Pagababalik-Tanaw sa 2019:

2019

Lumalalim,
Lumalapit.

Mga linya ng topograpikong mapa

Alalahanin mo ang mga pakikibaka at tagumpay na iyong naranasan sa taong ito. Paano ipinakita ng Diyos ang Kanyang sarili sa mga sandaling iyon?

Kami ay nasasabik tungkol sa lahat ng gagawin ng Diyos sa pamamagitan ng YouVersion sa 2020. (Manatiling nakatutok: Malalaking mga bagay ang darating!) Ngunit para sa ngayon, sandali tayong magnilay tungkol sa mga makapangyarihang pagkilos ng Diyos sa ating pandaigdigang Pamayanan ng YouVersion sa panahong 2019:

Dalawang babaeng nakatingin sa telepono

Mga Ugnayang
Naibalik

MfonNigeria

Dumaan sa isang pagsubok ang buhay may-asawa ni Mfon, kaya tumakas siya palayo rito. Sa kanyang pagpasok sa trabaho sa bawat araw, sinimulan niyang magbasa ng mga Gabay sa Biblia tungkol sa pag-aasawa sa Bible App. Habang pinag-aaralan ni Mfon ang Salita ng Diyos, lumambot ang kanyang puso, at napagtanto niyang may pag-asa pa ang kanilang pagsasama. Dahil sa naliwanagan siya ng Salita ng Diyos, muli silang nagka-ayos ng kanyang asawa.

…Ngunit hindi pa doon natatapos ang kuwento ni Mfon…

Isang araw, isang babae na madalas na nakaupo sa likuran niya sa bus ay lumapit kay Mfon at nagsabi na nagbabasa rin siya sa Bible App mula sa balikat ni Mfon. Ang babaeng ito ay may pinagdadaanan rin sa kanyang buhay may-asawa, ngunit ang isa sa mga Gabay ni Mfon ay tumagos sa kanyang puso, at pinatawad niya ang kanyang asawa. Dahil sa desisyon ni Mfon na basahin ang mga Gabay sa Biblia, dalawang buhay may-asawa ang nakararanas ngayon ng pagpapanumbalik.

Makapangyarihan ang kwento ni Mfon, ngunit isa lamang ito sa marami. Ang bawat Araw ng Gabay na nakumpleto sa taong ito ay kumakatawan sa isang buhay na ang Diyos ay nasa proseso ng pagbabago ng:

1.1

Nakumpletong mga Araw ng Gabay noong 2019.

Babaeng nakikinig sa telepono

Nawalan ng Paningin… at Nakanap ng Tunog

AliceEstados Unidos

Noong 2014, nasuri si Alice na may early-onset macular degeneration at idineklara na legal na bulag. Wala nang kakayahang magbasa, kinailangan ni Alice na maghanap ng ibang paraan upang lumapit sa Diyos. Natuklasan niya na sa tamang ilaw, kaya niyang gumamit ng isang tablet. At doon ay nagsimulang matagpuan ni Alice ang mga audio na Biblia sa YouVersion. Nagsimula siyang makinig tuwing gabi. At sa kanyang mas madalas na pakikinig, mas nabuhay ang Salita ng Diyos para sa kanya, na nagdala sa kanya sa mas malalim na pag-unawa sa Diyos.

Ngayon ay naniniwala si Alice na dapat naririnig ang Biblia. At sa kabutihang palad, pinadadali ng mga audio na Biblia na marinig ang Salita ng Diyos — kailan man, saan man.

5.6

Mga Audio ng mga Kabanata na pinakinggan noong 2019.

Paano natin mauunawaan ang mga malalaking numero na ito tulad ng nasa ibaba? Sa pamamagitan ng pag-unawa kung ano ang tunay nilang kinakatawan: mga sandaling lumapit ang mga tao sa Diyos, at mga sandaling hinipo Niya ang kanilang mga puso. Magbunyi tayo at mangakong tatapusin ang 2019 nang malakas!

Icon ng Basahin

Mga Kabanata ng Biblia na Binasa

Icon ng Bookmark

Mga Haylayt, Bookmark, at Tala

Icon ng Ibahagi

Mga Bersikulo na Ibinahagi

Ang Pagtaas ng Paggamit ng Biblia ayon sa Bansa:

Mapa ng pagtaas ng paggamit ng Biblia ayon sa bansa

Ang mga bansang ito ay nagpakita ng pinakamalaking pagtaas sa paggamit ng Bibliia noong 2019.


2019 Bersikulo ng Taon:

Mga Taga-Filipos 4:6

“Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.”

Ang bersikulo ng Biblia na ibinahagi, ibinookmark, at madalas na hinaylayt ng pandaigdigang Pamayanan ng YouVersion.

