Isipin ang isang kaibigan, isang kapitbahay, isang kamag-anak, o isang katrabaho na walang matibay na kaugnayan kay Jesus. Paano mo ibabahagi sa kanila ang iyong pananampalataya?
Ang Mateo 28: 18-20, na kilala rin bilang “Ang Dakilang Atas,” ay isang magandang lugar upang magsimula:
Sa orihinal na Griyego, ang pariralang “gumawa ng mga alagad” sa katunayan ay isang utos upang gumawa ng “disipulo.” Hindi ito isang mungkahi na ibinibigay ni Jesus—ito ay isang kagyat, at nagpapatuloy na utos, at ito ang pinakasentro ng Dakilang Atas.
Narito ang 3 mga paraan upang magawang disipulo ang iba sa pamamagitan ng paglalapat ng Dakilang Atas sa ating mga buhay:
-
Puntahan
-
Magbautismo
- Naniniwala ka bang kailangan mo si Jesus?
- Ano ang kahulugan sa iyo ng pagtitiwala kay Jesus?
- Naniniwala ka ba na si Jesus ay namatay para sa iyo at muling nabuhay?
- Ano ang ibig sabibihin ng pagsunod kay Jesus?
- Paano mo hiniling sa Diyos na patawarin ka sa iyong mga nakaraang pagkakamali?
- Inimbitahan mo na ba si Jesus sa iyong buhay?
-
Magturo
Ang orihinal na salitang Griyego na ginamit para sa “humayo” ay nagpapahiwatig ng isang patuloy na pagkilos. Hindi ito isang utos kung saan kinakailangan mong iwan ang iyong trabaho o ang iyong tahanan at maglunsad ng mga debate sa mga hindi mo kilalang mga tao.
Sa halip, ipinapakita ng pandiwang ito na gawing disipulo natin ang iba sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pakikipag-ugnayan sa mga taong nakakasalamuha natin sa araw-araw—mga tao sa ating mga trabaho, sa ating mga paaralan, at kahit sa pamilihan. Samakatuwid sinasabi ni Jesus na, “habang patuloy ka sa pamumuhay, sanayin at turuan mo ang mga tao na sumunod sa akin.”
Bago tayo magpatuloy, mahalagang tandaan na ang “paghayo” ay hindi palaging nangangahulugang umalis sa ating bansa. Bagama’t tinawag ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod upang gawing mga alagad “ang lahat ng mga bansa” — nakikipag-usap din si Jesus sa mga disipulo na Judio na umiiwas makipag-ugnayan sa iba pang mga etniko. Maaaring hinamon sila ng Kanyang utos na abutin ang mga mananakop na Romano, mga manlalakbay na taga-Etiopia, at mga kapitbahay na Samaritano sa kanilang sariling lungsod, pati na rin sa ibang bansa.
Sa madaling salita, ipinakita sa kanila ni Jesus na ang Cristianismo ay hindi eksklusibo sa iisang lahi, etniko, o bansa — para ito sa lahat ng mga tao. Palagi. At ang mga taong nakikipag-ugnayan sa atin sa araw-araw ay karaniwang ang mga tao na agarang hinihiling ng Diyos na ating maabot.
Kaya sino ang inilagay ng Diyos sa paligid mo, at paano mo sila maabot ngayon?
Tip: Upang matulungan kang makapagsimula, magbahagi ng isang nakapagpapatibay-loob na Bersikulong Larawan sa isang tao, o tanungin ang isang tao kung paano mo sila maaaring ipanalangin, at pagkatapos ay idagdag ang kanilang mga kahilingan sa iyong Listahan ng Panalangin sa YouVersion.
Kapag naisip mo ang “bautismo,” ano ang nasa isip mo? Kung sinabi mong “ilublob ang isa sa tubig” —mali ang iyong inaakala! Ngunit ang layunin ng bautismo ay upang ipahayag sa labas ang isang panloob na pagbabago ng puso. Ito ay kapwa isang simbolo ng pagpapahayag ng pananampalataya at isang gawain ng masunuring pagsuko at pagsisisi, kung kaya’t ito ang natural na susunod na hakbang na ginagawa ng isang tao pagkatapos na magpasya silang magtiwala at sumunod kay Cristo.
