Sumali sa Kilusan ngayong Martes ng Pagbibigay

Larawan ng mga kamay na may hawak na puso

Ang Salita ng Diyos ay buhay at aktibo… at binabago nito ang mga tao sa buong mundo, katulad mo, araw-araw!

Ngayong Giving Tuesday, gumawa ng agarang epekto na may panghabambuhay na kaibahan sa pamamagitan ng pagbibigay sa YouVersion.

Magbigay Ngayon


Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang iminungkahi sa iba ang YouVersion dahil sa iba’t ibang wika na mayroon ito. Ibinahagi ko pa ito sa aking kinakapatid na nasa Hong Kong, at ngayon ay isa na siyang mananampalataya!

Ang Diyos ay gumagawa ng dakilang gawain sa pamamagitan ng YouVersion—kaya ako ay nagbibigay.

HELEN, CANADA


Sa loob ng maraming taon, nakita ko ang aking sarili na nauubos ang panahon sa mga bagay na hindi mahalaga sa social media.

Ngunit sa YouVersion, napupuno ko ang aking isipan ng katotohanan ng Diyos, saan man ako magpunta.

TIMOTHY, ESTADOS UNIDOS


Sa pamamagitan ng Bersikulo ng Araw, naibabahagi at naipapaliwanag ko ang Banal na Kasulatan sa aking pamilya. Binago nito kung paano kami nagbabasa ng Salita ng Diyos nang magkasama.

PHUMZILE, TIMOG AFRICA


Tumulong na isulong ang isang pandaigdigang kilusan sa pamamagitan ng pagsuporta sa ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.

Magbigay Ngayon

Matutulungan mo ba ang mas maraming tao na matuklasan ang YouVersion sa Giving Tuesday na ito? Pagkatapos mong magbigay, ibahagi sa social media kung paanong ginamit ng Diyos ang YouVersion sa iyong buhay. Gamitin ang hashtag #Giving Tuesday at i-tag kami sa @youversiontl.


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ipagdiwang ang Adbiyento gamit ang mga Gabay sa Biblia na ito.

Kandila

Ang Adbiyento ay isang pagkakataon upang ihanda ang ating mga puso para sa pagdiriwang ng kapanganakan ni Jesus. Ito ay isang oras na minarkahan ng pag-alala sa lahat ng ginawa ng Diyos at pag-asam para sa lahat ng Kanyang gagawin.

Anuman ang nararamdaman mo sa panahong ito, makakahanap ka ng kapahingahan at katiyakan sa kaloob ni Emmanuel, “Ang Diyos ay kasama natin.”

Pagnilayan ang pag-asa, kapayapaan, pag-ibig, at kagalakan ng kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng mga Gabay sa Adbiyento na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Mga Nakatagong Tampok na Nagustuhan Namin

Taong may hawak na telepono

Dagdag kaalaman…

Sa YouVersion, ang paggawa ng Biblia bilang bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay ay hindi kailangang maging mahirap.

I-customize ang iyong karanasan sa app gamit ang limang simpleng tips at tricks dito.

  1. Paghambingin ang dalawang magkaibang bersyon ng Biblia nang sabay.

    Buksan ang YouVersion, at i-tap ang tab na Biblia. Sunod, i-flip ang iyong telepono nang patagilid. I-tap ang icon na Icon ng paghahambing. Piliin ang dalawang bersyon na gusto mong basahin nang magkatabi.

  2. Tingnan ang iyong kasaysayan ng pagbabasa ng Biblia.

    I-tap ang sanggunian ng bersikulo sa kaliwang tuktok ng Biblia na tab. Pagkatapos ay i-tap ang buton ng kasaysayan.

  3. Mag-set up ng Mga Paalala sa Panalangin.

    Buksan ang iyong Mga Setting ng Push Notification sa YouVersion, at i-tap ang “Paalalahanan akong manalangin.”

  4. Makinig sa mga Gabay ng Biblia.

    Mag-subscribe sa isang Gabay. Pagkatapos, magbukas ng araw ng Gabay at i-tap ang icon na Icon ng speaker sa kanang bahagi sa itaas ng iyong screen.

  5. Ayusin ang laki o istilo ng iyong font.

    Buksan ang Biblia na tab at i-tap ang icon na Icon ng font sa kanang tuktok ng iyong screen upang i-customize ang iyong karanasan sa pagbabasa.

Handa ka na bang sulitin ang iyong karanasan sa YouVersion? Simulan ang pagtuklas sa mga nakatagong tampok na ito.

Buksan ang YouVersion

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Saan mo mahahanap ang iyong halaga?

Anino ng tao na may paglubog ng araw sa ibabaw ng tubig sa bandang likuran

Trabaho man ito, mga relasyon, o tagumpay, madalas nating nakikita ang ating halaga sa mga bagay at tao sa ating paligid.

Ngunit ano ang mangyayari kapag binigo tayo ng mga bagay na iyon?

Kapag inilalagay natin ang ating pananampalataya kay Jesus, binibigyan Niya tayo ng bagong pagkakakilanlan.

At kung sino ang sinasabi Niyang tayo ay hindi kailanmang nagbabago.

Tuklasin kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa kung sino tayo kay Cristo gamit ang mga Gabay na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Pag-usapan Natin ang Pagkabalisa.

Taong nakaupo

Ito man ay problema sa pananalapi, isang mahirap na relasyon, o dami ng trabaho, ang pagkabalisa ay nakakahanap ng paraan upang pumasok sa ating buhay.

Hindi ito isang bagay na dapat ikahiya—ngunit hindi mo rin dapat na tanggapin na lang ito nang nakaupo.

Nangangako ang Diyos na lalakad katabi natin upang pagaanin ang ating mga pasanin. Hayaang punuin ka Niya ng Kanyang kapayapaan sa pamamagitan ng mga Gabay na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email