Nabibigatan ka na ba? Tandaan mo ito…

Ngunit nang mapansin niya na malakas ang hangin, siya’y natakot at nagsimulang lumubog. “Panginoon, sagipin ninyo ako!” sigaw niya.

Mateo 14:30

Anino ng isang tao

Hindi ka nag-iisa.

Bumaba si Pedro sa bangka at naglakad sa tubig patungo kay Jesus. Di naglaon, ang unos ay lumakas at, nadaig ng sitwasyong hindi niya kontrolado, si Pedro ay nagsimulang lumubog.

Agad-agad, iniligtas ni Jesus si Pedro. Ngunit nagtanong Siya:

“Kay liit ng pananampalataya mo, bakit ka nag-alinlangan?”

Kapag ang mga unos sa buhay ay nangyayari, madaling gayahin ang ginawa ni Pedro. Maaaring masyado tayong tumuon sa mga problema sa paligid natin na hindi natin nakikita ang ating Tagapagligtas na nakatayo sa tabi natin.

Ngunit kahit tila wala nang pag-asa, si Jesus ay malapit lang. Ang Kanyang patuloy na presensya ang ating katiyakang sa mga unos ng buhay, ang Diyos ay, at sa tuwina ay, may kapamahalaan.

Anumang pinagdaraanan mo sa ngayon, mahikayat ka rito: si Jesus ang iyong angkla, kaya Niyang gawin ang imposible, at hindi ka Niya pababayaang malunod. Panghawakan ang pag-asa sa pamamagitan ng pagtutuon ng iyong mga mata sa Kanya.

Sa araw na ito, palaganapin ang pag-asa ng Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Bersikulong Larawan na ito:

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Mga Taga-Roma 15:13 - Bersikulong Larawan

Ibahagi ang Bersikulong Larawan na ito

Ngayon, sama-sama tayong manalangin para sa bawat isa

Mga puno sa harap ng mga bundok

“Tibayan ninyo ang inyong loob! Napagtagumpayan ko na ang sanlibutan.”

Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, ipinanalangin Niya ang Simbahan sa hinaharap upang ito’y “magkaisa,” kung paanong Siya at ang Ama ay iisa, upang ang mundo ay makilala Siya.

Ano ang pagkakaisa?

Ang pagkakaisa ay ang pagkakasama-sama para sa isang layunin at naisin, at napapaloob dito ang pakikipagpalit ng ating kalooban sa kalooban ni Cristo. Bagama’t mahirap ang pagkakaisa, naniniwala si Jesus na ito ay kailangan upang ang mundo ay makilala Siya.

Kapag nililinang natin ang pagkakaisa sa katawan ni Cristo, kinikilala nating si Jesus ang may kontrol at ang Kanyang biyaya ay sapat upang matakpan ang ating pagkakaiba-iba.

Sa araw na ito, hanapin natin ang puso ng Diyos at hilingin sa Kanyang pag-isahin Niya ang Kanyang Iglesia, upang ang mundo ay maniwala sa Nag-iisang ipinadala ng Diyos upang magkaisa tayo.


Jesus,

Salamat dahil napagtagumpayan mo na ang mundo. Dahil dito, maaari na naming maranasan ang pagkakaisang kasama Ka. At dahil maaari kaming maging kaisa sa Iyo, maaari naming maranasan ang pagkakaisa sa ibang tao.

Dahil sa Iyo ang lahat ay nasa kaayusan. Habang hinahangad naming maisentro ang buhay namin sa Iyo, tulungan Mo kaming makita ang lahat ng pamamaraan kung saan Ikaw ay gumagawa sa mundo.

Ilapit Mo kami sa Iyong puso upang makita namin ang isa’t-isa kung paano Mo kami nakikita. Mahihikayat kami nitong bantayan hindi lamang ang sarili naming kapakanan, kundi ang kapakanan ng iba.

Nais naming ang kaharian Mo ay dumating dito sa lupa tulad ng sa langit, kaya pag-isahin Mo kami sa layunin upang walang makahadlang sa mga taong naghahanap sa Iyo na maniwala sa Iyo. Nawa ay maranasan namin ang lubos na pagkakaisa upang malaman ng mundo na sinugo Mo kami at minamahal Mo sila nang walang pasubali.

