Saan ka dinadala ng iyong mga saloobin?

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.

MGA TAGA-ROMA 12:2

Isang Panalangin upang Baguhin ang Iyong Isipan

Diyos Ama, minsan kapag tinitingnan ko ang mundo sa paligid ko, ako ay nababalot ng pagkabalisa, at nagsisimulang umikot ang aking mga iniisip. O Diyos, tulungan Ninyo ako. Kailangan ko na baguhin Ninyo ang aking isipan.

Ang Inyong kaisipa’y hindi namin kaisipan, at ang Inyong kaparaanan ay mas mabuti kaysa sa akin. Nagbibigay Kayo ng pag-asa sa mga walang pag-asa at kalakasan sa nanghihina. Kayo po lamang ang may kakayanang baguhin ang aking isipan at paalalahanan ako ng aking layunin sa buhay.

Kaya ngayon, tulungan Ninyo akong gapiin ang bawat isipan habang ibinibigay sa Inyo ang aking mga alalahanin. Ipaalala Ninyo sa akin na kasama ko Kayo, at magpapatuloy Kayo sa pagtuturo at pagpapatnubay sa akin.

Payuhan Ninyo ako habang ako’y nagbubulay sa Inyong Banal na Salita, at tulungan po Ninyo akong ipamuhay ang Inyong mga katotohanan. Bigyan po Ninyo ako ng kalakasan na aking kailangan upang gawin kung ano ang tama, at tulungan Ninyo po akong unahin Kayo higit pa sa lahat—palagi.

Sa ngalan ni Jesus, Amen.

I-save ang Panalangin

Salamat sa Diyos para sa mga Makadiyos na Lalaki

Ama at Anak

Sa mga tatay na nagmalasakit sa mga oras ng paghihirap, at pumalakpak sa amin sa masasayang panahon…

Sa mga kalalakihang nagpakita sa amin kung ano ang ibig sabihin ng pagsusumikap at laging nariyan…

Sa mga modelong ama na nagbigay sa amin ng mga napapanahong payo at praktikal na pagtulong…

Sa mga lalaking patuloy na sumusuporta, nagpapasigla, at nagbibigay ng inspirasyon sa amin…

Salamat sa pagpapakita sa amin kung paano ang isang maka-diyos na ama. Nakikita ka. Tinawag ka. Pinahahalagahan ka. Minamahal ka.

Nawa ang natatanging Bersikulong Larawang ito ay magbigay ng lakas ng loob sa iyo:

Mga Kawikaan 20:7 Bersikulong Larawan

Ngayon—kung ikaw man ay ama o ina, tagapagturo, o mag-aaral—isipin ang mga modelong tatay na nagkaroon ng mabuting epekto sa buhay mo. Ipaalam sa kanila na pinahahalagahan mo sila sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Bersikulong Larawan na ito. Saglit na panahon lang ang kailangan mo upang magpakita ng paggalang at pasasalamat sa isang tao.

Ibahagi ang Bersikulong Larawan

Nais mo bang bumago ng buhay? Mamuhay nang bukas-palad.

Mag-asawang nakatingin sa telepono

Sapagkat kung saan naroroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso.

MATEO 6:21

Kung titingnan mo kung saan mo ginugugol ang iyong oras at mga pag-aaring yaman, ano ang ihahayag ng mga ito na iyong pinahahalagahan?

Dito sa YouVersion, ang aming misyon ay tulungan ang ating Komunidad na maranasan ang pagiging malapit sa Diyos araw-araw. Nais naming makita ang mga tao mula sa bawat bansa at wika na lumalapit araw-araw sa Diyos. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit nagbabahagi kami ng mga panalangin, mga aral sa video, at mga Bersikulong Larawan: upang maranasan ng mga tao sa buong mundo ang pag-ibig at katotohanan ng Diyos sa mga bago at personal na pamamaraan.

Hindi namin nais na may anumang pumigil sa mga katulad mo upang personal na makilala ang Diyos, na isa sa mga dahilan kung bakit ang YouVersion ay walang bayad sa tuwina.

Hangad namin na maranasan mo ang pag-ibig ng Diyos, baguhin nito ang iyong pinahahalagahan, at magbigay inspirasyon sa iyo upang mabuhay din na bukas-palad.

Kapag ibinabahagi mo kung ano ang binigay sa iyo ng Diyos, nagiging huwaran ka ng pag-ibig ng Diyos sa isang sirang mundo. Pinapalalim nito ang iyong malapit na ugnayan sa Diyos, at lumilikha din ito ng mga pagkakataon para sa ibang tao na lumapit sa Kanya.

