Paano ka naghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay?

Libingang walang laman

Paano ka naghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay?

“Wala na siya rito; siya’y muling nabuhay…”

MATEO 28:6

Inilaan ni Jesus ang linggo bago Siya ipako sa krus upang paalalahanan ang Kanyang mga disipulo na hindi magwawagi ang kamatayan, at ang Kanyang kaharian ay walang hangganan.

Ang Semana Santa ay isang paalala na darating pa rin ang pag-asa. Hindi pa tapos ang Diyos.

Narito ang dalawang bagay na maaari mong gawin upang maghanda para sa pag-asa na mayroon tayo kay Jesus ngayong Linggo ng Muling Pagkabuhay.


KUMPLETUHIN ANG ISANG GABAY SA PASKO NG PAGKABUHAY

Badge ng Paghamon para sa Pasko ng Pagkabuhay

Pagnilayan ang pagmamahal ni Jesus para sa iyo gamit ang isang Gabay sa Pasko ng Pagkabuhay. Kapag nakumpleto mo ito sa pagitan ngayon at Linggo ng Muling Pagkabuhay, magkakamit ka rin ng isang eksklusibong Badge!

Maghanap ng Gabay


MAG-IMBITA NG KAIBIGAN

Ngayong Pasko ng Pagkabuhay, ibahagi ang mabuting balita ni Jesus sa mga tao sa iyong buhay. Anyayahan silang maranasan ang tunay na pagbabago sa buhay sa pamamagitan ng Diyos at ng Kanyang Salita.

Ibahagi ang Bible App


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang Pag-hamon sa Pasko ng Pagkabuhay ay Magsisimula Ngayon!

Pag-hamon para sa Pasko ng Pagkabuhay

Alalahanin natin kung bakit tayo nagdiriwang…

Sumali sa Pag-hamon sa Pasko ng Pagkabuhay ngayon, at pagnilayan ang lalim ng pag-ibig ni Jesus para sa iyo.

Kumpletuhin ang isang Gabay para sa Pasko ng Pagkabuhay bago ang Linggo ng Muling Pagkabuhay upang makamit ang isang eksklusibong Badge!

Magsimula gamit ang isa sa mga Gabay na ito:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Sumali sa 21-Araw na Hamon!

21-Araw na Hamon

Para sa susunod na 21 araw…

Ano ang mangyayari kung nakatuon ka sa pagbabasa ng Salita ng Diyos?

Sa pagsisimula ng Pebrero, buuin ang iyong kagawian sa Biblia gamit ang 21-Araw na Hamon—isang pagkakataon na gawing bahagi ng pamumuhay ang pagkonekta sa Salita ng Diyos na nagbabago sa bawat bahagi ng iyong buhay.

Kumpletuhin ang isang Araw ng Gabay sa Biblia sa loob ng 21 araw sa buong buwan upang makakuha ng eksklusibong Badge.

Magsimula gamit ang isa sa mga Gabay na ito:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Isang Panalangin para sa Bagong Taon

2023 - Taong nagdarasal

Anuman ang nangyari noong nakaraang taon, ang taong ito ay isang pagkakataon para sa isang bagong simula.

Bilang isang pandaigdigang Komunidad, mayroon tayong pagkakataong ipagdasal ang ating mga buhay—at ang buhay ng milyun-milyon sa buong mundo.

Isipin kung ano ang magagawa ng Diyos kung makikiisa ka sa panalangin kasama ang ating Komunidad—lahat na nagdarasal sa iisang panalangin sa iisang tapat na Diyos.


O Diyos,

Ikaw ang liwanag ng mundo.

Nang dahil sa Inyo, hindi na ako lumalakad sa kadiliman kundi sa Inyong liwanag. Nawa’y ang aking buhay ay sumasalamin sa Inyong katotohanan, na nagtuturo sa iba sa Inyo at nagdadala ng kaluwalhatian sa Inyong ngalan.

Bigyan ninyo ako ng lakas at tapang na ibahagi ang pag-asa na mayroon ako sa Inyo.

Ang mundong ito ay wasak, ngunit Inyong ginawang buo muli ang nasira.

Ngayong taon, lumapit sa mga naliligaw ng landas, mga nag-iisa, at mga nasasaktan. At, pakiusap lumapit sa akin.

Nawa’y bigkisin kami ng Inyong pag-ibig, ayusin ang pagkakawatak-watak at pag-isahin ng Inyong pandaigdigang Iglesya.

Anuman ang mangyari sa taong ito, Kayo ay tapat at ang Inyong mga pangako ay totoo.

Salamat sa walang hanggang pag-asa na mayroon ako sa Inyo.

Sa ngalan ni Jesus,

Amen.

I-save ang Panalangin

Pagkatapos i-save ang panalanging ito, ibahagi ito sa app upang masamahan ka ng iyong mga Kaibigan!


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Kailangan ng bagong simula?

Taong gumagamit ng phone

“Ang Panginoon ay aking pastol; hindi ako magkukulang; pinahihiga niya ako sa luntiang pastulan, inaakay niya ako sa tabi ng mga tubig na pahingahan. Pinanunumbalik niya ang aking kaluluwa.”

Awit 23:1-3

Ngayong taon, huwag lamang magtuon sa mga layunin at katuparan—patuloy na lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita, at Siya ang magpapanumbalik sa iyong kaluluwa.

Nais mo bang bumuo ng isang kasanayan sa Biblia na magtatagal? Ikaw ay 33% na mas mananatiling nakatuon kung magsisimula ka ng isang Gabay kasama ang isang kaibigan.

Tuklasin ang isang buhay na puno ng kapayapaan at kagalakan ng Diyos sa taong ito at tuklasin ang Kanyang Salita gamit ang isa sa mga Gabay na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email