Sino ang maaari mong parangalan sa araw na ito?
Kapag naisip mo ang isang pinunong espiritwal na positibong nakaapekto sa iyong buhay, sino ang sumasagi sa iyong isipan? Maaaring ito ay isang pinuno ng simbahan. Pwedeng ito ay isang guro na nagbigay ng inspirasyon sa iyo. Marahil ito ay isang kaibigan o miyembro ng pamilya na tumulong sa iyong pananampalataya na lumakas.
Ano ang hitsura ng iyong buhay kung hindi sila bahagi nito?
Ang nakaraang ilang taon ay naging mapanghamon para sa mga Cristianong pinuno sa buong mundo. Lahat ng hinarap natin, pinagdaanan din nila—ngunit dinala rin nila ang mga pasanin ng mga taong tulad natin.
Ano ang mangyayari kung milyon-milyong mga tao sa buong pandaigdigang YouVersion Community ang desididong manalangin para sa mga taong nakahikayat sa atin?
Alamin Natin.
Sa araw na ito, parangalan natin ang mga taong walang pag-iimbot na naglilingkod sa atin sa pamamagitan ng sama-samang pananalangin para sa kanila.
Isang Panalangin para sa mga Cristianong Pinuno
O Diyos,
Salamat sa pagbibigay Ninyo ng mga Cristianong pinuno sa aking buhay na nagmamahal sa Inyo at nagmamalasakit sa akin. Ako ay nahubog sa pamamagitan ng kanilang karunungan, awa, kabaitan, at walang pag-iimbot na pag-ibig.
Sa araw na ito, hinihiling ko sa Inyo na ipakita sa akin kung paano ko maaaring pagpalain ang mga pinunong ito, tulad ng pagpapala nila sa akin. Hayaang ang aking pasasalamat ay magpaalala sa kanila na sila ay nakikita, pinahahalagahan, at kinikilala.
Palakasin ang kanilang loob kapag nakakaramdam sila ng kapaguran, at panumbalikin ang kanilang lakas kapag nakakaramdam sila ng kabigatan. Bigyan Ninyo ng kapahingahan ang mga nangangailangan nito, at ipaalala sa kanila ang Iyong mga pangako. Pagpalain ang kanilang mga pamilya, palakasin ang kanilang mga ministeryo, at palawakin ang kanilang impluwensya — para sa Iyong kaluwalhatian, at kanilang kabutihan.
Sa ngalan ni Jesus,
Amen.