Isipin mo lamang—ang iyong pagiging bukas-palad ay maaaring makaapekto sa buhay sa kawalang- hanggan ng isang tao.

Ang isang paraan upang malinang ang isang buhay na mapagbigay ay sa pamamagitan ng pagsuporta sa pananalapi sa ministeryo ng YouVersion. At kapag ginawa mo ito, nakikilahok ka sa isang bagay na may pangmatagalang halaga: ang pagtulong sa mga tao sa buong mundo na maranasan ang bukas-palad na pag-ibig ng Diyos.

Ngayon, pag-isipang hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung paano Niya nais na gamitin mo ang mga pag-aaring yamang ibinigay Niya sa iyo, at pagkatapos ay tunghayan Siyang matapat na paramihin ang iyong mga kaloob upang mapagpala ang iba.

Magbigay Ngayon

Nakapagbigay na sa YouVersion?
Pag-isipan ang pag-set up ng isang umuulit na kaloob.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano ang ibig sabihin ng pagiging isang Cristiano?

Taong nagdadasal sa harap ng isang lawa

Ngayong nagpasya kang sumunod kay Jesus … ano na ang susunod?

Lahat tayo ay may palagay kung paano ang pagsunod kay Jesus. Ngunit kung tayo ay magiging totoo sa ating mga sarili, ang ating mga pananaw ay madalas na naiimpluwensyahan ng ating mga pamantayan sa kultura, ng ating politika, ng ating pinagmulan, at kung ano ang kasalukuyang nangyayari sa paligid natin. Kung aalisin natin ang mga impluwensya sa labas, ano ba talaga ang magiging hitsura ng isang tagasunod ni Jesus?

Magbabago ang mga kultura at magbabago ang mga pamantayan, ngunit palaging ihahayag ng Salita ng Diyos kung ano ang ibig sabihin ng pagiging isang Cristiano.

Ngayon, ating suriin ang tatlong mga talata sa Biblia na makatutulong sa atin na maunawaan kung paano sumunod kay Jesus. Ang mga hakbang na ito ay hindi talagang isang kumpletong listahan, ngunit magbibigay ang mga ito ng isang pangkalahatang ideya ng kung ano ang ibig sabihin ng mamuhay tulad ni Jesus araw-araw.

Mahalin ang Diyos

“Guro, alin po ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong Kautusan ni Moises at ang katuruan ng mga propeta.”

MATEO 22:36-40

Ang talatang ito ay madalas na tinatawag na “Ang Pinakamahalagang Utos” dahil sa pamamagitan nito, malinaw na naibuod ni Jesus ang buong Batas sa Lumang Tipan. At lubusang naipakita ni Jesus ang utos na ito nang ibigay Niya ang Kanyang buhay para sa atin.

Ngunit bago tayo magpatuloy, mahalagang tandaan na ang utos na ito ay naglalaman ng tatlong bahagi: pagmamahal sa Diyos, pagmamahal sa iba, at pagmamahal sa iyong sarili. Ang mga pagkilos na ito ay magkakaugnay, at posible lamang kung hahayaan muna nating mahalin tayo ng Diyos. Kapag tinanggap natin ang pag-ibig ng Diyos sa atin, maaari na rin natin Siyang mahalin at hayaan Siyang baguhin ang pananaw natin sa ating mga sarili. At kapag natutunan nating makita ang ating sarili sa pananaw ng pag-ibig ng Diyos, nagsisimulang mahalin natin ang iba tulad ng pag-ibig sa atin ng Diyos. Kaya, kung nais nating sundin ang utos na ito, kailangan nating sundin ang halimbawa ni Jesus, at hanapin ang Diyos tulad ng ginawa ni Jesus:

Si Jesus ay sadyang gumugol ng panahong mapag-isa kasama ang Kanyang Ama, Siya ay nakikipag-usap sa Diyos palagi, at inuna Niya ang kalooban ng Diyos bago ang Kanyang sariling kagustuhan.

Para sa atin, ito ay maaaring paglalaan ng isang tukoy na oras bawat araw sa pag-aaral ng Salita ng Diyos at sa panalangin. Maaari nating dalhin ang lahat sa ating Ama sa langit. Maaari nating ibahagi ang ating mga damdamin sa Kanya, hilingin sa Kanya na mamagitan sa ating kalagayan, at ipagdiwang pa ang ating mga tagumpay kasama Siya. Maaari rin nating hilingin sa Kanya na ipakita sa atin kung paano tayo makakatulong na maihatid ang Kanyang kaharian sa mundo. Sa Diyos, walang hindi pwede — Nais niyang magkaroon ng oras kasama tayo.