Maaari nating matulungan ang mga tao na magpasya na gawin ang hakbang na iyon sa pamamagitan ng matapat na pakikipag-usap sa kanila tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng pagsunod kay Jesus, pagtugon sa kanilang mga katanungan patungkol sa Diyos, at pagkatapos ay pag-aanyaya sa kanilang makilahok sa pisikal na gawain ng pagbabautismo.
Mahalaga ang bautismo sapagkat ito ay isang bagay na ginawa ni Jesus, at inutusan din Niya ang Kanyang mga disipulo na magbautismo ng iba. Kaya’t kapag nakikilahok tayo sa bautismo, nabubuhay tayo tulad ni Jesus at sumusunod sa Kanya. Pinapayagan tayo ng gawaing pampubliko na ito na maiugnay sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo, magsisi mula sa dati nating pamumuhay, at ipagdiwang ang bago at walang hanggan buhay na mayroon tayo dahil sa sakripisyo ni Jesus.
Tip: Habang nagkakaroon ka ng mga pakikipag-ugnayan sa mga tao na maaaring iniisip ang tungkol sa pagpababautismo, narito ang ilang mga katanungan na maaari mong tanungin sa kanila…
Ang pagtuturo sa isang tao ay isang dalawang-hakbang na proseso: nagsasangkot ito ng pagbabahagi ng mga ideya sa isang tao at patuloy na pagmomodelo ng mga bagay na itinuturo natin. Hindi ito kailangang maging pormal, at ayon sa Dakilang Komisyon, madalas itong ginagawa habang humahayo at nagbabautismo tayo.
Ang pangunahing bagay na dapat tandaan ay hindi natin maaasahan ang mga tao na sundin kung ano ang iniutos ni Jesus maliban kung tayo rin mismo ay sinusunod din ang Kanyang mga utos.
Nais ba nating malaman ng mga tao ang tungkol sa pag-ibig ng Diyos? Kung gayon, kailangan nating ipakita ang pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Nais ba nating malaman ng mga tao ang tungkol sa kahabagan ni Jesus? Kung gayon, kailangan nating maging mahabagin. Nais ba nating magbigay ng sagana ang mga tao? Kung gayon kailangan nating maging mabuting katiwala ng ating pera. Nais ba nating pag-aralan ng mga tao ang Salita ng Diyos? Kung gayon, kailangan nating pag-aralan ito para sa ating sarili.
Imodelo kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang alagad sa pamamagitan ng pagpayag sa isang tao na samahan ka habang ikaw ay nagdarasal, nag-aaral ng Salita ng Diyos, nag-tatakda ng gugugulin sa iyong pananalapi, at namumuhay sa pang-araw-araw.
Tip: Subukang mag-imbita ng sinuman upang kumumpleto ng isang Gabay sa Biblia kasama ka. I-tap ang link sa ibaba upang mag-browse sa Mga Gabay.
Sa huli, ang aming hangarin ay hindi gawing sumunod ang mga tao kay Jesus—ang Diyos lamang ang makakabago sa buhay ng isang tao. Ngunit maaari tayong mamuhay araw-araw na may intensyon, maghanap ng mga pagkakataon upang mabuo ang mga relasyon sa ibang tao sa paligid natin, at ipakita sa iba kung ano ang ibig sabihin ng pagkakilala sa Diyos at pagpapakilala sa Kanya. Ang pagbabahagi ng ating pananampalataya ay pagbabahagi ng ating mga buhay, at habang ginagawa natin iyan, bibigyan tayo ng mga pagkakataong lumikha ng mga alagad.
Nais mo bang malaman ang higit pa tungkol sa kung ano ang ibig sabihin ng pagsunod kay Jesus?
Narito ang tatlong mga talata sa Biblia na makakatulong sa iyong malaman ito.