Isang Panalangin para sa Biyernes Santo

Krus

Bakit “mabuti” ang Biyernes Santo?

…Sinabi niya, “Naganap na,” at iniyuko niya ang kanyang ulo at nalagot ang kanyang hininga.

JUAN 19:30

Natunghayan ng mga disipulo ang pagsigaw ni Jesus ng, “naganap na.” Ngunit ang natapos ay hindi ang buhay ni Jesus—ito ay ang lahat ng naghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos.

Ang “Diyos na kasama natin” ay naging “Diyos para sa atin” sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang buhay upang iligtas tayo.

Nagdusa si Jesus upang makilala ng ating naghihirap na mundo ang Diyos nang personal … iyon ang dahilan kung bakit “mabuti” ang Biyernes Santo.


Isang Panalangin para sa Biyernes Santo

Jesus,

Nalulungkot ako na ang pagpapahirap at pighati na dinanas Ninyo sa krus ay kinailangan upang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Ninyo ninais na kami ay maging alipin ng takot, pagkabalisa, o kasalanan—kaya’t Inyong isinakripisyo ang Inyong Sarili upang ang Pag-ibig ay manaig.

Pag-ibig ang Siyang nakasabit sa krus at ibinigay ang lahat upang iligtas tayo. Ang “naganap na” ay isang sigaw ng tagumpay, sapagkat nagapi Ninyo ang lahat ng bagay na bumihag sa amin.

Dahil sa Inyong sakripisyo, makararanas ako ng matalik na ugnayan sa Inyo magpakailanman. Salamat sa Inyo! Ipakita sa akin kung paano ibabahagi ang Inyong pag-ibig ngayon at araw-araw.

Kasangkapanin ako upang maabot ang mundong Inyong tinubos ng Inyong buhay.

Amen.

I-save ang Panalangin

Isang Panalangin para sa Ukraine

Taong nananalangin

Habang pinanonood ng mundo ang mga kaganapang nangyayari sa Ukraine, gusto nating ipaalala sa pandaigdigang Komunidad ang kapangyarihang taglay nila—ang kapangyarihan ng panalangin.

Ang panalangin ay nagdadala ng pag-asa.

Ang panalangin ay nagdudulot ng pagkakaisa.

Ang panalangin ay nagpapalakas.

Magsama-sama tayo at hilingin sa Diyos na aliwin, ingatan at maglaan para sa bansang Ukraine.


O Diyos,

Kailangan Ka namin—palaging kailangan namin.

Ikaw ang pinagmumulan ng aming kalakasan, at Inyong sinasabi sa amin na ibigay sa Inyo ang aming mga alalahanin.

Magdala ng proteksyon at pagpapagaling sa mga tao ng Ukraine. Ipakita sa kanila na Ikaw ay kasama nila, at na dinirinig Mo ang kanilang mga panalangin.

Mangyaring palakasin ang sinumang nasasaktan, nag-iisa, o nawasak. Palitan ang anumang damdamin ng pagkabalisa, takot, at kawalan ng katiyakan ng Iyong kapayapaan at pag-asa.

Lumapit Kayo sa amin habang kami ay lumalapit sa Inyo.

Sa ngalan ni Jesus,

Amen.


Isama ito sa iyong Listahan ng Panalangin para patuloy mong maipanalangin.

I-save ang Panalangin

Kinikilala namin na ang panahong ito ay lumikha ng mga damdamin ng kaguluhan at kawalan ng katiyakan sa buong mundo.

Nasaan ka man, tandaan na nangako ang Diyos na hinding-hindi iiwan o pababayaan man ang mga lumalapit sa Kanya. Ang Kanyang mga anak ay hindi kailanman nag-iisa. Hindi ka nag-iisa. At ang iyong kinabukasan ay ligtas sa Kanyang mga kamay.

Isang Panalangin para sa Pag-ibig

Taong nananalangin

O Diyos,

Ipaalala Ninyo sa akin na ang pag-ibig ay laging abot-kamay, dahil hindi Kayo malayo kailanman.

Kapag naramdaman kong hindi ako karapat-dapat sa pag-ibig, ipaalala Ninyo sa akin na ginawa Ninyo akong karapat-dapat. At kapag naramdaman kong hindi ko kayang magpakita ng pagmamahal, tulungan Ninyo akong maalala kung ano ang Inyong isinakripisyo para sa akin.

Ipaalala Ninyo sa akin kung gaano akong minamahal upang maipaalala ko sa iba kung gaano sila minamahal.

Sa ngalan ni Jesus,

Amen.

Idagdag sa Listahan ng Panalangin

Paano ka nakikipag-usap sa Diyos?

Taong nananalangin

Kung ang isang bagay sa iyong buhay ay sapat na malaki upang alalahanin, ito ay sapat na malaki din upang ipanalangin. At, kapag tayo ay nananalangin, tayo ay nagkakaroon ng simple at patuloy na pakikipag-usap sa Diyos.

Lampasan ang mga hadlang na pumipigil sa iyong magpatuloy sa buhay pananalangin gamit ang mga kasangkapang ito.

Gabay sa Panalangin

​​Kung nais mong makipag-usap sa Diyos ngunit hindi mo
alam kung ano ang sasabihin, makakatulong ang Gabay sa Panalangin upang makapagsimula ka.

Simulan ang pakikipag-usap sa Diyos >

Gabay sa Panalangin

Listahan ng Panalangin

Higit pang lumapit sa Diyos at sa iyong pamayanan sa pamamagitan ng paglikha at pagbabahagi ng Mga Panalangin.

Lumikha ng Panalangin >

Listahan ng Panalangin

Mga Paalala sa Panalangin

Panatilihin ang pakikipag-usap sa Diyos gamit ang nakatakdang mga paalala.
 

Magtakda ng mga Paalala sa Panalanagin >

Mga Paalala sa Panalangin

6-Na Hakbang Para sa Gabay sa Panalangin

Bilang karagdagan sa mga tampok na ito, kami ay nagtipon ng mga gabay upang matulungan kang matutunan kung paano manalangin tulad ng huwaran na ibinigay ni Jesus sa Kanyang mga disipulo.

Matuto kung Paano ang Manalangin >


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Isang Panalangin para sa Bagong Simula

Taong nananalangin

O Diyos,

Ako ay nasasabik para sa isang bagong taon, at nais kong harapin ito nang may katapangan at lakas ng loob. Ngunit kung ako ay magiging tapat, hindi ako sigurado kung ano ang mangyayari sa darating na taon—at iyon ay nakakabalisa.

Siyasatin Mo ako, O Diyos, at papanariwain Mo ang aking puso.

Mangyaring tulungan akong isuko ang aking mga inaasahan para sa taong ito. Baguhin Mo ang aking isip habang ako ay lumalapit sa Iyo.

Siyasatin Mo ako, O Diyos at iayon ang aking puso sa Iyo.

Sa aking pagpapatuloy ng mga plano Mo para sa akin, hayaan mong alalahanin ko ang mga bagay na tinulungan Mo akong mapagtagumpayan.

Siyasatin Mo ako, O Diyos, at hilumin ang aking puso.

Anuman ang mangyari sa taong ito, alam kong hawak Mo ako. Walang imposible sa Iyo!

Papanumbalikin Mo ako, O Diyos, at gawin Mo akong bago.

Sa ngalan ni Jesus,

Amen.

I-save ang Panalangin