Kapag inuuna natin ang pagkakaroon ng oras kasama Siya, mauunawaan natin kung sino Siya at kung ano ang nais Niya para sa atin. Binabago nito ang paraan kung paano natin mahalin ang ating sarili at ang ating kapwa.

At ang isa sa mga pinakamadaling paraan upang matutuhan kung paano magmahal ng iba ay suriin kung ano ang pag-ibig.


Mahalin ang kapwa

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man, hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa. Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan. Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas. Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba’t ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan.

1 MGA TAGA-CORINTO 13:4-8

Ang talatang ito ay isang tanyag na kahulugan ng pag-ibig, ngunit tinutukoy din nito ang Diyos dahil ang Diyos ay pag-ibig. Kaya, kapag iniisip natin kung ang ating buhay ay umaayon sa katangian ng Diyos, maaari nating gamitin ang talatang ito upang masukat ang ating mga kilos:

Dahil ang Diyos ay matiyaga sa atin, matiyaga ba tayo? Dahil pinatawad tayo ng Diyos, pinapatawad ba natin ang iba? Dahil hindi naniningil ang Diyos sa ating mga pagkakamali, hindi ba tayo nagkikimkim ng mga sama ng loob?

Hindi ito nangangahulugang palagi natin itong magagawa, ngunit ang pagtatanong sa ating mga sarili ng mga katanungang ito ay makakatulong sa atin upang matukoy kung tayo ay napapalapit o napapalayo sa Diyos.

Kung ang ating mga saloobin ay patuloy na mapagmalaki, kung ang ating mga salita ay patuloy na nakasasakit, kung ang ating mga aksyon ay patuloy na makasarili, malamang na hindi natin sinusunod ang utos ni Jesus na ibigin ang Diyos at ang ating kapwa. At kung hindi natin ito ginagawa, maaari tayong na kay Jesus—ngunit hindi ito nangangahulugang sumusunod kay Jesus.

Sa kabutihang palad, kapag tayo ay mas naglalaan ng oras kasama ni Jesus, mas magiging katulad Niya ang mga kilos natin.


Gumawa ng mga Alagad

“Ibinigay na sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. Kaya’t habang kayo’y humahayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat ng bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Turuan ninyo silang sumunod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”

MATEO 28:18-20

Habang si Jesus ay umaakyat sa langit, sinabi Niya sa Kanyang mga tagasunod na gawing alagad ang iba. Ang orihinal na salitang Griyego na isinalin bilang “gumawa ng mga alagad” ay matheteuo, na nangangahulugang “sanayin.”

Hindi sinasabi ni Jesus, “humayo at pilitin ang mga tao na maging mga alagad.” Sinasabi Niya, “habang ikaw ay namumuhay, sanayin at turuan ninyo ang mga tao na sundin Ako, tulad ng itinuro Ko sa inyo na sundin Ako.”

Maaari itong pakikipagkaibigan sa barista na gumagawa ng iyong kape. Maaaring mangahulugan ito ng pagbili ng pagkain para sa isang tao upang ipaalam sa kanya na siya ay mahalaga. O di kaya’y, maaari itong pag-aalaga sa iyong mga anak at pakikitungo sa kanila nang may pag-ibig at pagmamahal.

Sinumang inilalagay ng Diyos sa harap mo, ipakita sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng pagsunod kay Jesus. At sa bawat sitwasyon, hayaang maimpluwensyahan ang iyong mga kilos ng iyong pag-ibig sa Diyos at sa kapwa.

Alin sa mga hakbang na ito ang kailangan mong pagtuunan sa linggong ito? Pumili ng isa, at hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung paano ito isasagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano ang hinahanap mo?

Hanapin ang

Hanapin ang Diyos … at matatagpuan mo Siya.

Anuman ang sitwasyon mo ngayon, habang sinasanay mong mabuti ang sarili mo sa Salita ng Diyos, mananatili ka sa pag-ibig ng Diyos. At ang pananatili mo sa pag-ibig ng Diyos ang babago sa pananaw mo sa iyong sarili at sa mundong kinaroroonan mo.

Kaya’t anong hinahanap mo ngayon?

Anumang mga katanungan ang mayroon ka, anumang mga sagot ang kailangan mo, anumang pag-asa ang hinahanap mo — lumapit sa Diyos kung nasaan ka ngayon sa pamamagitan ng isang Gabay sa Biblia, at hayaan mong ang Kanyang mga salita ang bumago sa pagtingin mo sa iyong sarili at sa mundong kinaroroonan mo.

Tumingin ng iba pang mga Gabay