Mga Tampok na Gabay sa Setyembre

Mga Gabay sa Panalangin

Ano ang pumipigil sa iyo na manalangin sa paraang gusto mo?

Tinanong namin ang tanong na ito sa ilan sa aming Komunidad at nalaman namin na maraming gustong manalangin ngunit nahihirapang magtuon, walang oras, o hindi alam kung saan magsisimula.

Ganyan din ba ang nararamdaman mo?

Tuklasin kung paano mo mapapalalim ang iyong relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin gamit ang mga Gabay na ito.

Maghanap ng Higit pang mga Gabay


Habang lumalapit ka sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, tanungin mo Siya kung paano ka mamumuhay ng bukas-palad.

Kapag nagbigay ka sa YouVersion, tinutulungan mo ang milyun-milyong tao na maranasan ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos—tulad mo.

Magbigay ng kaloob >


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Maging bahagi ng kuwento ng isang tao…

Taong nakangiti

“Akala ko nakakabagot at mahirap intindihin ang Biblia.”

MARSHA, USA

Natagpuan mo na ba ang iyong sarili na nahihirapang kumonekta nang tunaysa Salita ng Diyos?

Naniniwala si Marsha sa Diyos ngunit nahihirapan pa rin siyang kumonekta sa Kanya sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan.

Pero nagbago ang lahat nang matuklasan niya ang Bible App at ang 3,000 na bersyon nito. Sa pamamagitan ng paghahambing ng mga bersyon, ang Salita ng Diyos ay nabuhay.

“Nakakapagbasa na ako at nakakatutok nang maayos sa Diyos at sa Kanyang Salita. Hindi ko na nakikita ang Diyos bilang isang karakter sa isang libro. Totoo na ang Diyos sa akin. Nakikita ko Siya bilang Aking Ama, at ang Kanyang mga kuwento ay totoo.”

Binabago ng Salita ng Diyos ang buhay ni Marsha, at binabago nito ang buhay ng mga nakapaligid sa kanya.

Ang iyong pagkabukas-palad ay makakatulong sa mas maraming taong tulad ni Marsha na maranasan ang kapangyarihan ng Salita ng Diyos.

Kapag nagbigay ka ng regalo na US$40, ginagawa mong posible para sa 200 tao na mag-download ng Bible App at maranasan ang Salita ng Diyos.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

“Mahalaga ba talaga ang ginagawa ko?”

Tao

Naramdaman mo na ba na ang iyong pagsusumikap ay hindi napapansin o hindi nakagawa ng pagkakaiba?

Si Haring David ang tanging tao sa Biblia na tinatawag ng Diyos na isang taong mula sa Kanyang puso. Ngunit kahit si David ay nakadama na hindi siya napapansin.

Nang sabihin ng Diyos kay Samuel na papahiran ng langis ang susunod na hari ng Israel, nakipagkita si Samuel kay Jesse at sa kanyang mga anak. Bawat isa sa mga anak ni Jesse ay may mga katangian ng isang mabuting hari, ngunit hindi pinili ng Diyos ang sinuman sa kanila.

“… sinabi ng Panginoon kay Samuel, ‘Huwag mong tingnan ang tangkad at ang kakisigan niya dahil hindi siya ang pinili ko. Ang Panginoon ay hindi tumitingin na gaya ng pagtingin ng tao. Ang taoʼy tumitingin sa panlabas na kaanyuan, ngunit ang Panginoon ay tumitingin sa puso.’”

1 Samuel 16:7

Sinabi ni Jesse na may natitira pa siyang anak, si David, na nagbabantay sa mga tupa. Noong panahong iyon, ang mga pastol ay itinuturing na hindi malinis at marumi, kaya marahil ay hindi inanyayahan si David. Ngunit kahit na hindi siya napansin ng iba, pinili ng Diyos si David para pamunuan ang Israel.

Kahit noong hindi nakikita si David, nakita siya ng Diyos—gaya ng pagkakakita Niya sa iyo ngayon.

Kung magagamit ng Diyos si David, isang ordinaryong pastol, upang gumawa ng mga kamangha-manghang bagay, maaari ka rin Niyang gamitin.

Kung ano ang ginagawa mo kapag walang nakakakita ay huhubog sa iyo sa kung sino ka ginawa ng Diyos at inihahanda ka para sa mga plano Niya para sa iyo.

Gaya ni David, patuloy na masigasig na ilagak ang iyong pananampalataya sa Diyos. Tandaan, kahit na pakiramdam mo ay hindi ka pinahahalagahan, maaari kang magtiwala na nakikita ka ng Diyos, mahal ka, at pinahahalagahan ka.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

“Paano ko malalaman kung sapat na ako?”

Nakatakip na kamay sa araw

Sa mundong naghahanap ng pagkakakilanlan at layunin, madalas tayong naghahanap ng katiyakan na ang ginagawa natin at kung sino tayo ay sapat na.

Ngunit hindi talaga tayo sigurado kung ito nga.

Sa lahat ng ingay sa paligid natin, maaaring maalis ang ating pansin sa Diyos at makalimutan ang sinasabi Niya tungkol sa atin.

Anuman ang mga gumagambala na kinakaharap mo, kapag alam mo ang Salita ng Diyos, maaari kang magtiwala na ito ay totoo—kahit na hindi mo laging nararamdaman na ito ay totoo. At narito ang sinasabi ng Salita ng Diyos tungkol sa iyo:

Kaya, paano natin malalaman kung tayo ay sapat na?

Hindi—hindi sa ating sarili. Ngunit iyon ang kagandahan ng mabuting balita ni Jesus.

Labis kang mahal at pinahahalagahan ng Diyos kaya ipinadala Niya si Jesus para maligtas ka. Sa ating sarili, hindi tayo sapat, ngunit sa pamamagitan ni Jesus, tayo ay sapat.

Kapag nagdududa ka sa iyong halaga, tandaan ito: Mas kilala ka ng Diyos kaysa ninuman dahil nilikha ka Niya. At kung sino ang sinasabi Niyang ikaw ay sapat na.

Ngayon, hilingin sa Diyos na tulungan kang magtiwala sa Kanyang Salita at kung ano ang sinasabi Niya tungkol sa iyo ay totoo.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano ang gagawin mo kapag ang buhay ay parang walang katiyakan?

Taong may hawak na mga dahon

Nangyayari ang pagbabago.

Ngunit sa gitna nito, tandaan ito: Ang Diyos ay hindi nagbabago, at ang Kanyang mga pangako ay totoo.

Anumang pagbabago na iyong tinatahak, ang Bible App ay may mga Gabay na makakatulong sa iyong manatiling nakasalig sa hindi nagbabagong katotohanan ng Salita ng Diyos.

Iugat ang iyong sarili sa Banal na Kasulatan at alalahanin ang pag-asa na mayroon ka sa Diyos—anuman ang iyong mga kalagayan.

Buuin ang iyong kagawian sa Biblia gamit ang isa sa mga Gabay na ito:

Maghanap ng Higit pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Magbigay ng kaloob ngayon upang matulungan ang mas maraming tao na kumonekta sa Diyos at magkaroon nang mas malalim na pag-unawa sa Kanyang Salita.

Magbigay ng Kaloob >