Tuklasin ang Emmanuel, “Ang Diyos ay Kasama Natin.”

Sabsabang may naka-overlay na kandila

Ipagdiwang ang Pagdating ni Cristo

Sa kadiliman ay lumitaw ang liwanag ng Diyos. Sa mundong puno ng gulo, isang sanggol ang nagbago ng kapaligiran. Ang pag-asa ay dumating sa anyo ng Emmanuel, ang Diyos ay kasama natin.

Habang naghahanda kang ipagdiwang ang kapanganakan ng ating Tagapagligtas, gugulin ang panahon ng Adbiyento na nagninilay tungkol sa pag-asa, kapayapaan, pag-ibig, at kagalakan na dinala ni Jesus sa mundo. Magsimula sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang Gabay sa Adbiyento:

Tingnan ang iba pang mga Gabay

Gawing mahalaga ang sandaling ito.

Anino ng tao na nakatingin sa paglubog ng araw sa ibabaw ng tubig

May plano para sa iyong kinabukasan.

Kapag nagbalik-tanaw ka sa 2020, marahil ay maraming mga bagay ang babaguhin mo rito.

Maaaring ang taong ito ay naging malungkot at walang katiyakan. Marahil ay napuno ito ng mga bagbag na puso at sirang pangarap. Marahil ay iniwan ka ng taong itong naghahangad ng mas mahusay na mga bagay…

Ngunit kapag iniwan mo ang 2020, anong kontribusyon ang iyong iiwan?

Sapagkat tunay na may kinabukasan, at ang iyong pag-asa ay hindi mapaparam.

MGA KAWIKAAN 23:18

Gumugol ng ilang panahon sa pagtatanong sa Diyos kung ano ang nais Niyang magawa sa pamamagitan mo bago magtapos ang taong ito. Pagkatapos, subukan ang isa sa mga Gabay na ito at anyayahan ang ilang mga kaibigan na kumpletuhin itong kasama ka.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

Anong hitsura ng normal sa iyo?

Taong tinatanaw ang bundok

Tanggapin ang mas mabuting normal.

Minsan, ang pagbabago ay hindi komportable. Minsan, ang isang “bagong normal” ay parang hindi normal.

Kaya paano nating matatanggap nang may kagalakan kung ano ang ginagawa ng Diyos kung hindi natin nakikita lahat ng mga detalye? Paano natin haharapin ang bawat araw nang may tapang at kabutihan kung parang hindi na natin kaya ang mga nangyayari sa paligid natin?

Ngayong buwan, tuklasin natin kung paano lumikha ng isang mas mabuting normal sa pamamagitan ng masikap na paghangad ng mga katotohanang nasa Salita ng Diyos.

Magsimula ng Gabay:

Tumingin Pa ng mga Gabay

Narito ang pag-asa para sa araw na ito.

Ipagkaloob mo na aming makamit, O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pag-asa’y sa iyo nasasalig!

Mga Awit 33:22

Gilid ng bundok

Hindi naging madali ang taong ito. Ngunit anuman ang nangyayari sa iyong buhay ngayon, alamin mo ito: minamahal ka. Gumugol ng hindi bababa sa ilang minuto bawat araw upang ipaalala sa iyong sarili ang pag-asa na mayroon tayo kay Jesus. Idagdag ang Panalanging ito sa iyong Listahan ng Panalangin, at subukan ang isa sa mga Gabay na ito patungkol sa pag-asa.


Isang Panalangin para sa Kagalakan at Pag-asa

Ama, mangyaring ibalik Mo sa akin ang kagalakan ng Iyong kaligtasan. Alisin ang espiritu ng kalungkutan mula sa akin, at papanariwain Mo ako ng espiritu ng pag-asa. Mangyaring bigyan Mo ako ng kagalakan at kapayapaan, at panumbalikin ang aking lakas. Ingatan Mo ako at ang aking pamilya sa gulo, Panginoon. At bigyan mo kami ng isang awit ng papuri para sa Iyo. Amen.

I-save ang Panalanging Ito


Mga Gabay Patungkol sa Pag-asa

Maghanap ng lakas ng loob sa harap ng pag-aalinlangan

Tao na may kamay sa ulo

Hindi ka kailanman nag-iisa.

Maaari nating lahat isipin ang mga sitwasyon kung saan nakaramdam tayo ng pagkabalisa, pagkatakot, o kawalan ng katiyakan. Ang isang hindi magandang epekto ng ating sirang mundo ay napuno ito ng kaguluhan na wala sa ating kontrol.

Ngunit kahit na sa mga panahon ng pag-aalinlangan, ipinangako ng Diyos na hindi iiwan o tatalikuran ang mga lumalapit sa Kanya. Hawak Niya ang iyong hinaharap sa Kanyang mga kamay.

Sa ngayon, kung naghahanap ka ng pag-asa o naghahanap ng mga paalala ng mga pangako ng Diyos, hayaang hikayatin ka ng Diyos sa pamamagitan ng mga Gabay na ito.

Hanapin ang Iyong Susunod na Gabay:

Tumingin Pa ng mga Gabay