Mahirap ang pagtataguyod ng isang pamilya.

Ano ang ibig sabihin ng
maging isang “Mabuting Magulang”?

Maaaring maging mahirap ang pagtataguyod ng isang pamilya. Lahat tayo ay nagnanais na makapagbigay nang higit sa mayroon tayo—kaligtasan at kapanatagan, mga magagandang karanasan, at mga pagkakataon upang lumago. Paano nga ba natin espirituwal na pamumunuan ang ating mga anak, patungo sa paglikha ng isang mas maayos na mundo?

Sa kabutihang palad, hindi natin ito kailangang pag-isipan nang mag-isa. Marami ang nauna sa atin, na nagdokumento ng kanilang mga karanasan sa mga bagay-bagay na nakatulong sa kanila. Ang mga Gabay sa Biblia ay makatutulong sa iyo sa iba’t-ibang yugto sa iyong paglalakbay:

Tingnan ang Mga Gabay sa Biblia

Humanap ng pampalakas ng loob sa Pamamagitan ng Gabay sa Biblia tungkol sa Pag-asa.

Kung natatagpuan ninyo ang sarili ninyong pinanghihinaan ng loob dahil sa pabago-bagong balita tungkol sa Coronavirus, nasisiraan ng loob dahil sa social media, o nagagapi dahil sa suliranin sa pananalapi, hindi ka nag-iisa.

Kung minsan, tila gumuguho na ang ating mundo, at hindi tayo sigurado kung saan tayo babaling.

Narito ang ilang magandang balita:

Kung naghahanap ka ng pag-asa at nagnanais ka ng kagalakan, ito ay mas malapit kaysa sa iniisip mo.

Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesus, nabigyan tayo ng isang buhay na pag-asa na nagpapatatag sa ating mga kaluluwa kahit na sa pinakamahirap na panahon.

Puspusin nawa kayo ng Diyos na siyang bukal ng pag-asa, at nawa ay pagkalooban niya kayo ng kagalakan at kapayapaan sa pamamagitan ng inyong pananampalataya, upang mag-umapaw ang inyong pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Mga Taga-Roma 15:13

Naghahanap ka ba ng pampalakas ng loob? Maghanap ng pag-asa sa pamamagitan ng isa sa mga Gabay sa Biblia, at mag-imbita ng Kaibigan upang salihan ka.

Marami pang Gabay sa Pag-asa

Paano mo binabasa ang Biblia? 🤔

Babaeng nasa telepono

Kahit tapat kang nagbabasa ng Biblia araw-araw, ang kaalaman kung saan magsisimula (at kung papaano ipoproseso ang iyong binabasa) ay maaaring maging nakakalito. Gayunpaman, upang lumago ang iyong pananampalataya, mahalagang magtatag ng pundasyon sa Salita ng Diyos. Kaya, saan ka magsisimula? Paano mo uumpisahan — at ipagpapatuloy?

Ugaliing pag-aralan ang Biblia araw-araw at matuto kung papaano isasabuhay ang Salita ng Diyos sa iyong buhay gamit ang listahang ito ng mga Gabay sa Biblia.

Mga Gabay sa Biblia

Paano ang naging huling linggo ni Jesus?

“GAWIN NINYO ITO BILANG
PAG-ALAALA
SA AKIN.”

LUCAS 22:19

Ano ang Mahal na Araw?

Iyon ay ang linggo bago mamatay si Jesus. Isang linggo ng Kanyang pagbabahagi ng mga huling kaisipan at pagpapaalam. Isang linggo ng pagsasabi sa Kanyang mga alagad ng “Iniibig Ko kayo,” sa huling pagkakataon.

Iyon ay isang linggong puno ng sakit at pangako, na hahantong sa isang pangwakas, napakasakit na pagpapahayag:

“Naganap na.”

Sa isang huling paghinga, si Jesus ang naging huling sakripisyo natin. At dahil sa Kanyang kapangyarihan sa kamatayan, maaari na tayong maging ganap na buhay.

Ngayong Mahal na Araw, maglaan ng oras bawat araw hanggang sa pagsapit ng Pasko ng Pagkabuhay upang magnilay sa kahulugan ng sakripisyo ni Jesus para sa iyo. Subukan ang isang maikling Gabay para sa Pasko ng Pagkabuhay upang matulungan ka (at ang iyong pamilya) na itakda ang isipan ninyo kay Cristo.

Mga Gabay na Pang-Kuwaresma

Pagnilayan ang Muling Pagkabuhay…

Hamon para sa Pasko ng Pagkabuhay

Dalawang linggo na lamang at Pasko na ng Pagkabuhay! Paano ka naghahanda para sa Linggo ng Muling Pagkabuhay?

Kumumpleto ng alinmang Pasko ng Pagkabuhay na Gabay ngayon hanggang Pasko ng Pagkabuhay, at makakamit mo ang Easter Challenge Badge. (Upang masulit ang hamong ito, subukan mong mag-imbita ng ilan sa iyong pinagkakatiwalaang mga kaibigan upang salihan ka.)

Pagnilayan natin nang magkakasama ang sakripisyo ni Jesus at ituon natin ang ating mga puso sa nabuhay na Cristo.

Mga Gabay na Pang-Kuwaresma