapagpahinga sa Mundong Ayaw Tumigil sa Pagtatrabaho

Taong nagsasagwan ng bangka sa dapithapon

Pinagpala niya ang ikapitong araw at itinuring itong banal, sapagkat sa araw na ito siya nagpahinga matapos likhain ang lahat.

GENESIS 2:3

Magpahinga — magpahinglay, tumigil sandali, huminga, at magpalubay.

Kailan ang huling araw na tumigil ka, nagliwaliw, at nagpahinga? Ang pagpapahinga ay isang regalo na kadalasan nating isinasantabi.

Ang pagiging abala ay nagbibigay sa atin ng pakiramdam na tayo ay may mga natatapos, ngunit ito ay maaaring huwad lamang. Kung walang naitakda na makatwirang limitasyon, ang mga gawain ay maaring maging tulad ng narkotiko, pinapamanhid tayo sa ating pangangailang maging malapit sa Diyos: ang Tagapagbigay ng bawat mabuti at perpektong handog.

Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh ay nagbibigay ng buhay, ang gumawa nito’y makakaranas ng kapayapaan, at ligtas sa kapahamakan.

MGA KAWIKAAN 19:23

Ang buhay na walang pahinga ay hindi tumatagal. Nakagiginhawa ang pahinga dahil binibigyan tayo nito ng lakas upang parangalan ang Diyos at ibigin ang ibang tao. Ang pagpapahinga ay isang disiplinang espiritwal na nakatutulong upang ating matamasa ang presensya ng Panginoon at muling maiayon ang ating mga prayoridad.

Pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan. Pinapanumbalik ang aking kalakasan.

MGA AWIT 23:2-3a

Narito ang 3 paraan upang maisama mo ang kapahingahan sa pang-araw-araw mong buhay:

Magsanay Maging Maalalahanin

Sa Mga Taga-Roma 12, hinihimok ni Pablo na magbagong anyo tayo sa pamamagitan ng pagbabago ng ating pag-iisip. Ang pagsasanay na maging maalalahanin ay makatutulong sa atin na muling ihanay ang ating mga puso’t isipan sa kung ano ang ginagawa ng Diyos. Saan ka mas nakakapagtuon ng iyong isipan? Sa loob ng iyong kusina habang hawak ang isang tasa ng kape? Habang tumatakbo sa labas, at nakikinig ng mga pagsambang awitin? Maghanap ng bagay na makakapagpalapit sa iyo sa Diyos, at doon ay ituon sa Kanya ang iyong isipan bago simulan ang iyong araw.

Hamon: Maglagak ng 5-10 minuto bawat araw at ilarawan ang bawat alalahanin at responsibilidad, at ibigay ang bawat isa kay Jesus sa panalangin. (Kung makatutulong sa iyo, isulat mo ang mga ito.)

Pagnilay-nilayan ang Kasulatan

Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos. Kapag binasa o pinakinggan mo ang Salita ng Diyos, at pinagnilayan mo kung ano ang sinasabi nito, matututunan mong kilalanin ang tinig ng Diyos. Ang mapakay na oras sa Biblia ay nangangailangang gawing prayoridad ang pagtuon sa sandaling si Jesus lamang ang iyong kasama.

Hamon: Magtabi ng 30 minuto sa isang araw para magbasa o makinig sa Salita ng Diyos. Sa oras na iyon, i-snooze ang iyong kalendaryo at mga abiso. Sumubok ng isang Gabay, gumawa ng mga tala, at isulat sa isang talaarawan ang iyong mga saloobin. Hayaang mangusap ang Diyos sa iyo.

Makisama sa Pamayanan

Ang pagiging malapit sa Diyos ay hindi nangangahulugang babalewalain mo na ang ibang tao. Sa katunayan, minsan ito ay nangangahulugang magbigay ng puwang para sa kanila. Ang pagpapahinga ang perpektong panahon na ipagdiwang ang buhay kasama ang mga taong mahal mo. Hindi tayo ginawa upang mabuhay ng mag-isa. Kailangan natin ang isa’t isa.

Hamon: Maglaan ng kahit ilang oras bawat linggo kasama ang mga taong mahal mo. Huwag magtakda ng adyenda. Pumunta lamang at magsaya kasama ang isa’t isa. Pagkatapos, isulat kung anuman ang ipinakita ng Diyos sa panahong kayo’y sama-sama.

Ang mga ito ay ilang mga mungkahi upang tulungan kang magsimulang maging mas malapit sa Diyos sa iyong pang-araw-araw na buhay. Tumuklas ng mas marami pang pamamaraan upang maranasan ang pamamahinga sa pamamagitan ng isa sa mga Gabay sa ibaba.

Magbasa ng mga Gabay tungkol sa Pahinga

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email