Mga Haylayt ng Komunidad

Chris

ANG IYONG SINASABI

“Ang aking kapansanan sa pagbabasa ay palaging nakakaapekto sa akin…”

CHRIS, ESTADOS UNIDOS

Sa loob ng maraming taon, pagdating sa pagbabasa ng Biblia, ako’y limitado lamang sa mababaw na antas ng pang-unawa.

Ngunit nang magsimula akong makinig sa mga Audio na Biblia, lubusang nagbago ang aking karanasan. Sa wakas ay ganap ko nag makakatagpo ang Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Ang aking kapansanan sa pagbabasa ay pinagmumulan ng kahihiyan, ngunit nakakatulong sa akin ang pagmamalasakit ng YouVersion sa aking mga pangangailangan na madama na ako ay sinusuportahan at kilala.


Para makinig sa mga Audio Bibles, buksan ang paborito mong bersyon ng Biblia sa app at pindutin ang icon ng speaker sa itaas ng iyong screen.


MGA FEATURE NA GUSTO MO

Mga Paalala sa Panalangin

Lahat tayo ay maaaring nangangailangan ng isang paalala sa bawat sandali na maaari tayong makipag-usap sa Diyos tungkol sa anumang bagay.

Para i-set up ang Mga Paalala sa Panalangin, pumunta sa iyong Mga Setting ng Push Notification sa YouVersion, at pindutin ang “Paalalahanan akong manalangin.”

Magsimula Na


MGA GAWI SA BIBLIA NA IYONG KINAUUGALIAN

Noong nakaraang buwan, nakumpleto ng ating Komunidad ang mahigit 69,000,000 Araw ng Gabay.

Katumbas iyon ng buong populasyon ng United Kingdom na nagbabasa ng isang Araw ng Gabay.

Magsimula ng Gabay

Sa Mga Gabay, lumalago ka upang mapalapit sa Diyos araw-araw, kasama ng magkakaibang, pandaigdigang Pamayanan. Iyan ay isang bagay na dapat ipagdiwang!


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano’ng Ipinapanalangin Mo?

Taong nananalangin

Kung ang isang bagay sa iyong buhay ay malaki na upang alalahanin, ito ay sapat na upang ipanalangin.

Hindi sigurado kung saan magsisimula? Pumili ng isa sa mga panalanging inangkop ayon sa pangangailangan upang idagdag sa iyong Listahan ng Panalangin sa YouVersion.


Nag-aalala ako tungkol sa…

O Diyos, kapag iniisip ko ang tungkol sa ______ nakadarama ako ng ______. Tulungan akong ituon ang aking mga mata sa Inyo kapag may mga bagay na hindi ko kontrolado. Paalalahanan ako na hindi Ninyo ako susukuan dahil nagmamalasakit Kayo sa akin. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Lumikha ng Panalangin >


Umaasa ako sa…

O Diyos, nauunawaan Ninyo ang kaibuturan ng aking ninanais at pangangailangan. Tulungan akong isuko ang aking mga inaasam tungkol sa ______. Habang ginagawa ko ang Inyong mga plano, tulungan akong matandaan na tinulungan na Ninyo ako sa ______. Ipakita sa akin kung paano mamuhay ng isang buhay na karapat-dapat sa pagtawag na ibinigay Ninyo sa akin. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Lumikha ng Panalangin >


Ang aking relasyon sa…

O Diyos, isinusuko ko ang aking relasyon sa ______ sa Inyo. Gabayan kami sa aming pag-susuong sa kapanahunang ito. Tulungan akong makita kung saan ako ______ at ______ upang maisuko ko ang mga bagay na iyon sa Inyo at mapalitan ang mga katangiang iyon ng Inyong walang pag-iimbot na pag-ibig. Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Lumikha ng Panalangin >


Pagkatapos gumawa ng Panalangin, siguraduhing i-tap ang Ibahagi sa Mga Kaibigan upang magdasal sila para sa iyo!


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

“Tumigil ako sa pagbabasa ng Kasulatan.”

