Suportahan ang Misyon: Ipagdiwang ang 15 Taon ng Impluwensya!

Naaalala mo ba ang unang beses mong basahin ang Salita ng Diyos at binago nito ang iyong buhay?

Dahil sa Bible App, ang mga tao sa buong mundo ay nababago ng Salita ng Diyos araw-araw.

Sa nakalipas na 15 taon, nakita namin ang…

  • 1,965 na naidagdag na wika ng teksto ng Biblia
  • 139 milyong Mga Panalangin na nalikha
  • 575.7 milyong pag-install ng app
  • 1.1 bilyong mga Bersikulong Larawan ang ibinahagi
  • 16 bilyong mga Haylayt, Bookmark, at Tala ang ginawa sa mga bersikulo

Ang Bible App ay, at palaging magiging, libre—ngunit ang epekto ng ministeryong ito ay hindi magiging kung ano ito kung wala ang pagiging bukas-palad ng aming Komunidad sa YouVersion.

Sumali sa kilusan upang maabot ang bawat isa, bawat lugar, bawat isang araw.

Kapag nagbigay ka ng kaloob na US$40, ginagawa mong posible para sa 200 tao na ma-download ang Bible App.

Magbigay Ngayon

Nakagawa ang Diyos ng mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng Bible App, ngunit bilyun-bilyong tao pa rin ang hindi nakakaranas ng kapangyarihang makapagpabago ng buhay ng Salita ng Diyos.

Ngayon, tulungan kaming magpatuloy na dalhin ang Salita ng Diyos sa bilyun-bilyong tao sa susunod na 15 taon.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Hindi pa huli ang lahat upang sumali!

Gitnang-Taong Paghamon

Huwag palampasin ang pagkakataong ito…

14 na araw na lang ang natitira sa Gitnang-Taong Paghamon!

Makuha ang eksklusibong 2023 Badge sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang Araw ng Gabay sa loob ng 7 araw na magkakasunod ngayong buwan.

Maging maganda man ang takbo ng buhay o wala ka sa kung saan mo inaasam, matutugunan ka ng Salita ng Diyos kung nasaan ka man. Tutulungan ka ng Paghamon na ito na palalimin ang iyong relasyon sa Diyos habang kumokonekta ka sa Kanyang Salita araw-araw.

Sumali na bago pa mahuli ang lahat! Pumili ng Gabay:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ating ipagdiwang ang 15 taon ng Bible App!

15

Paano ginamit ng Diyos ang Bible App upang maapektuhan ang iyong buhay? Marahil ito ay isang Bersikulo ng Araw na nangusap sa iyo sa isang mahirap na panahon, o isang panalangin na binasa mo sa tamang oras.

Samahan kami na ipagdiwang ang ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng Bible App sa nakalipas na 15 taon sa pamamagitan ng panonood sa espesyal na video na ito mula sa ating tagapagtatag at CEO, si Bobby Gruenewald.

(Upang mapanood ang video na ito sa iyong wika, pumunta sa mga setting ng video (gear icon), pindutin ang “Mga Subtitle/CC,” at piliin ang iyong wika.)

Buhay ang Salita ng Diyos—at binabago nito ang milyun-milyong buhay tulad ng sa iyo.

Mula nang ilunsad ito noong 2008, ang Bible App ay lumago mula sa 83,000 download hanggang mahigit kalahating bilyon sa buong mundo, at ito ang pinakamatagal na gumaganang Biblia sa App Store.

Ang nagsimula bilang isang ideya sa isang paliparan ay naging isang pandaigdigang kilusan na naghahatid ng Banal na Kasulatan sa mga tao sa buong mundo na hindi pa nagawa kailanman.

Ngayon, ang mga tao mula sa lahat ng bansa at wika ay gumagamit ng Bible App upang mas mapalapit sa Diyos araw-araw. At isa ka sa kanila!

Simulan ang buong taong pagdiriwang sa pamamagitan ng pagbabahagi ng malaki at mahalagang pangyayaring ito sa social media!

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Simulan ang Gitnang-Taong Paghamon!

Gitnang-Taong Paghamon Badge

Nasa kalahati ka na ng taon…

Maging maganda man ang buhay o hindi ito ayon sa inaasahan mo, hindi ka nag-iisa.

Nasaan ka man, narito ang Paghamon sa Gitnang-Taon para tulungan ka!

Sumali sa Paghamon sa Gitnang-Taon at magkamit ng iyong eksklusibong Badge sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang Araw ng Gabay sa loob ng 7 araw na sunud-sunod ngayong Hulyo.

Handa nang magsimula? Pumili ng Gabay:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Isang Panalangin para sa Isang Mapagbigay na Puso

Taong nakangiti

Ano ang iyong pinakamahalagang pag-aari? Walang masama sa pagkakaroon ng mga pag-aari, o sa pagtangkilik sa mga ito. Dumarating ang problema kapag ang ating mga pag-aari ang nagmamay-ari sa atin.

Sa kabutihang palad, ang Diyos ay nagpakita ng ibang paraan ng pamumuhay nang isakripisyo Niya ang Kanyang pinakadakilang kayamanan para sa atin. Ang kanyang pagiging bukas-palad ay masakripisyo at kontra-sa-kultura.

Kapag nagbibigay tayo tulad ng ginagawa ng Diyos, at pinararangalan natin Siya sa pamamagitan ng pagbibigay na iyon, mas pinalalapit tayo nito sa Kanya. Nagdudulot ito sa atin na huminto sa pagtingin sa ating sarili, at magsimulang tumingin sa iba. Habang mas lumalapit tayo sa Diyos, mas magsisimulang sumasalamin sa Kanya ang ating mga prayoridad at pagpapahalaga.

Kaya, paano ka namumuhay nang bukas-palad? Nagsisimula ito sa paghiling sa Diyos na bigyan ka ng mapagbigay na pag-iisip. Kung hindi ka sigurado kung paano gawin iyon, subukang ipanalangin ang dasal na ito.


O Diyos,

Salamat sa pagpapakita Niyo sa akin kung ano ang pagiging bukas-palad. Inaamin ko na minsan madali para sa akin na magtuon sa mga bagay na walang kwenta. Ngunit ngayon, sumusuko ako sa Iyong kalooban, nagtitiwala sa Iyo nang buong buo. Baguhin ang paraan ng pag-iisip ko, at bigyan ako ng mapagbigay na puso. Ipaalam sa akin ang mga mapagkukunan na mayroon ako, at kung paano ko magagamit ang mga ito upang maglingkod sa iba. Tulungan Niyo akong mamuhay ng isang buhay na nagpapala sa iba gaya ng saganang pagpapala Niyo sa akin.

Sa ngalan ni Jesus,

Amen.


Kapag sumuko ka sa Diyos sa pamamagitan ng pamumuhay nang bukas-palad, nagbabago ito ng mga buhay.

Ang isang kaloob na $40 US ay tumutulong sa amin na ibigay ang Bible App sa 200 tao—iyon ay 200 tao sa buong mundo na ang buhay ay magbabago magpakailanman sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Salita ng Diyos.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email