Hanapin natin ang Diyos ng … sama-sama.

Ano ang hitsura ng paghahanap sa Diyos para sa iyo?

Ang paggugol ng regular na oras kasama ang Diyos ay hindi laging madali. Mabuti na lamang, hindi natin kailangang hanapin ang Diyos nang mag-isa—at hindi ito ang marapat para sa iyo. Pag-isipang mag-imbita ng iba na lumapit sa Diyos kasama ka sa pamamagitan ng pag-aaral ng Biblia nang magkasama.

Simulan lamang ang isang Gabay, piliin ang “Kasama ng mga Kaibigan,” at hanapin ang Diyos araw-araw kasama ang iyong mga pinagkakatiwalaan.

Nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay para sa kanilang lahat.

MGA GAWA 2:44

Tuklasin ang Higit pang Mga Gabay

Paano ang Paglagong Espirituwal

Halamang sumisibol

Nakakapagpabagong Pananampalataya

Ang iyong paghahanap ba sa Diyos ay nagpapabago sa iyo at ginagawa kang higit na katulad ni Jesus? Kung nais mong maging mas malapit sa isang tao, sinusubukan mong mas makilala pa sila nang lubusan. Isang paraan upang tayo ay mas maging malapit kay Jesus ay sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga kuwento ng Kanyang ministeryo at mga aral.

Ang mga gabay ay mabuting paraan upang mapaunlad ang iyong kaugalian na hanapin ang Diyos araw-araw. Kung mas makapagpapatuloy ka kapag may kasamang mga kaibigan sa lakbayin, magsimula ng Gabay, pagkatapos ay piliin ang “Kasama ang Mga Kaibigan” at imbitahin ang iba na samahan ka.

…lumago [ganap sa espiritu] sa kagandahang-loob at sa pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo…

2 PEDRO 3:18

Marami Pang Mga Gabay

Paano ang naging huling linggo ni Jesus?

Ito ang
Mahal na Araw…

Inilaan ni Jesus ang linggo bago Siya ipako sa krus upang paalalahanan ang Kanyang mga disipulo na hindi magwawagi ang kamatayan, at ang Kanyang kaharian ay walang hangganan. Ngunit dahil hindi nila naunawaan kung ano ang paparating, hindi nila napagtanto na sinasabi rin Niya sa kanila ang “mahal kita” at “paalam.”

Ngayon, ang Mahal na Araw ay isang paalalang ang Diyos ay hindi pa tapos. Dahil kahit na sa mga sandaling gumuguho ang ating mga inaasahan—ang pag-asa ay paparating pa rin. Hindi pa tapos ang Diyos.

Kaya’t simula ngayong Linggo ng Palaspas, pagbulay-bulayan ang buhay na mayroon ka dahil sa sakripisyo ni Jesus sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang Gabay sa Pasko ng Pagkabuhay. (At, kapag nakumpleto mo ang isa sa mga Gabay na ito, magkakaroon ka Badge para sa Hamon sa Pasko ng Pagkabuhay.)

Tingnan ang Koleksyon ng Mahal na Araw

Kunin ang iyong Easter Challenge Badge!

Badge para sa Easter Challenge

Narito ang isang bagay na maaring abangan: Ang Pasko ng Pagkabuhay ay narito na sa loob ng dalawang linggo.

Kumpletuhin ang alinmang Gabay na para sa Pasko ng Pagkabuhay simula ngayon, at makakamit mo ang Easter Challenge Badge. Kapag nagsimula ka ng isang Gabay, mag-imbita ng ilan sa iyong mga kaibigan na samahan ka, at sama-samang ituon ang inyong isipan patungo sa Cristong nabuhay muli.

… panatilihin ang pagtingin kay Jesus … Hindi Niya pinansin ang kahihiyan ng krus … Pagkatapos ay naupo Siya sa kanang kamay ng trono ng Diyos … Kaya isipin mo Siya. Dahil dito ay hindi ka mapapagod. Hindi ka mawawalan ng pag-asa.

MGA HEBREO 12:2-3

Marami Pang Gabay Para sa Pasko ng Pagkabuhay

Naghahanap ng kapayapaan? Subukan ang mga Gabay na ito

Taong nakatanaw sa anyong tubig

Tumuklas ng mga Gabay para sa Kapayapaan

… Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat. At ang kapayapaan ng Diyos na hindi kayang maunawaan ng tao ang siyang mag-iingat sa inyong puso at pag-iisip dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus.

MGA TAGA-FILIPOS 4:6-7

Sa bawat panahon, kaya ng Diyos na bigyan tayo ng kapayapaan. Ang kapayapaang ito ay hindi pansamantala o nakasalalay sa mga nangyayari sa ating kapaligiran, at hindi ito makikita sa labis na paggamit ng social media o mga self-help clips. Ang tunay at walang hangganang kapayapaan ay matatagpuan lamang sa paglapit sa Diyos.

Ngayon, hanapin ang Diyos at ang Kanyang kapayapaan sa pamamagitan ng isa sa mga Gabay na ito.

Magsimula ng Isang Gabay