Hikayatin ang isang Ama sa Pamamagitan Nitong Bersikulong Larawan Ngayon

Ama na may hawak na sanggol

Ang Biblia ay puno ng mga kuwento tungkol sa mga ama at mga tumatayo bilang ama na ginamit ng Diyos sa iba’t ibang paraan.

Ang mga ama ay tulad ng makalupang ama ni Jesus, si Jose, na tapat na pinangunahan at iningatan ang kanyang pamilya.

O si Jetro, ang biyenan ni Moises, na nagbigay ng karunungan at payo sa pamumuno kay Moises.

At si Pablo, na isang espirituwal na tagapagturo kay Timoteo.

Tulad ng mga lalaki sa Biblia, ang mga ama sa ating buhay ay nagbibigay-inspirasyon sa atin sa iba’t ibang paraan.

Marahil ay iningatan ka nila tulad ni Jose, nagbahagi ng napapanahong patnubay tulad ni Jetro, o hinimok ka tulad ni Pablo.

Maging siya man ay sarili mong ama o tumatayo bilang ama, sabihin sa isang ama kung gaano ka nagpapasalamat sa kanya sa pagbabahagi ng Bersikulong Larawan na ito.

Kung paano nahahabag ang ama sa anak niya, gayon Siya nahahabag sa may takot sa Kanya - Mga Awit 103:13 - Bersikulong Larawan

Ibahagi ang Bersikulong Larawan

Gusto mo bang tumulong?

Mga kamay na may hawak na kumikinang na globo

Paano ka magagamit ng Diyos?

Kapag ibinahagi mo ang app o nagbigay sa YouVersion, ikaw ay nagbibigay ng pag-asa sa milyun-milyong tao sa buong mundo.

Narito ang ilang paraan na tinutulungan ng YouVersion ang mga tao na kumonekta sa Diyos at makahanap ng pag-asa sa Kanyang Salita:


Mga Biblia at Mapagkukunan ng Ukrainian

Sa napakahirap na panahong nangyayari sa Ukraine, ang kabuuang aktibidad sa paghahanap sa YouVersion ay nadoble.

Habang dumarami ang paghahanap ng pag-asa, pagkabalisa, at kapayapaan, ang mga Ukrainian ay nakakonekta sa Salita ng Diyos sa gitna ng kanilang sakit at damdamin.

Mabilis na nakatugon ang ating pangkat na may kapamaraanan upang magbigay ng pag-asa sa loob lamang ng ilang araw:

  • Ang unang Ukrainian Audio na Biblia sa YouVersion
  • Mga bagong mapagkukunan na Pambatang Bible App
  • Isang Panalangin para sa Kaginhawaan, pagtitipon ng mga tao sa panalangin para sa Ukraine
  • Patuloy na panghihikayat sa ating Ukrainian na komunidad sa pamamagitan ng mga email at mga abiso

41 na mga Bagong Wika ng Biblia sa 2022

Alam mo bang nag-aalok ang YouVersion ng mga Biblia sa mahigit 1,800 wika? At, ngayong 2022, nagdagdag tayo ng 41 na bagong wika ng Biblia para sa ating karanasan sa app.

Dahil sa kabutihang-loob ng ating Komunidad at mga kasamahan sa paglalathala ng Biblia, naibibigay natin ang karanasang ito sa mas maraming tao.


Gumagawa ang Diyos ng isang kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng YouVersion, at maaari kang maging bahagi nito!

Ang iyong suporta ay maaaring magbago ng buhay ng isang tao.

Kapag nagtitiwala tayo sa Diyos sa kung ano ang ibinigay Niya sa atin, magagawa Niya ang higit pa sa ating naiisip.

Magbigay Ngayon

Ang pinakamadaling paraan para mag-ambag sa ating
misyon ay sa pamamagitan ng pag-set up ng umuulit na kaloob.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang Diyos ay Higit na Malapit Kaysa sa Iyong Maaaring Isipin.

Kinulayang Salamin na Kalapati

Ang kapangyarihan ng Banal na Espiritu

Ngayon, maraming tao ang nagdiriwang ng Pentecostes—ang sandali pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus nang malayang ibinigay ng Diyos ang Kanyang Banal na Espiritu sa sinumang naniniwala sa Kanya. At, ang Banal na Espiritu na naroroon sa Pentecostes ay Siya ring Banal na Espiritu na mayroon ka ngayon.

Anuman ang iyong sitwasyon o karanasan, kapag ikaw ay kay Cristo, ang Kanyang Banal na Espiritu ay kasama mo rin sa lahat ng oras.

Ang Espiritu ng Diyos ay nagbibigay kapangyarihan at nagpapalakas sa iyo, at nananalangin para sa iyo. Nauunawaan ng Banal na Espiritu ang iyong mga pangangailangan dahil naiintindihan ka Niya.

Matuto pa tungkol sa kung paano tayo binibigyang kapangyarihan ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng pagsisimula ng isa sa mga Gabay na ito.

Marami Pang Mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Binabago ng Salita ng Diyos ang mga buhay

Ibahagi ang Biblia

Noong nasa kolehiyo si Craig Groeschel, ang buhay niya ay walang direksiyon at puno ng pasakit.

“Hindi ko nagugustuhan kung sino yung nagiging ako.”

Ngunit nagbago ang lahat nang mabigyan siya ng libreng Biblia, at binago ng Salita ng Diyos ang kanyang buhay magpakailanman…

(Upang mapanood ang video na ito sa iyong wika, pumunta sa mga setting ng video (gear icon), pindutin ang “Mga Subtitle/CC,” at piliin ang iyong wika.)

Isipin ang epekto ng Salita ng Diyos sa mga tao sa paligid mo—mga kaibigan mo, pamilya, o katrabaho.

Sa ngayon, hayaan ang Diyos na kumilos sa iyo sa pamamagitan ng pag-imbita sa tatlong tao sa iyong buhay na tuklasin ang Biblia sa YouVersion.

Ibahagi ang YouVersion

Maaaring baguhin nito ang kanilang buhay magpakailanman—tulad nang ginawa nito para kay Craig ilang taon na ang nakakaraan.

Sa Nakalipas na 5 taon…

Biblia para sa Lahat

BIBLIA
PARA SA
LAHAT

Papalapit na tayo sa lahat.

Mula noong 2017, ang ating Komunidad sa YouVersion ay bukas-palad na nagbigay sa Biblia para sa Lahat—isang kampanyang nakatuon sa pagbibigay ng paraan sa bawat taong makabasa ng ilang bahagi ng Banal na Kasulatan sa kanilang sariling wika pagsapit ng 2033.

Sa nakalipas na 5 taon, ang ating Komunidad ay nag-ambag sa mga proyekto sa pagsasalin ng Biblia para sa 94 na wika sa 35 na bansa, kabilang ang mga proyekto para sa:

  • Mga Wikang Pasenyas
  • Mga binibigkas na wika na walang nakatitik na anyo

Ngunit, hindi tayo tumitigil. Mahigit 3,000 wika pa rin ang nangangailangan ng pagsasalin ng Biblia. Sama-sama, maibibigay natin ang Biblia sa Lahat.

Maging bahagi ng ginagawa ng Diyos sa buhay ng mga tao sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbibigay ngayon. Maging 20 piso o 200 piso man ito, maaaring magdulot ng pagbabago ang iyong kaloob!

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at ng mga katuwang nito.