Ngunit kayo ay isang lahing pinili, grupo ng maharlikang pari, isang bansang nakalaan sa Diyos, bayang pag-aari ng Diyos upang magpahayag ng mga kahanga-hangang ginawa niya. Siya ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman patungo sa kanyang kahanga-hangang kaliwanagan.
1 PEDRO 2:9 (dinagdagan ng diin)
Pagsamba – upang magpahayag ng parangal para sa Diyos sa pamamagitan ng labis na paggalang, pagpipitagan, at debosyon.
Ano ang iyong pinagpapasalamat? Kapag maganda ang buhay, minsan ay hindi natin napapahalagahan ang mga pangunahing bagay, tulad ng pagkakaroon ng sapat na pagkain at isang ligtas na matutulugan, mabuting kalusugan at mga taong nagmamahal sa atin, atbp. Gayunpaman ayon sa mga pananaliksik, ang intensyonal na “pagbilang sa ating mga pagpapala” ay mas nagpapaganda ng ating mga buhay.1
Marahil ay nagagawa mo namang magpasalamat. Nagagawa mo rin bang magnilay kung saan nagmumula ang mga magagandang bagay na natatanggap mo? Pinaalalahanan ni apostol Pablo ang kanyang kaibigan na si Timoteo na ang Diyos na masagana ang “nagbibigay ng lahat ng ating pangangailangan upang tayo’y masiyahan.” (1 Timoteo 6:17) Ano ang maaari nating gawin upang tumugon sa katotohanang ito?
Purihin ang Kanyang maluwalhating pangalan. Sambahin si Yahweh sa banal na kaayusan.
Mga Awit 29:2
Pag-isipan mo ito: Ginawa ng Diyos ang Kanyang sariling sansinukob. Nilikha Niya ang isa sa Kanyang mga planeta na may isang kapaligiran na maaaring makapagtustos ng buhay, kung saan inilagay Niya ang mga tao… at binigyan sila ng lahat na kanilang kakailanganin. At pagkatapos, sa kabila ng lahat ng ating mga pagkakamali at pagkabigo (sa katunayan, dahil sa mga ito) Inanyayahan Niya tayo upang makiisa sa Kanyang pamilya, kinupkop tayo bilang Kanyang mga anak. Iyon ang dahilan upang ipagdiwang Siya!
O Yahweh, na aming Panginoon, sa buong mundo’y tunay kang dakila.… Iyong papuri’y abot sa langit!… Ano ba ang tao upang iyong pahalagahan; o ang anak ng tao upang iyong pangalagaan Nilikha mo siyang mababa sa iyonang kaunti, pinuspos mo siya ng dangal at ng luwalhati. Ginawa mo siyang pinuno ng lahat ng iyong nilikha, sa lahat ng mga bagay, siya ang iyong pinamahala: mga tupa at kawan pati na ang mababangis, lahat ng ibong lumilipad, at mga isda sa karagatan, at lahat ng nilikhang nasa karagatan.
Mga Awit 8:1, 3-8
Narito ang 3 praktikal na pamamaraan na maaari nating gawin upang sambahin ang Diyos:
Umawit ng Papuri
Sinasabi ni Santiago na kapag maganda ang nangyayari sa atin, dapat ay papurihan natin ang Diyos. Wala kang alam na awit ng papuri? Huwag kang mag-alala at sagot ka namin: makakahanap ka ng libu-libong mga awitin na makakatulong sa iyo na magsamba sa Diyos. Anuman ang uri ng musika ang hilig mo, tiyak na mayroon nang awitin ng papuri ang nagawa ng mga talentadong mang-aawit sa ganoong istilo.
Hamon: Maghanap ng “pagsamba,” “papuri,” at “Christian music” sa anuming streaming service na ginagamit mo. Sulit ang oras na ilalaan mo sa paghahanap.
Pasalamatan Siya sa Panalangin
Nang si Jesus ay nagturo sa Kanyang mga alagad kung paano manalangin, sinabi niyang magsimula nang ganito: “Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan.” Ayos lang na humiling sa Diyos ng mga bagay, ngunit ang tunay na mga relasyon ay nagbibigayan. Ngunit ano ang maaari nating maialay sa Diyos? Ang ating pagpuri, paggalang, at pagpapasalamat.
Hamon: Kahit isang beses sa isang araw sa susunod na linggo, manalangin sa Diyos, at pasalamatan Siya para sa isang bagay na Kanyang ginawa para sa iyo, nang hindi ka humihiling ng kahit na anong kapalit.
Ibahagi Mo ang Iyong Kuwento
Hinihikayat tayo ng manunulat ng Hebreo na papurihan ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapahayag ng ating pagkilala sa Kanyang pangalan.” Palaging ang Diyos ay gumagawa para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa Kanya. Hindi ba nakakatuwang malaman na sadyang pinili ka ng Diyos para sa partikular na layunin na ito ng Kanyang kaharian? Aktibo mo bang pinapalaganap ang salita tungkol sa kabutihan ng Diyos?
Hamon: Ngayong linggo, kahit kailan na kausap mo ang iyong mga kaibigan, maghanap ng mga natural na pagkakataon upang magbahagi ng ilan sa mga ginagawa ng Diyos sa iyong buhay.
Ito ay ilan lamang sa mga mungkahi na maaaring makatulong sa iyo na gawin pang-araw-araw na gawain ang pagiging malapit sa Diyos. Tuklasin ang iba pang mga paraan upang simulan ang pagsamba sa Diyos gamit ang isa sa mga Gabay sa ibaba.
Ibahagi sa pamamagitan ng Email
Umawit sa kagalakan ang lahat ng mga bansa! Si Yahweh ay papurihan, paglingkuran siyang kusa; lumapit sa presensya niya at umawit na may tuwa! Si Yahweh ay ating Diyos! Ito’y dapat na malaman, tayo’y kanya, kanyang lahat, tayong lahat na nilalang; lahat tayo’y bayan niya, kabilang sa kanyang kawan. Pumasok sa kanyang templo na ang puso’y nagdiriwang, umaawit, nagpupuri sa loob ng dakong banal; purihin ang ngalan niya at siya’y pasalamatan! Napakabuti ni Yahweh, pag-ibig niya’y walang hanggan, pag-ibig niya ay tunay, laging tapat kailanman.
Mga Awit 100:1-5
1 Pagbibilang ng mga Pagpapapala Kaysa sa mga Pasanin: Isang Eksperimentong Pagsisiyasat ng Pagpapasalamat at Pansariling Kabutihan sa Pang-Araw-Araw na Buhay.