Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob

Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob

4  
Ang pag-ibig ay matiyaga at magandang-loob, hindi maiinggitin, hindi mayabang ni mapagmataas man

5  
hindi magaspang ang pag-uugali, hindi makasarili, hindi magagalitin, o mapagtanim sa kapwa.

6  
Hindi niya ikinatutuwa ang gawaing masama, ngunit ikinagagalak ang katotohanan.

7  
Ang pag-ibig ay mapagpatawad, mapagtiwala, puno ng pag-asa, at mapagtiis hanggang wakas.

8  
Matatapos ang kakayahang magpahayag ng salita ng Diyos, titigil rin ang kakayahang magsalita sa iba’t ibang mga wika, mawawala ang kaalaman, ngunit ang pag-ibig ay walang hanggan.

9  
Hindi pa lubos ang ating kaalaman at ang kakayahan nating magpahayag ng mensaheng mula sa Diyos

10  
ngunit pagdating ng ganap, mawawala na ang di-ganap.

11  
Noong ako’y bata pa, ako’y nagsasalita, nag-iisip at nangangatwirang tulad ng bata. Ngayong ako’y mayroon nang sapat na gulang, iniwanan ko na ang mga asal ng bata.

12  
Sa kasalukuyan, tila malabong larawan ang nakikita natin sa salamin, ngunit darating ang araw na harapan nating makikilala ang Diyos. Bahagya lamang ang nalalaman ko ngayon, ngunit darating ang araw na malulubos ang kaalamang ito, tulad ng lubos na pagkakilala niya sa akin.

13  
Kaya’t ang tatlong ito’y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

1 Corinthians 13 in Tagalog

1 Corinthians 13 in English

Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Polish Thai Ukrainian Vietnamese