Bawiin ang Iyong Oras: Nagsisimula na Ngayon ang 21-Araw na Hamon!

21-Araw na Hamon

“’Kaya’t mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay. Mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Samantalahin ninyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti…”

– Mga Taga-Efeso 5:15-16

21-Araw na Hamon

Ano ang pananaw mo para sa 2020? Isipin mo kung ano ang magiging hitsura ng iyong buhay sa araw na ito sa susunod na taon kung nagpasiya kang kaugaliang maglaan ng oras sa Diyos araw-araw.

Simula ngayon, gawing palagiang ritmo ang paggugol ng oras sa Diyos sa pamamagitan ng pagsali sa aming 21-Araw na Hamon. Ipapakita namin sa iyo kung paano makapagsisimula, at hihikayatin ka namin sa iyong pagpapatuloy!

Papaano Magsimula:

  1. Pumili ng anumang Gabay, kahit na mas mahaba o mas maikli kaysa sa 21 na araw.
  2. Simulan ang iyong Gabay nang Pebrero 9 upang magkaroon ng sapat na araw upang makumpleto ang Hamon — at huwag kaligtaan ang anumang araw.
  3. Kamtin ang 2020 21-Araw na Hamon Badge sa pamamagitan ng pagkumpleto ng hindi bababa sa isang araw ng Gabay sa loob ng 21 na araw nang sunod-sunod sa Pebrero.

Tiyaking lahat ay may tsek

Upang masulit ang iyong Hamon, mag-imbita ng ilang mga pinagkakatiwalaang kaibigan na sumali sa iyo. At, siguraduhing walang makakaligtaang araw sa pamamagitan ng paggawa ng pang-araw-araw na paalala sa mga setting ng Gabay.

Ganoon lamang!
Ngayon, simulan na ang Hamon:

Tumingin Pa ng Mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Halos Narito Na: Ang 21-Araw na Hamon ay Malapit nang Magsimula!

21-Araw na Hamon

1,440… Iyan ang bilang ng minuto na mayroon ka sa isang araw. Sa pangkaraniwan, 35,000 na pagpapasya ang iyong ginagawa sa bawat araw — iyan ay humigi’t kumulang 24 na desisyon kada minuto. Ang mga pagpili o pagpapasyang gagawin mo ay kalaunang tutukoy sa takbo ng iyong araw, taon, at maging ng iyong buhay.

Anuman ang hitsura ng 2020 mo sa ngayon, maaari mo itong sulitin sa pamamagitan ng pagsentro ng iyong buhay sa pinakamahalaga: ang pagiging malapit sa Diyos. Kaya namin nilikha ang 21-Araw na Hamon: upang tulungan kang bumuo ng isang pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita.

Ang hamon ay magsisimula sa Pebrero 1 at magpapatuloy sa buong buwan ng Pebrero. Ngunit maaari ka nang magsimula ngayon sa pamamagitan ng pagpili ng Mga Gabay na kukumpletuhin at pag-aanyaya ng mga kaibigan upang salihan ka!

Maghanap ng Gabay


Opisyal na Mga Patakaran

Ang hamon ay magsisimula sa Pebrero 1 at magpapatuloy sa buong buwan ng Pebrero.

Narito ang 3 bagay na kailangan mong malaman upang makumpleto ang 21-Araw na Hamon at tumanggap ng isang espesyal na badge:

  1. Magsimula ng isang Gabay sa Pebrero 1. Kung nagsimula ka ng isang Gabay isang linggo bago o pagkatapos nito, ayos lang! Ipagpatuloy mo lang, at huwag kaligtaan ang anumang araw.
  2. Pumili ng isang Gabay ng anumang haba (babasahin o audio), kahit na mas mahaba o mas maikli kaysa sa 21 araw.
  3. Upang makakuha ng 2020 21-Araw na Hamon Badge, dapat kang makapagkumpleto ng hindi bababa sa isang araw ng Gabay, bawat araw, nang 21 tuloy-tuloy na araw sa buwan ng Pebrero.

Sa bawat pagkakataon na makatapos ka ng isang araw, tiyakin na lahat ng bahagi ng araw na iyon ay markado bilang kumpleto:

Tiyaking lahat ay may tsek

Kapag nakumpleto mo ang lahat ng 21 araw (nang walang nakakaligtaang anumang araw), matatanggap mo ang aming eksklusibong 2020 21-Araw na Hamon Badge sa iyong Bible App profile:

21-Araw na Hamon Badge


Ang mga susunod mong hakbang:

Kung ito ang iyong unang hamon sa Biblia, iminumungkahi naming magsimula sa isang maikling audio o babasahing Gabay, at kumumpleto ng isang Gabay pagkatapos ng isa. Isang Gabay sa isang pagkakataon at, habang nakakaugalian mo na ito, unti-unting sumubok ng mga mas mahahabang Gabay.

Pindutin ang buton sa ibaba upang maghanap ng mga nais mong Gabay. Maaari mong tapikin ang Itabi upang Mabalikan sa anumang mga Gabay na gusto mo, at pagkatapos ay magsimula ng isa sa Pebrero 1.

Iminumungkahi rin namin na kumumpleto ng mga hamon kasama ng mga kaibigan! Sa unang Gabay na nais mong gawin, pindutin ang Simulan ang Gabay, piliin ang Kasama ang mga Kaibigan, itakda ang unang petsa sa Pebrero 1, at mag-imbita ng isang kaibigan (o ng 2 o 10). (Sa pamamagitan nito ay maabisuhan ang mga ito bago magsimula.)

Handa ka na ba? Gawin natin ito!

Piliin ang Iyong Mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Paano Simulan ang Pagbabasa ng Biblia: 3 Simpleng Hakbang.

Taong nagbabasa sa telepono

1. Tanggapin.

Ihanda ang iyong puso na makinig sa Diyos. Subukan ang isang simpleng panalangin tulad nito…

Ama sa langit, mangyaring tulungan mo akong maunawaan ang bersikulong ito ng Biblia.

…at saka basahin ang Bersikulo ng Araw. Gamitin natin ang bersikulo para sa araw na ito bilang halimbawa:

Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa nang lalong sagana.

JUAN 15:2

2. Magnilay.

Tanungin mo ang iyong sarili kung ano ang maaaring sinasabi ng bersikulong ito sa iyo, at malalimang pag-isipan ang iyong mga kasagutan. Narito ang ilang mga halimbawa na maaari nating makuha mula sa bersikulo para sa araw na ito:

Inaasahan ni Jesus na ibahagi ko ang aking pananampalataya sa ibang tao.

Kapag isinasabuhay ko ang pag-ibig ng Diyos, iyon ang nagpapalapit ng ibang tao sa Kanya.

Dapat akong pagsikapan na alisin ang mga bagay sa aking buhay na hindi nagpapakita ng pag-ibig ng Diyos.

Kadalasan ay sa pamamagitan ng mga hamon pinalalawak ng Diyos ang aking kakayahan na magmahal ng iba.

3. Tumugon.

Gamitin ang bersikulo na ito bilang batayan para sa isang panalangin, marahil tulad nito:

Panginoon, bigyan Mo ako ng lakas ng loob at pagkakataon na maibahagi ang iyong pag-ibig sa ibang tao. Mangyaring ipakita Mo sa akin kung aling mga bahagi ng aking buhay ang hindi nagbubunga.

Inaalis niya ang bawat sangang hindi nagbubunga, at kanya namang pinuputulan at nililinis ang bawat sangang nagbubunga upang magbunga pa nang lalong sagana. - Juan 12:2 - Bersikulong Larawan

Ibahagi ang Bersikulo ng Araw

Gawin mo itong iyong 2020 soundtrack:

Lalaking nakikinig sa mga headphone

Anuman ang hitsura ng iyong pang-araw-araw na gawain, gawing kaugalian ang paglaan ng oras sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapabasa sa iyo ng Banal na Kasulatan.

Buksan lamang ang iyong YouVersion Bible App at maghanap ng mga Biblia na may icon na audio:

Icon ng Audio

Anumang pagkakataon na makita mo ang icon ng audio sa itaas ng teksto ng Biblia, pindutin mo ito, at pagkatapos ay pindutin ang I-play. (Kung hindi ka nakakakita ng icon ng audio, lumipat sa isang bersyon ng Biblia na mayroong ispiker sa tabi nito.)

Habang ikaw ay nakikinig, maaari mong itigil sandali, i-rewind, at piliin ang bilis ng iyong pag-playback. Ang pakikinig sa Salita ng Diyos ay mas pinadali!

Tuklasin ang mga Audio na Biblia

Dalhin ang 2020 sa susunod na antas:

Mga Kaibigan

Mas Maganda ang Buhay… nang Magkasama.

Mga Kaibigan

Kapag may mga katanungan ka tungkol sa iyong pananampalataya, sino ang iyong kinakausap tungkol sa mga ito? Saan ka nagpupunta para sa mga sagot?

Gawing isang pang-araw-araw na kagawian kasama ng iyong pamayanan ang pag-aaral ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng pagsisimula ng isang Gabay Kasama ng mga Kaibigan.

Magsimula lamang ng isang Gabay, pindutin ang Kasama ng Mga Kaibigan, at imbitahan ang iyong mga kaibigan upang sumali sa iyo. Tuklasin ang mga katotohanan sa Salita ng Diyos na maaaring hindi mo napansin nang mag-isa, at kunin ang mga kagamitan na kailangan mo upang manghikayat ng iba.

Panoorin kung paano babaguhin ng Diyos ang iyong buhay, at ang iyong pamayanan, sa pamamagitan ng paglalakbay sa Banal na Kasulatan nang magkasama!

Mas Mahusay Kapag Sama-sama
Mga Awit at Mga Kawikaan sa 31 Araw
1 & 2 Timoteo
Mga Gawa

Magsimula ng Gabay Kasama ng Mga Kaibigan