Sino ang gusto mong maging sa taong ito?

Magkakaibigan na nasa telepono

Ang bawat positibong pagbabago na gusto mong makita sa buhay mo ay nagsisimula sa pagkilala sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Ang Biblia ay naghahayag ng katangian ng Diyos at binibigyan tayo ng karunungan kung paano mabuhay. Kaya habang hinahangad na lumago—hanapin muna ang Diyos. At ang isang madaling paraan na magagawa mo ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng Arawang Pampasigla.

Ang Arawang Pampasigla ay isang interaktibong karanasan na idinisenyo upang tulungan kang mapalapit sa Diyos sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan habang kinukumpleto mo ang pang-araw-araw na pagtuturong palabas, akda para sa pagninilay, at mga gabay na panalangin.

Anumang mga gawi ang gusto mong baguhin, o mga ugali na gusto mong linangin sa taong ito, nagsisimula ang lahat ng ito sa Biblia.

Kumpletuhin ang Arawang Pampasigla

Simulan ang iyong unang Streak sa Arawang Pampasigla para sa 2024!

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Mga Awit 23: Si Yahweh ang aking pastol

1  
Si Yahweh ang aking pastol, hindi ako magkukulang

2  
pinapahimlay niya ako sa luntiang pastulan, at inaakay niya sa tahimik na batisan.

3  
Pinapanumbalik ang aking kalakasan, at pinapatnubayan niya sa tamang daan, upang aking parangalan ang kanyang pangalan.

4  
Dumaan man ako sa madilim na libis ng kamatayan, wala akong katatakutan, pagkat ika’y aking kaagapay. Ang tungkod mo at pamalo, aking gabay at sanggalang.

5  
Ipinaghahanda mo ako ng salu-salo, na nakikita pa nitong mga kalaban ko; sa aking ulo langis ay ibinubuhos, sa aking saro, pagpapala’y lubus-lubos.

6  
Kabutiha’t pag-ibig mo sa aki’y di magkukulang, siyang makakasama ko habang ako’y nabubuhay; at magpakailanma’y sa bahay ni Yahweh mananahan.

Psalm 23 in Tagalog

Psalm 23 in English

Dalhin ang iyong krus

Dalhin ang iyong krus

Magiliw siyang tiningnan ni Jesus at sinabi, “May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.” Nang marinig ito ng lalaki, siya’y nanlumo at malungkot na umalis sapagkat siya’y lubhang napakayaman.

Marcos 10:21-22

Pinalapit ni Jesus ang mga tao at ang kanyang mga alagad, at sinabi sa kanila, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang sinumang nagnanais na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin at sa Magandang Balita ay magkakamit nito.

Marcos 8:34-35

Ang hindi pumapasan ng kanyang krus at hindi sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.

Mateo 10:38

Hindi na ako ang nabubuhay ngayon kundi si Cristo na ang nabubuhay sa akin. At habang ako’y nabubuhay pa sa katawang-lupa, mamumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at naghandog ng kanyang buhay para sa akin.

Mga Taga-Galacia 2:20

At sinabi niya sa kanilang lahat, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin araw-araw ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito, ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. Ano nga ang mapapala ng tao, makamtan man niya ang buong daigdig kung ang mapapahamak naman ay ang kanyang sarili.

Lucas 9:23-25

Sabi niya, “Ama, kung maaari po ay ilayo mo sa akin ang kopang ito, ngunit huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo.” [Nagpakita sa kanya ang isang anghel mula sa langit at pinalakas ang loob niya.

Lucas 22:42-43

At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito.

Mga Taga-Galacia 5:24

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Ang sinumang nagnanais sumunod sa akin ay kinakailangang itakwil niya ang kanyang sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. Ang naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito. Sapagkat ano ba ang mapapala ng isang tao makamtan man niya ang buong daigdig, ngunit mapapahamak naman ang kanyang sarili? Ano ba ang maibabayad ng isang tao para mabawi niya ang kanyang buhay? Sapagkat darating ang Anak ng Tao na kasama ang kanyang mga anghel, at taglay ang dakilang kapangyarihan ng kanyang Ama. Sa panahong iyo’y gagantimpalaan niya ang bawat tao ayon sa ginawa nito.

Mateo 16:24-27

Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin balang araw.

Mga Taga-Roma 8:18

Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya.

Santiago 1:12

Mga Babasahing Gabay sa Biblia – Hunyo 2021

Ako ang ilaw ng sanlibutan

Ako ang ilaw ng sanlibutan

Muling nagsalita si Jesus sa mga Pariseo. Sinabi niya, “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay magkakaroon ng ilaw sa kanyang buhay at di na lalakad sa kadiliman.”


Juan 8:12

Nakakita ng isang maningning na liwanag ang bayang matagal nang lumalakad sa kadiliman; sumikat na ang liwanag sa mga taong naninirahan sa lupaing balot ng dilim.


Isaias 9:2

Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan?


Mga Awit 27:1

Sapagkat ang Diyos na nagsabing, “Mula sa kadiliman ay sisilang ang liwanag,” ay siya ring nagbigay liwanag sa aming isip upang makilala namin ang kaluwalhatian ng Diyos na nahahayag sa mukha ni Cristo.


2 Mga Taga-Corinto 4:6

Ngunit dahil nananahan sa inyo si Cristo, mamatay man ang inyong mga katawan dahil sa kasalanan, ang espiritu naman ninyo ay buháy sapagkat itinuring na kayong matuwid ng Diyos. Kung nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo, siya ang muling bubuhay sa inyong mga katawang mamamatay, sa pamamagitan din ng kanyang Espiritung nananahan sa inyo.


Mga Taga-Roma 8:10-11

Dati, kayo’y nasa kadiliman, ngunit ngayo’y nasa kaliwanagan na, sapagkat kayo’y nasa Panginoon. Mamuhay kayo ngayon nang nararapat sa mga taong nasa liwanag.


Mga Taga-Efeso 5:8

Ngunit kung namumuhay tayo ayon sa liwanag, gaya ng pananatili niya sa liwanag, tayo’y nagkakaisa at ang lahat ng ating kasalanan ay nililinis ng dugo ni Jesus na kanyang Anak. Kung sinasabi nating tayo’y walang kasalanan, dinadaya natin ang ating sarili at wala sa atin ang katotohanan. Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya’y tapat at matuwid.


1 Juan 1:7-9

“Kayo ang ilaw ng sanlibutan. Ang isang lunsod na nakatayo sa ibabaw ng burol ay hindi maitatago. Wala din namang taong nagsisindi ng ilaw at pagkatapos ay inilalagay iyon sa ilalim ng malaking takalan. Sa halip, inilalagay iyon sa talagang patungan upang matanglawan ang lahat ng nasa bahay. Gayundin naman, dapat ninyong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at papurihan ang inyong Ama na nasa langit.”


Mateo 5:14-16

Nagliliwanag sa kadiliman ang ilaw, at hindi ito nagapi kailanman ng kadiliman.


Juan 1:5