Kailangan ng bagong simula?

Taong gumagamit ng phone

“Ang Panginoon ay aking pastol; hindi ako magkukulang; pinahihiga niya ako sa luntiang pastulan, inaakay niya ako sa tabi ng mga tubig na pahingahan. Pinanunumbalik niya ang aking kaluluwa.”

Awit 23:1-3

Ngayong taon, huwag lamang magtuon sa mga layunin at katuparan—patuloy na lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita, at Siya ang magpapanumbalik sa iyong kaluluwa.

Nais mo bang bumuo ng isang kasanayan sa Biblia na magtatagal? Ikaw ay 33% na mas mananatiling nakatuon kung magsisimula ka ng isang Gabay kasama ang isang kaibigan.

Tuklasin ang isang buhay na puno ng kapayapaan at kagalakan ng Diyos sa taong ito at tuklasin ang Kanyang Salita gamit ang isa sa mga Gabay na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang 2022 Pamaskong Hamon ay narito na!

Pamaskong Hamon Badge

Sa dinami-dami ng nangyayari sa ating paligid, madalas nating nalilimutan kung bakit tayo nagdiriwang ng Pasko.

Ngayong taon, maglaan ng oras upang pagnilayan ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng pagsama sa mga tao sa buong mundo habang sila ay nagiging mas malapit sa Diyos sa pamamagitan ng Pamaskong Hamon.

Kumpletuhin ang kahit na anong Gabay Para sa Pasko o sa Adbiyento sa Disyembre, at ikaw ay makakakuha ng 2022 Pamaskong Hamon Badge!

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ipagdiwang ang Adbiyento gamit ang mga Gabay sa Biblia na ito.

Kandila

Ang Adbiyento ay isang pagkakataon upang ihanda ang ating mga puso para sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus. Ito ay isang oras na minarkahan ng pag-alala sa lahat ng ginawa ng Diyos at pag-asam para sa lahat ng Kanyang gagawin.

Anuman ang nararamdaman mo sa panahong ito, makakahanap ka ng kapahingahan at katiyakan sa kaloob ni Emmanuel, “Ang Diyos ay kasama natin.”

Pagnilayan ang pag-asa, kapayapaan, pag-ibig, at kagalakan ng kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng mga Gabay sa Adbiyento na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Saan mo mahahanap ang iyong halaga?

Anino ng tao na may paglubog ng araw sa ibabaw ng tubig sa bandang likuran

Trabaho man ito, mga relasyon, o tagumpay, madalas nating nakikita ang ating halaga sa mga bagay at tao sa ating paligid.

Ngunit ano ang mangyayari kapag binigo tayo ng mga bagay na iyon?

Kapag inilalagay natin ang ating pananampalataya kay Jesus, binibigyan Niya tayo ng bagong pagkakakilanlan.

At kung sino ang sinasabi Niyang tayo ay hindi kailanmang nagbabago.

Tuklasin kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa kung sino tayo kay Cristo gamit ang mga Gabay na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Pag-usapan Natin ang Pagkabalisa.

Taong nakaupo

Ito man ay problema sa pananalapi, isang mahirap na relasyon, o dami ng trabaho, ang pagkabalisa ay nakakahanap ng paraan upang pumasok sa ating buhay.

Hindi ito isang bagay na dapat ikahiya—ngunit hindi mo rin dapat na tanggapin na lang ito nang nakaupo.

Nangangako ang Diyos na lalakad katabi natin upang pagaanin ang ating mga pasanin. Hayaang punuin ka Niya ng Kanyang kapayapaan sa pamamagitan ng mga Gabay na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email