Bersikulong Larawan na Pinakamaraming Beses na Ibinahagi Ayon sa Wika:

Bersikulong Larawan ng Mga Awit 103:13 Bersikulong Larawan ng Mga Taga-Efeso 4:26 Bersikulong Larawan ng Mga Awit 56:3
English Filipino Espanyol
Mga Awit 103:13 Mga Taga-Efeso 4:26 Mga Awit 56:3
Bersikulong Larawan ng Isaias 40:31 Bersikulong Larawan ng Mga Awit 103:13 Bersikulong Larawan ng 1 Pedro 4:8
Koreano Portuges Hapon
Isaias 40:31 Mga Awit 103:13 1 Pedro 4:8
Bersikulong Larawan ng Mga Awit 103:13 Bersikulong Larawan ng 1 Mga Taga-Corinto 13:13 Bersikulong Larawan ng Mga Awit 103:13
Pranses Italyano Romanian
Mga Awit 103:13 1 Mga Taga-Corinto 13:13 Mga Awit 103:13
Bersikulong Larawan ng Juan 11:25 Bersikulong Larawan ng Mga Awit 102:13 Bersikulong Larawan ng 1 Mga Taga-Corinto 13:4
Aleman Ruso Dutch
Juan 11:25 Mga Awit 102:13 1 Mga Taga-Corinto 13:4
Bersikulong Larawan ng Mga Awit 46:1 Bersikulong Larawan ng Mga Taga-Filipos 4:6 Bersikulong Larawan ng Mga Awit 103:13
Intsik Indonesian Afrikaans
Mga Awit 46:1 Mga Taga-Filipos 4:6 Mga Awit 103:13

Ang mga Bersikulong Larawan mula sa Biblia na pinakamaraming beses na ibinahagi sa 2019 ayon sa wika sa buong pandaigdigang pamayanan ng YouVersion.


Tuklasin ang Iyong Kuwento

Lahat tayo ay mayroong kuwentong maibabahagi.

Tingnan kung paano ka napalapit sa Diyos sa pamamagitan ng YouVersion Bible App ngayong taon — gamit ang isang isinapersoal na 2019 Bible App Snapshot!

Tayo’y magdiwang sa ginagawa ng Diyos sa iyong buhay:

Tingnan ang Snapshot

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Paano kung ang iyong susunod na desisyon ay mag-iiwan ng isang pamana?

Mga bukas na kamay

Anong maaari mong gawin upang gawing isang mas mabuting lugar ang mundo?

Iukol ang iyong sarili sa
mas mahalagang bagay.

Ngayon ay Giving Tuesday, isang pagkilos kung saan ang mga tao ay nagbibigay para sa isang layunin na pinagmamalasakitan nila at upang pukawin ang ibang tao sa pagkilos.

Ang mga tao sa buong mundo ay nakakaranas na ng nakapagpapabago ng buhay na kapangyarihan ng Salita ng Diyos: ang Bible App ng YouVersion ay na-install na sa halos 400 milyong magkakaibang device. Iyan ay ilang milyong mga tao na pinalalapit ng Diyos sa Kanya… at simula pa lamang iyan.

Sa isang pindot lang, makakatulong kang magkaroon ng pangwalang hanggang epekto sa henerasyong ito at sa mga susunod pa.

Sumali sa pandaigdigang kilusan ng YouVersion sa pamamagitan ng pagbibigay, at pagkatapos ay ibahagi ang inyong kuwento sa social media sa pamamagitan ng hashtag na #GivingTuesday. Hikayatin mo ang iyong mga kaibigan at pamilyang sumama sa iyo, at sama-sama nating palakasin ang sambayanan ni Cristo:

Magbigay Ngayon

Isang Regalong Pang-Adbiyento para sa Iyo:

Bituin ng Kapaskuhan

Isipin mo ang isang gabing tahimik na may maraming bituin at ikaw ay nasa parang na napapalibutan ng mga tupa. Nang biglaan ay may isang malaking hukbo ng mga anghel ang lumitaw at sinasabi sa iyo na, pagkatapos ng 400 taong paghihintay, ang pag-asa ng sanlibutan ay naisilang na – isang sanggol na tatawaging Emmanuel, “Kasama natin ang Diyos.”

Magsisimula ngayon ang araw ng Adbiyento, Disyembre 1, na nagbibigay sa atin ng apat na linggo upang pagnilayan ang pag-asa, kapayapaan, kagalakan, at pag-ibig na hatid ng pagsilang ni Jesus sa mundo.

Habang tayo ay papalapit sa Pasko, sa bawat Linggo ng Adbiyento ay magpapahayag kami ng isang panalangin tungkol sa tema ng adbiyento ng linggong iyon. Ang tema ng linggong ito ay pag-asa: ang pagtitiwala at paghihintay na tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako.

Pagnilayan ang mga pangako ng Diyos at maglaan ng sandali upang i-ayon ang iyong puso kay Jesus sa panalanging ito.

Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-asa:

Diyos, habang papasok kami sa Disyembre, kami ay panandaliang titigil at magninilay sa lahat ng Iyong nagawa sa aming mga buhay, sa aming mga pamilya, at sa aming mga pamayanan.
Pinupuri Ka namin dahil Ikaw ang Diyos na nagliligtas. Ikaw si Emmanuel, kasama natin ang Diyos.
Nagpapasalamat kami na ang pag-asa namin ay nasa Iyo, at hindi sa mga pagkakataon o sa mga tao.
Dahil kami ay umaasa sa Iyo, natitiyak namin na tutuparin mo ang Iyong mga pangako sa amin.
Ipaalala mo sa amin ngayon kung ano ang tunay na mahalaga. Ituon mo ang aming mga puso sa Iyo. Tulungan mo kaming makita na Ikaw ay may ginagawa sa kalagitnaan ng aming paghihintay.
Mas ilapit mo kami sa Iyo ngayong panahon ng Kapaskuhan, at ihanda Mo ang aming mga puso para sa katuparan ng Iyong mga pangako.
Amen.


Gawing bahagi ng iyong tradisyon sa Pasko ang Panalanging Pang-Adbiyento sa pamamagitan ng pagbisita rito bawat Linggo. Samantala, patuloy na pagnilayan ang kapanganakan ni Jesus sa pamamagitan ng pagsisimula ng isang Gabay na Pang-Adbiyento:

Noel: Ang Pasko ay Para sa Lahat
Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko
Paglalakbay Tungo sa Sabsaban
Ang Lahat ay Mapayapa: Pagtanggap sa Kapahingahan ni Jesus Ngayong Kapaskuhan
Ang Pag-asa ng Pasko
Naghihintay Dito Para sa Iyo, Isang Adbiyentong Paglalakbay ng Pag-asa
Ang Pagdating: Si Cristo ay Parating Na!
Kaligayahan! sa Iyong Mundo! Isang Pagbibilang Hanggang Sumapit ang Pasko

Unang Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-asa
Ikalawang Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kapayapaan
Ikatlong Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Kagalakan
Ika-apat na Linggo – Isang Panalanging Pang-Adbiyento sa Pag-Ibig

Tumingin Pa ng mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Maging matalino sa pagpili ng iyong mga kaibigan.

Mga magkakaibigang nakatayo

“Ito ang aking utos: magmahalan kayo gaya ng pagmamahal ko sa inyo. Walang pag-ibig na hihigit pa kaysa pag-ibig ng isang taong nag-aalay ng kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan.”

JUAN 15:12-13

Pamayanan — isang lupon ng mga indibidwal na nagkakaisa sa pakikisama, pagbabahagi ng mga saloobin, mga hilig, at mga layunin.

Sumulyap ka sa iyong kaliwa, tapos naman ay sa iyong kanan. Sino’ng mga kasama mo? Sila ba ay itinuturing mong mga kaibigan? Ang mga oras ba na ginugugol ninyong magkakasama ay nagpapabuti sa inyo bilang mga tao? O ang mga bagay na inyong ginagawa nang magkakasama minsan ay humahantong sa pagsisisi?

Ang nakikisama sa may unawa ay magiging matalino, ngunit ang kasama ng mangmang ay masusuong sa gulo.

MGA KAWIKAAN 13:20

Ang mga relasyon ay parang sustansya sa ating kaluluwa. Nagbibigay kalusugan ba ang mga taong malapit sa iyo? O kayo ba ay nagpapakalabis sa mga junk food? Ikaw ay direktang naiimpluwensiyahan ng mga taong lagi mong kasama. Kahit na pakiramdam mo na naiiba ka sa kanila ngayon, sa limang taon… ay hindi na.

…upang hindi magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, at sa halip ay magmalasakit sa isa’t isa. Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat. Kayo ngang lahat ang iisang katawan ni Cristo, at bawat isa sa inyo ay bahagi nito.

1 MGA TAGA-CORINTO 12:25-27

Ginawa tayo ng Diyos nang nangangailangan sa bawat isa. Tayo ay may iba’t ibang kakayahan at kalakasan, iba’t ibang kabiguan at kahinaan. Kapag tayo ay nagsama-sama, maaari nating patnubayan ang isa’t isa, magtulungan, hikayatin ang bawat isa, at hamunin na rin ang isa’t isa na lumago.

