Anong iiwan mong kaloob ngayong 2020?

Lalaking nasa telepono

Ang taong matulungin, sasagana ang pamumuhay, at ang marunong tumulong ay tiyak na tutulungan.

MGA KAWIKAAN 11:25

Paano mo magagawang mas mabuting lugar ang mundo?

Ihandog ang sarili sa mas malaking bagay.

Sa kabila ng mga hamon ng 2020, ang Diyos ay gumawa sa pamamagitan ng YouVersion Community. Ngayong taon lamang, ang YouVersion Bible App ay na-install sa higit sa 52 milyong natatanging mga aparato. Milyun-milyong mga tao ang lumalapit sa Diyos — at ito ay simula pa lamang.

Maaari kang makatulong na makagawa ng isang walang hanggang epekto sa henerasyong ito at sa mga susunod pa.

Ngayon ay Giving Tuesday, isang panahon kung saan nagbibigay ang mga tao sa isang simulaing pinapahalagahan nila at magiging inspirasyon sa iba upang kumilos. At sa ngayon, maaari kang makilahok sa pamamagitan ng pagsuporta sa ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.

Sumali sa pandaigdigang kilusan ng YouVersion sa pamamagitan ng pagbibigay ngayon.

Sundin lamang ang link sa ibaba upang magbigay sa Bible.com o sa iyong Bible App. (Maaari ka ring mag-set up ng isang umuulit na regalo.) Pagkatapos, hikayatin ang iyong mga kaibigan at pamilya na sumali sa iyo sa pamamagitan ng pag-popost tungkol dito gamit ang hashtag #GivingTuesday. Sama-sama, magdala tayo ng ilaw sa ating mundo.

Magbigay Ngayon

Tuklasin ang Emmanuel, “Ang Diyos ay Kasama Natin.”

Sabsabang may naka-overlay na kandila

Ipagdiwang ang Pagdating ni Cristo

Sa kadiliman ay lumitaw ang liwanag ng Diyos. Sa mundong puno ng gulo, isang sanggol ang nagbago ng kapaligiran. Ang pag-asa ay dumating sa anyo ng Emmanuel, ang Diyos ay kasama natin.

Habang naghahanda kang ipagdiwang ang kapanganakan ng ating Tagapagligtas, gugulin ang panahon ng Adbiyento na nagninilay tungkol sa pag-asa, kapayapaan, pag-ibig, at kagalakan na dinala ni Jesus sa mundo. Magsimula sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang Gabay sa Adbiyento:

Tingnan ang iba pang mga Gabay

Ang Diyos ay laging gumagawa ng mga dakilang bagay. Pasalamatan natin Siya!

Bulubundukin

Anong mga bagay ang ipinagpap-asalamat mo?

“Magpasalamat kayo sa Diyos sa lahat ng pagkakataon; sapagkat ito ang kalooban ng Diyos para sa inyo sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.”

1 Mga Taga-Tesalonica 5:18

Kahit ano ang harapin mo, hindi ka iiwan ng kabutihan at awa ng Diyos. Sa katunayan, naghahanda pa Siya ng mga pagpapala para sa iyo sa kalagitnaan ng mahihirap na panahon. Ngunit ang mga katotohanang ito ay hindi laging madaling tandaan, kaya nga ang pagpapasalamat ay mahalaga.

Ang pagpapasalamat ay nakakatulong na ituon ang pansin sa Nag-iisang may kakayahang ibaling ang ating mga problema para sa Kanyang kaluwalhatian at ating ikabubuti. Kaya ngayon, sandali tayong huminto at magpasalamat sa Diyos para sa lahat ng nagawa Niya sa ating buhay.

Isang Panalangin ng Pasasalamat

O Diyos, Ikaw ay mabuti, at ang pag-ibig Mong hindi nagmamaliw ay magpakailanman! Sa pinakamahirap na panahon man, may dahilan ako upang sambahin Ka.

Salamat sa pagbibigay Mo sa akin ng katagumpayan at masaganang buhay kay Jesu-Cristo! Bagama’t hindi ako karapat-dapat, ibinubuhos Mo sa akin ang walang pasubaling pag-ibig at kapatawaran.

Kaya’t anuman ang mangyayari sa hinaharap, sisigaw ako nang may kagalakan dahil kasama Kita. Inaaliw Mo ako at pinagpapala sa harap ng aking mga kaaway. Walang makakahambing sa Iyo at walang sandatang maaaring sumalansang sa Iyo. Sa lahat ng bagay, ako’y higit pa sa mapagtagumpay sa pamamagitan Mo!

Maluwalhati Ka sa pamamagitan ko, O Diyos. Nawa ang mga salita ng aking bibig at pagbubulay ng aking puso ay papurihan ang Iyong pangalan.

Nais kong ang buhay ko ay magbigay kapurihan sa Iyo.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

IDAGDAG SA LISTAHAN NG PANALANGIN

Ibahagi ang pag-ibig ngayon ❤️

Mag-ibigan kayo - Juan 13:34 - Bersikulong Larawan

Ano bang hitsura ng pag-ibig?

Maglaan ng isang minuto upang huminto nang sandali at pag-isipan kung anong mga salita ang iyong sinabi (o isinulat) nitong nakaraang linggo. Masasabi mo bang kilala ka sa kung paano kang magmahal sa iba?

Ito ang pag-ibig—hindi sa inibig natin ang Diyos, kundi tayo ang inibig niya at isinugo niya ang kanyang Anak upang maging handog para mapatawad ang ating mga kasalanan.

1 Juan 4:10

Bilang mga taga-sunod ni Cristo, tayo ay may natatanging pagkakataon upang magdala ng pag-asa kung saan may kaguluhan, at magpalaganap ng pag-ibig kung saan may pagkamuhi.

Mga minamahal, dahil ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan.

1 Juan 4:11

Sa sandaling ito, pagnilayan ang walang pasubaling pag-ibig ng Diyos para sa iyo, at pagkatapos ay ibahagi ang Bersikulong Larawang ito. Sa araw na ito, punuin natin ang internet ng mga paalala tungkol sa pag-ibig ng Diyos.

Ibahagi ang Pag-ibig

Gawing mahalaga ang sandaling ito.

Anino ng tao na nakatingin sa paglubog ng araw sa ibabaw ng tubig

May plano para sa iyong kinabukasan.

Kapag nagbalik-tanaw ka sa 2020, marahil ay maraming mga bagay ang babaguhin mo rito.

Maaaring ang taong ito ay naging malungkot at walang katiyakan. Marahil ay napuno ito ng mga bagbag na puso at sirang pangarap. Marahil ay iniwan ka ng taong itong naghahangad ng mas mahusay na mga bagay…

Ngunit kapag iniwan mo ang 2020, anong kontribusyon ang iyong iiwan?

Sapagkat tunay na may kinabukasan, at ang iyong pag-asa ay hindi mapaparam.

MGA KAWIKAAN 23:18

Gumugol ng ilang panahon sa pagtatanong sa Diyos kung ano ang nais Niyang magawa sa pamamagitan mo bago magtapos ang taong ito. Pagkatapos, subukan ang isa sa mga Gabay na ito at anyayahan ang ilang mga kaibigan na kumpletuhin itong kasama ka.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay