Hindi sigurado kung ano ang ipapanalangin?
Ang pakikipag-usap sa Diyos ay hindi laging madali, ngunit kung nais nating makilala ang Diyos nang higit pa, kailangan nating malaman kung paano makipag-usap nang may kababaang-loob at katapatan sa Kanya.
Narito ang tatlong bagay na maaaring magpalakas sa iyong loob habang lumalapit ka sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin. Pumili ng isa o dalawang puntos na katangi-tangi sa iyo, at gamitin ang mga ito upang lumikha ng isang Panalangin sa YouVersion.
1. Panatilihin itong simple.
Hindi iniisip ng Diyos kung gaano kahusay ang iyong mga salita—nais lamang Niya na makasama ka. Ang ilan sa mga pinakamagandang pakikipag-ugnayan sa Diyos ay nagaganap kapag ibinabahagi mo lamang kung ano ang nasa isip mo sa Kanya at pagkatapos ay bigyan Siya ng puwang upang tumugon.
Subukang magtanong:
O Diyos, ano ang dapat kong gawin tungkol sa … ?
O Diyos, ano ang palagay Ninyo tungkol sa … ?
O Diyos, gagawin ba Ninyo … ?
O Diyos, bakit nangyari ang … ?
2. Panatilihin itong totoo.
Hindi magagalit ang Diyos sa iyo sa pagiging matapat, kaya’t maging tunay kapag nagdarasal. Tandaan, walang makapaghihiwalay sa iyo mula sa pag-ibig ng Diyos. Kaya’t kung hindi ka nakatitiyak kung ano ang sasabihin, sabihin iyon sa Diyos. Kung nasisihapyo ka sa isang sitwasyon, sabihin mo ito. Nais Niyang lumapit ka sa Kanya nang may kumpiyansa at katapangan.
Kausapin ang Diyos tungkol sa isang bagay na bumabagabag sa iyo ngayon. Subukang sabihin:
Nahihirapan ako sa…
Kailangan ko ng tulong sa…
Hindi ko maintindihan kung bakit…
Ako ay nasisihapyo dahil…
3. Patuloy na magpakita.
Maaaring nakakaalangan ang pananalangin sa simula, ngunit kung mas madalas mo na itong ginagawa, mas nagiging madali ito. Ngayong linggo, ugaliin ang pagdadasal sa pamamagitan ng pagkakaroon ng hindi bababa sa 5 minuto pakikipag-ugnayan sa Diyos araw-araw.
Narito ang ilang mga pasimula sa pakikipag-ugnayan:
Umaasa ako na…
Nagpapasalamat ako para sa…
Nasasabik ako dahil…
Ngayon, napansin ko na…
Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Polish Vietnamese