Ito ang 3 simpleng mga bagay na maaari mong gawin upang pasimulan ang iyong pamayanan:

Tumawid ng Kalsada

Kilala mo ba ang iyong mga kapitbahay? Kung nakatira ka sa parehong lansangan, o kahit sa parehong gusali, mayroon na kayong pagkakapareho. Huwag mo masyadong isipin ito. Mahal ni Jesus ang iyong kapitbahay. Marahil na ikaw rin… at hindi mo lang alam sa ngayon.

Hamon: Magsimula ng isang pag-uusap sa pakikipag-kamay at magsabi ng, “Paumahin, hindi pa ata tayo nagkakakilala. Ako ay si _____. Ikaw?” Kahit ikaw ay nahihiya, kailangan mo lamang lakasan ang iyong loob ng 30 segundo.

Magbahagi ng isang Karanasan

Lahat tayo ay may mga bagay na dapat pag-usapan, mga hamon na mas mauunawaan kung pinag-uusapan. At lahat tayo ay mayroong maiaalay, kahit isang tainga na handang makinig.

Hamon: Mag-imbita ng isang kaibigan upang gumawa ng isang bagay nang magkasama: pagsaluhan ang isang pagkain, gumawa ng isang proyekto, o kahit maglakad nang sabay. Mag-usap tungkol sa kahit na ano. Maging tapat, at maging totoo.

Mag-imbita ng Malalim na mga Pagkakaibigan

Tayo ay paulit-ulit na pinaaalalahanan ng Biblia na kailangan natin ng mga tao na ating mapagkakatiwalaan: Mga malalapit na kaibigan na hihikayat sa iyo, magbibigay-inspirasyon sa iyo, hahamon sa iyo, magmamahal sa iyo, at magdarasal para sa iyo. At kailangan ka rin nila upang gawin ang mga ito para sa kanila.

Hamon: Mag-imbita ng isang kaibigan (o 3) upang samahan ka sa Bible App, pagkatapos ay magbasa ng isang Gabay nang magkasama.

Maghanap ng mga Kaibigan

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Kaya nga, sa lahat ng pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.

MGA TAGA-GALACIA 6:10

I-unlock ang mga bagong-bagong Badge!

Mga Badge

“Nais kong mapalapit sa Diyos, ngunit…”

May mga araw, na pakiramdam mo ay para bang nagkakaisa ang lahat ng pangangailangan ng buhay upang matalo ka. Ngunit, ang paghahanap sa Diyos sa Kanyang Salita ay may kapangyarihang magbigay ng positibong pagbabago sa iyong buhay. Paano mo hahanapin ang pang-araw-araw na ritmong iyon? Sa pamamagitan ng pagtatakda ng maliliit, at madadaling makamit na mga layunin… at paggawa sa mga ito nang isa-isa.

Ipinapakilala
Ang Mga Bagong-Bagong Badge

May isang partikular bang bersikulo mula sa Biblia ang tunay na nangusap sa iyong puso? I-haylayt mo ito, at ma-a-unlock mo ang Haylayt Badge! Patuloy na mag-haylayt, at ika’y “mag-le-level up” sa bawat pagkakataon na maabot mo ang susunod na milestone. Subukan mo rin ito sa mga Bookmark, at i-unlock at i-level up ang iyong Bookmark Badge!

Mga Badge

Tulungan ang iyong sarili.

Kumpletuhin ang isa sa aming taunang hamon (tulad ng Pamaskong Hamon), at magkakaroon ka ng Badge. Mag-subscribe sa isang Gabay sa Biblia, at ma-a-unlock mo ang Badge sa Suskripsyon sa Gabay. Tapusin ang Gabay na iyon, at ma-a-unlock mo ang Badge sa Pagkumpleto ng Gabay. Patuloy na magsimula at magtapos ng mga Gabay, at pareho mo itong male-level up.

Mga Badge sa Profile

Gumawa ng momentum.

Ipakikita ng iyong home feed ang iyong pagsulong sa mga Badge. Magpunta sa iyong profile upang makita ang lahat ng mga Badge na kasalukuyan mong na-unlock…at kung ano pang mga Badge ang maaari mong makuha. Sa sandaling mahikayat mo ang iyong sarili sa paggawa ng ilang maliliit na Badge, baka sakaling mabigyan-inspirasyon ka rin nitong makuha ang Badge para sa Pagkumpleto ng Biblia.

Mga Badge sa Community Feed

At magbigay inspirasyon sa iba.

Makikita ng iyong mga kaibigan ang iyong mga Badge sa kanilang mga feed, o maaari mong ibahagi ang iyong paglalakbay at imbitahin silang salihan ka, sa social media o sa teks. At, kapag nakita mo ang pagsulong ng Badge ng iyong kaibigan sa iyong feed, maaari mo itong i-like o lagyan ng komento upang hikayatin sila.

Tara na at magsimula:

I-update Ngayon