Halika, Panginoong Jesus, at gawin Mo sa buhay namin ang bagay na tanging Ikaw lang ang makagagawa.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

IDAGDAG SA LISTAHAN NG PANALANGIN

Anong hitsura ng normal sa iyo?

Taong tinatanaw ang bundok

Tanggapin ang mas mabuting normal.

Minsan, ang pagbabago ay hindi komportable. Minsan, ang isang “bagong normal” ay parang hindi normal.

Kaya paano nating matatanggap nang may kagalakan kung ano ang ginagawa ng Diyos kung hindi natin nakikita lahat ng mga detalye? Paano natin haharapin ang bawat araw nang may tapang at kabutihan kung parang hindi na natin kaya ang mga nangyayari sa paligid natin?

Ngayong buwan, tuklasin natin kung paano lumikha ng isang mas mabuting normal sa pamamagitan ng masikap na paghangad ng mga katotohanang nasa Salita ng Diyos.

Magsimula ng Gabay:

Tumingin Pa ng mga Gabay

Samahan kami sa pananalangin para sa kapayapaan

Baybayin

Kapag iniisip mo ang kapayapaan, anong dumarating sa isipan mo?


Ang kapayapaan ay maaaring mangahulugan ng maraming mga bagay, ngunit kung ang kahulugan nito ay hindi nakaugat sa Salita ng Diyos, ang kapayapaang ating hinihintay ay anino lamang ng kapayapaang nais ng Diyos na ibigay sa atin.

Sa oras na ito, hilingin natin ang kapayapaan ng Diyos na punuin ang ating buhay at ang ating mundo sa pamamagitan ng pananalangin ng dalawang panalanging ito.

Tamasahin ang Kapayapaan ng Diyos

O Diyos, ang aking buhay ay puno ng mga pagsubok at paghihirap. Minsan, nakakaramdam ako ng kaguluhan at kadalamhatian. Gayunpaman, nagpapasalamat ako na sa bawat sitwasyon ay kasama kita. Sa Iyo, maaari akong magkaroon ng kapayapaan. Kahit na ano ang harapin ko, ngayon ay pinipili kong huwag hayaang maligalig o matakot ang aking puso. Nakatutok ang isip ko sa Iyo at nagtitiwala ako sa Iyo. At habang ginagawa ko iyan, punan Mo ako ng kagalakan at kapayapaan upang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong Banal na Espiritu, mapuno ako ng pag-asa. Bantayan Mo ang aking puso at bigyan Mo ako ng lakas upang mabuhay dala-dala ang kapayapaan Mo. Amen.

I-save ang Panalanging Ito

Kapayapaan para sa ating Mundo

O Diyos ko, salamat dahil napagtagumpayan Mo na ang sanlibutan. Salamat na sa lahat ng bagay ay siguradong matagumpay na kami sa pamamagitan Mo na nagmamahal sa amin. Sa araw na ito at sa araw-araw, tulungan mo kaming “ang masama’y iwasan na at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.” Nawa ay mapanatili namin ang pagkakaisa, at huwag agad kaming magalit.

Nawa’y ang mga salita ko at kaisipan ay kaluguran Mo. Patnubayan Mo kami sa daan ng kapayapaan at dahil itong buhay nami’y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong. Pasaganain mong muli ang aming lupain Panginoon, at pagpalain ang Iyong bayan ng mapayapang buhay. Amen.

I-save ang Panalanging Ito

“Sa tuwing naiisip kita…”

Nagpapasalamat ako sa aking Diyos tuwing naaalala ko kayo - Mga Taga-Filipos 1:3 - Bersikulong Larawan

Igalang ang isang Pamana.

Isipin ang mga taong nangusap sa iyong buhay. Ang mga nakatulong sa iyo na lumikha ng mga minamahal na alaala. Ang mga nanalangin para sa iyo sa tuwina at hinikayat ka ng kanilang karunungan.

Maaaring sila ay lolo o lola, kapitbahay, pastor, o magulang—ngunit sa araw na ito, ipagdiwang natin ang kanilang pamana.

Ngayong araw na ito, pasalamatan ang isang tao para sa kanyang naging epekto sa buhay mo sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanya ng Bersikulong Larawan.

Manghikayat ng Isang Tao