Kilalanin ang Diyos, Makatagpo ng Kapayapaan
Isiping ika’y isang pastol sa unang siglong Bethlehem. Lumalapit sa iyo ang mga tupa, ngunit ang iba ay ayaw sa iyo dahil sa iyong trabaho, pananamit, at katayuan.
Sa loob ng maraming henerasyon, sinasabi ng iyong pamilya, “Nangako ang Diyos na bubuti rin ito.” Ngunit nagsisimula kang magtaka: “totoo kaya iyon?” Pagkatapos isang gabi, nagbago ang lahat. Isang anghel ang nagpakita at nagsabi sa iyo na isang Tagapagligtas ang isinilang.
Emmanuel, “Ang Diyos na sumasa-atin” ay dumating na.
Balang araw, ang batang ito ang magpapasan ng bigat ng lahat ng ating mga maling gawain sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus. At dahil sa Kanyang sakripisyo, inaanyayahan tayong mamuhay nang mapayapa kasama ang Diyos sa lahat ng oras, sa lahat ng pagkakataon. Kaya sa ngayon, pasalamatan natin si Jesus sa Kanyang sakripisyo at kapayapaang mayroon tayo nang dahil sa Kanya.
Isang Panalangin para sa Kapayapaan
O, Diyos,
Kahit magulo ang aking buhay, mararanasan ko ang Inyong kapayapaan dahil sa ginawa ni Jesus sa krus. Salamat dahil pinangyari Ninyo ito sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng Inyong Anak! Gumawa Siya ng paraan upang makilala at maranasan namin Kayo.
Kahit na sa pakiwari ay walang kontrol ang buhay, maaari akong kumapit sa katotohanan na ang Inyong kapayapaan ay hindi nakabatay sa aking mga damdamin o kalagayan—kundi sa Inyong katangian at katapatan.
Kapag hindi ako makaramdam ng kapayapaan, mangyaring ipadama sa akin ang Inyong presensya. Ipaalala sa akin na Ikaw ang may kontrol. Bigyan Ninyo ako ng Inyong lakas at ginhawa kapag nararamdaman kong ang mundo ay hindi ligtas. Protektahan ang aking puso at isip mula sa bigat ng aking damdamin at iniisip.
Pahintulutan akong madama ang Inyong presensya, at mamuhay nang may pagtitiwala na Ikaw ay laging malapit. Hayaang ang aking buhay ay maging isang halimbawa ng Inyong kapayapaang hindi kayang maunawaan ng tao.
Sa pangalan ni Jesus, Amen.
I-save ang Panalangin