Narito na ang Pamaskong Hamon…

Pamaskong Hamon Badge

Sa napakaraming nangyayari sa ating paligid, madalas nating nakakalimutan kung bakit tayo nagdiriwang ng Pasko.

Ngayong taon, maglaan ng oras upang pagnilayan ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng pagsama sa mga tao sa buong mundo habang sila ay nagiging mas malapit sa Diyos sa pamamagitan ng Pamaskong Hamon.

Kumpletuhin ang kahit na anong Gabay Para sa Pasko o sa Adbiyento sa Disyembre, at ikaw ay makakakuha ng Pamaskong Hamon Badge!

At narito ang ilan upang matulungan kang magsimula:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

“O Diyos ko, Diyos ko…”

Krus

Ang panalangin ay pagsasabi sa Diyos ng anumang nasa iyong puso—kapwa masaya at hindi komportable na mga bagay. Ginawa ito ni Jesus sa maraming pagkakataon, kasama na sa krus.

… Sumigaw si Jesus, “Eli, Eli, lema sabachthani?” (na ang ibig sabihi’y “Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?”).

Mateo 27:46

Maaari mong tularan ang halimbawa ni Jesus! Ngayon, pagnilayan ang Kanyang kamatayan sa pamamagitan ng isang espesyal na panalangin, na makikita sa Bible App.

Tayo’y Manalangin

I-save ang Panalangin na ito at ibahagi ito sa Mga Kaibigan upang sama-samang hanapin si Jesus.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano ang ibig sabihin ng paglilingkod sa iba?

Huling Hapunan

Bago ang Kanyang huling hapunan, gumawa si Jesus ng malaking pahayag nang kinuha Niya ang tuwalya at palanggana … at hinugasan ang paa ng Kanyang mga alagad.

Ang tuwalya at palanggana ay isang pangmatagalang alaala ng Kanyang paglilingkod. Pagkatapos, inanyayahan ni Jesus ang Kanyang mga alagad na alalahanin ang Kanyang sakripisyo sa pamamagitan ng tinapay at kopa.

Ang kamatayan ni Jesus ay ang pinakasukdulang gawain ng paglilingkod. At dahil sa pagiging di-makasarili ni Jesus, maaari natin Siyang makilala nang personal!

Tuklasin kung ano ang ibig sabihin para sa atin ng puso para sa paglilingkod ni Jesus sa pamamagitan ng pag-aaral tungkol sa Huling Hapunan sa Arawang Pampasigla ngayon.

Damhin ang Arawang Pampasigla

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano ang Linggo ng Palaspas?

Linggo ng Palaspas

Ang Linggo ng Palaspas ay ang araw na inaalala natin ang matagumpay na pagpasok ni Jesus sa Jerusalem, kung saan Siya ay tinanggap na tulad ng isang hari.

Ito rin ang unang araw ng Semana Santa—ang linggo ng mga kaganapan na humahantong sa sukdulang sakripisyo ni Jesus.

Ngayon, ang Semana Santa ay isang makapangyarihang paalala na ang gawain ng Diyos ay hindi pa tapos. Darating ang pag-asa.

Mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa Linggo ng Muling Pagkabuhay, ipinapakita sa atin ng Semana Santa ang plano ng Diyos na tubusin ang mundo.

Sa susunod na walong araw, tuklasin ang mga kaganapang ito sa Banal na Kasulatan na may eksklusibong nilalaman sa Arawang Pampasigla.

Buksan ang Arawang Pampasigla

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Isang Panalangin para sa 2024

Taong nananalangin

Ano ang inaasahan mo para sa bagong taon?

Marahil ay gusto mo ng panibagong simula mula sa sakit ng iyong nakaraan, o marahil ay darating ka sa bagong taon na may pag-asa at pag-hahangad.

Habang inaasahan natin ang hinaharap, maaari tayong lumapit sa Diyos—ngayon—sa pamamagitan ng panalangin.

Isipin kung ano ang maaaring mangyari sa taong ito kung milyung-milyon sa atin sa buong mundo ay magsasama-sama upang buong-tapang na manalangin para sa isa’t isa, sa ating mundo, at para matupad ang kalooban ng Diyos.

Bilang bahagi ng ating pandaigdigang Pamayanan sa YouVersion, gusto ka naming anyayahan na manalangin kasama namin.


O Diyos,

Nagpapasalamat kami sa Iyo para sa lahat ng Iyong ginawa, at tinatanaw namin ang kinabukasan nang may pag-asa.

Ang aming mundo ay puno ng pagkawasak na Ikaw lamang ang makakapag-ayos, kaya’t nananalangin kami ng mga pagkakataon para buong tapang na ipahayag ang pag-asa na mayroon kami sa Iyo.

Ipinagdarasal namin ang lahat ng mga mananampalataya sa buong mundo—na sila ay magkaisa sa Iyo, nagmamahalan at nagsusuportahan sa isa’t isa.

Sa lahat ng bagay, tulungan Niyo kaming maituon ang aming pag-asa sa Iyo ngayong taon.

Bigyan Niyo kami ng lakas upang magtiyaga, lakas ng loob upang ibahagi ang Iyong mabuting balita, at kapayapaan sa pagkaalam na Ikaw ay laging kasama namin.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.


Idagdag sa Listahan ng Panalangin

Pagkatapos i-save ang panalanging ito, ibahagi ito sa app upang manalanging kasama mo ang iyong mga Kaibigan!

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email