Marcel

Si Marcel ay nahihirapang magbasa ng Kasulatan sa loob ng maraming taon.

“Madalas kong iniisip ito na pagbabasa ng buong mga kabanata ng mga nakakabagot na teksto, at kinumbinsi ko ang aking sarili na ang pakikinig sa Kasulatan tuwing nananambahan sa simbahan ay sapat na.”

Hanggang ang isang kabigan ay nagsabi sa kanya ng tungkol sa YouVersion.

“Bawat hakbang, bawat araw, bago ko napagtanto, nagbabasa na akong muli ng Biblia – araw-araw!”

Sa pamamagitan ng Salita ng Diyos, naging mas malapít si Marcel sa Diyos at lumago ang kanyang pananampalataya sa isang paraan na nakapagpapabago ng buhay.

Pagkatapos ng apat na taon sa patuloy na karanasan sa Salita ng Diyos, tinutulungan ni Marcel ang ibang tao na maranasan ang parehong pagbabago sa buhay sa pamamagitan ng pagboboluntaryo sa aming Slovak Localization Team.

Huwag palampasin kung ano ang ginagawa ng Diyos.

Kapag nagbigay ka sa YouVersion, tinutulungan mo ang mga taong tulad ni Marcel na maranasan ang Salita ng Diyos at gamitin ang kanilang mga kaloob para makapagpabago sa iba.

Narito ang isang paraan na maaaring nais ng Diyos na gamitin ka upang maging bahagi ng pagbabago sa buhay ng iba.

Magbigay Ngayon

Ang pinakamadaling paraan para mag-ambag sa ating misyon ay sa pamamagitan ng pag-set up ng isang umuulit na kaloob.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Nagiging sino ka?

Taong nakatingin sa labas ng bintana

Ang mga desisyong ginagawa mo ngayon ay nakakaimpluwensya kung magiging sino ka.

Kapag pinili mong sundin si Jesus, ikaw ay ginagawang bago at hinuhubog sa Kanyang larawan.

Kaya’t ang sinumang nakay Cristo ay isa nang bagong nilalang: Wala na ang dati niyang pagkatao, binago na siya!

2 MGA TAGA-CORINTO 5:17

Bumuo ng mga espirituwal na gawi upang maging mas katulad ni Jesus bawat araw sa pamamagitan ng Mga Gabay na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Narito ang Isang Bagay na Mahalagang Ipagdiwang

Taong nagdiriwang

Narito na ang mga resulta…

Ngayong taon, mahigit 900,000 miyembro ng ating pandaigdigang Komunidad ang nakakuha ng 2022 Gitnang-Taong Hamon na Badge, na nakakumpleto ng mahigit 5,000,000 Plano.

Gitnang-Taong Hamon Badge

Ang estadistika ay makabuluhan, ngunit ang mas mahalaga ay ang kuwento sa likod ng mga ito. Ang mga bilang na iyon ay kumakatawan sa mga tao, sa buong mundo, na mas nagiging malapit sa Diyos.

Ngayon ang panahon para patuloy na mabuo ang iyong kagawian sa Biblia, kahit hindi mo natapos ang Hamon.

Tingnan ang 3 mga tampok na ito:

Makakuha nang mas Marami pang mga Badge

Mga Badge

Hikayatin ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga layuning ito na madaling makamit… at isa-isa itong gawin. Buksan ang app at i-tap ang “Higit pa” para makapagsimula.


Hanapin ang Iyong Susunod na Gabay

Mga Gabay

Tuklasin kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa lahat ng bagay mula sa pagkabalisa hanggang sa pananalapi sa pamamagitan ng mga pang-araw-araw na debosyonal na ito.

Tingnan ang mga Gabay >


Mag-set up ng Mga Pang-araw-araw na Paalala

Mga Paalala

Upang patuloy na magkaroon ng isang kaugalian sa Biblia, magset-up ng pang-araw-araw na Mga Paalala para sa mga tampok tulad ng Mga Gabay at Bersikulo para sa Araw na Ito.

Magtakda ng Paalala >


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email