Samahan kami sa pananalangin para sa kapayapaan
Kapag iniisip mo ang kapayapaan, anong dumarating sa isipan mo?
Ang kapayapaan ay maaaring mangahulugan ng maraming mga bagay, ngunit kung ang kahulugan nito ay hindi nakaugat sa Salita ng Diyos, ang kapayapaang ating hinihintay ay anino lamang ng kapayapaang nais ng Diyos na ibigay sa atin.
Sa oras na ito, hilingin natin ang kapayapaan ng Diyos na punuin ang ating buhay at ang ating mundo sa pamamagitan ng pananalangin ng dalawang panalanging ito.
Tamasahin ang Kapayapaan ng Diyos
O Diyos, ang aking buhay ay puno ng mga pagsubok at paghihirap. Minsan, nakakaramdam ako ng kaguluhan at kadalamhatian. Gayunpaman, nagpapasalamat ako na sa bawat sitwasyon ay kasama kita. Sa Iyo, maaari akong magkaroon ng kapayapaan. Kahit na ano ang harapin ko, ngayon ay pinipili kong huwag hayaang maligalig o matakot ang aking puso. Nakatutok ang isip ko sa Iyo at nagtitiwala ako sa Iyo. At habang ginagawa ko iyan, punan Mo ako ng kagalakan at kapayapaan upang sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong Banal na Espiritu, mapuno ako ng pag-asa. Bantayan Mo ang aking puso at bigyan Mo ako ng lakas upang mabuhay dala-dala ang kapayapaan Mo. Amen.
Kapayapaan para sa ating Mundo
O Diyos ko, salamat dahil napagtagumpayan Mo na ang sanlibutan. Salamat na sa lahat ng bagay ay siguradong matagumpay na kami sa pamamagitan Mo na nagmamahal sa amin. Sa araw na ito at sa araw-araw, tulungan mo kaming “ang masama’y iwasan na at ang gawin ay ang tama; at ang laging pagsikapan ay buhay na mapayapa.” Nawa ay mapanatili namin ang pagkakaisa, at huwag agad kaming magalit.
Nawa’y ang mga salita ko at kaisipan ay kaluguran Mo. Patnubayan Mo kami sa daan ng kapayapaan at dahil itong buhay nami’y maikli lang na panahon, itanim sa isip namin upang kami ay dumunong. Pasaganain mong muli ang aming lupain Panginoon, at pagpalain ang Iyong bayan ng mapayapang buhay. Amen.
Huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin
25
“Kaya’t sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong kakainin at sa inyong iinumin upang kayo’y mabuhay o kaya’y tungkol sa susuutin ng inyong katawan. Hindi ba’t ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit?
26
Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya’y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba’t higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?
27
Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?
28
“At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit.
29
Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon na napakayaman ay hindi nakapagdamit ng singganda ng isa sa mga bulaklak na ito.
30
Kung dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!
31
“Kaya’t huwag kayong mag-alalang baka kayo kapusin sa pagkain, inumin o damit.
32
Hindi ba’t ang mga Hentil ang nababahala tungkol sa mga bagay na iyan? Alam na ng inyong Ama na nasa langit na kailangan ninyo ang lahat ng iyan.
33
Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo’y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.
34
“Kaya nga, huwag ninyong ikabalisa ang para sa araw ng bukas; dahil ang bukas ang bahala sa sarili nito. Sapat na ang inyong mga suliranin sa bawat araw.”
Tuklasin: Isang Bagong-bago na Tampok
Ipinapakilala: Tuklasin
Minsan kapag ikaw ay nagbabasa o nakikinig sa ilang mga bersikulo sa Biblia, ito ay humahantong sa iyo sa mga katanungang: Ano ang ibig sabihin nito? Sino ang nagsulat nito, at bakit? Paano ko ito magagamit sa aking buhay?
Makakatulong ang aming bagong-bago na tampok na Tuklasin!
I-tap lang ang bagong Tuklasin icon anumang oras na makita mo ito sa Bible Reader (), at makikita mo ang karagdagang nilalaman na makatutulong sa iyo na maranasan ang Salita ng Diyos sa iba’t ibang paraan. Ang Tuklasin ay maaari ng magamit ngayon, na may mga kasamang palabas galing sa ating mga partner sa LUMO!
Subukan ang Tuklasin ngayon, at gawing mas makabuluhan ang iyong oras sa Salita ng Diyos.
Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan… sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay.
2 Timoteo 3:16