Ano ang iyong pinakamahalagang pag-aari? Walang masama sa pagkakaroon ng mga pag-aari, o sa pagtangkilik sa mga ito. Dumarating ang problema kapag ang ating mga pag-aari ang nagmamay-ari sa atin.
Sa kabutihang palad, ang Diyos ay nagpakita ng ibang paraan ng pamumuhay nang isakripisyo Niya ang Kanyang pinakadakilang kayamanan para sa atin. Ang kanyang pagiging bukas-palad ay masakripisyo at kontra-sa-kultura.
Kapag nagbibigay tayo tulad ng ginagawa ng Diyos, at pinararangalan natin Siya sa pamamagitan ng pagbibigay na iyon, mas pinalalapit tayo nito sa Kanya. Nagdudulot ito sa atin na huminto sa pagtingin sa ating sarili, at magsimulang tumingin sa iba. Habang mas lumalapit tayo sa Diyos, mas magsisimulang sumasalamin sa Kanya ang ating mga prayoridad at pagpapahalaga.
Kaya, paano ka namumuhay nang bukas-palad? Nagsisimula ito sa paghiling sa Diyos na bigyan ka ng mapagbigay na pag-iisip. Kung hindi ka sigurado kung paano gawin iyon, subukang ipanalangin ang dasal na ito.
O Diyos,
Salamat sa pagpapakita Niyo sa akin kung ano ang pagiging bukas-palad. Inaamin ko na minsan madali para sa akin na magtuon sa mga bagay na walang kwenta. Ngunit ngayon, sumusuko ako sa Iyong kalooban, nagtitiwala sa Iyo nang buong buo. Baguhin ang paraan ng pag-iisip ko, at bigyan ako ng mapagbigay na puso. Ipaalam sa akin ang mga mapagkukunan na mayroon ako, at kung paano ko magagamit ang mga ito upang maglingkod sa iba. Tulungan Niyo akong mamuhay ng isang buhay na nagpapala sa iba gaya ng saganang pagpapala Niyo sa akin.
Sa ngalan ni Jesus,
Amen.
Kapag sumuko ka sa Diyos sa pamamagitan ng pamumuhay nang bukas-palad, nagbabago ito ng mga buhay.
Ang isang kaloob na $40 US ay tumutulong sa amin na ibigay ang Bible App sa 200 tao—iyon ay 200 tao sa buong mundo na ang buhay ay magbabago magpakailanman sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos.
Ibahagi sa pamamagitan ng Email
Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Polish Thai Ukrainian Vietnamese