“O Diyos ko, Diyos ko…”

Krus

Ang panalangin ay pagsasabi sa Diyos ng anumang nasa iyong puso—kapwa masaya at hindi komportable na mga bagay. Ginawa ito ni Jesus sa maraming pagkakataon, kasama na sa krus.

… Sumigaw si Jesus, “Eli, Eli, lema sabachthani?” (na ang ibig sabihi’y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”).

Mateo 27:46

Maaari mong tularan ang halimbawa ni Jesus! Ngayon, pagnilayan ang Kanyang kamatayan sa pamamagitan ng isang espesyal na panalangin, na makikita sa Bible App.

Tayo’y Manalangin

I-save ang Panalangin na ito at ibahagi ito sa Mga Kaibigan upang sama-samang hanapin si Jesus.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano ang ibig sabihin ng paglilingkod sa iba?

Huling Hapunan

Bago ang Kanyang huling hapunan, gumawa si Jesus ng malaking pahayag nang kinuha Niya ang tuwalya at palanggana … at hinugasan ang paa ng Kanyang mga alagad.

Ang tuwalya at palanggana ay isang pangmatagalang alaala ng Kanyang paglilingkod. Pagkatapos, inanyayahan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na alalahanin ang Kanyang sakripisyo sa pamamagitan ng tinapay at kopa.

Ang kamatayan ni Jesus ay ang pinakasukdulang gawain ng paglilingkod. At dahil sa pagiging di-makasarili ni Jesus, maaari natin Siyang makilala nang personal!

Tuklasin kung ano ang ibig sabihin para sa atin ng puso para sa paglilingkod ni Jesus sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa Huling Hapunan sa Arawang Pampasigla ngayon.

Damhin ang Arawang Pampasigla

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano ang Linggo ng Palaspas?

Linggo ng Palaspas

Ang Linggo ng Palaspas ay ang araw na inaalala natin ang matagumpay na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, kung saan Siya ay tinanggap na tulad ng isang hari.

Ito rin ang unang araw ng Semana Santa—ang linggo ng mga kaganapan na humahantong sa sukdulang sakripisyo ni Jesus.

Ngayon, ang Semana Santa ay isang makapangyarihang paalala na ang gawain ng Diyos ay hindi pa tapos. Darating ang pag-asa.

Mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa Linggo ng Muling Pagkabuhay, ipinapakita sa atin ng Semana Santa ang plano ng Diyos na tubusin ang mundo.

Sa susunod na walong araw, tuklasin ang mga kaganapang ito sa Banal na Kasulatan na may eksklusibong nilalaman sa Arawang Pampasigla.

Buksan ang Arawang Pampasigla

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Sino ang gusto mong maging sa taong ito?

Magkakaibigan na nasa telepono

Ang bawat positibong pagbabago na gusto mong makita sa buhay mo ay nagsisimula sa pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Ang Biblia ay naghahayag ng katangian ng Diyos at binibigyan tayo ng karunungan kung paano mabuhay. Kaya habang hinahangad na lumago—hanapin muna ang Diyos. At ang isang madaling paraan na magagawa mo ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng Arawang Pampasigla.

Ang Arawang Pampasigla ay isang interaktibong karanasan na idinisenyo upang tulungan kang mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan habang kinukumpleto mo ang pang-araw-araw na pagtuturong palabas, akda para sa pagninilay, at mga gabay na panalangin.

Anumang mga gawi ang gusto mong baguhin, o mga ugali na gusto mong linangin sa taong ito, nagsisimula ang lahat ng ito sa Biblia.

Kumpletuhin ang Arawang Pampasigla

Simulan ang iyong unang Streak sa Arawang Pampasigla para sa 2024!

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email