Sa Pasko ng Pagkabuhay, naaalala natin na ang sinaktang katawan ni Jesus ang nagwakas sa ating pagkalugmok.
Ngunit bago natin parangalan ang muling pagkabuhay, mahalaga na magbalik-tanaw sa mga pangyayari na humantong sa sukdulang sakripisyo ni Jesus.
Ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa mga oras bago mamatay si Jesus ay ang Huling Hapunan.
Ang pagdaraos ng Huling Hapunan ay natatangi dahil ito ay naganap sa panahon ng Paskwa.
Maaring ito ay tila isang maliit na detalye, subalit ginamit ito ni Jesus upang iugnay ang Kanyang kamatayan—at muling pagkabuhay—hanggang sa pag-alis ng mga Israelita sa Egipto.
Bakit mahalaga ang Paskwa
Ang Paskwa ay isang mahalagang pangyayari na ipinagdiriwang ng mga Judio sa loob ng daan-daang taon bago ang Huling Hapunan.
Pagkatapos ng mga dekada ng pang-aapi sa Egipto, ililigtas ng Diyos ang Kanyang bayan mula sa kanilang pagkaalipin at dadalhin sila sa lupaing ipinangako Niya sa kanila.
Subalit, kinakailangan muna Niyang kumuha ng isang pinuno para tumulong sa pagpapakilos sa mga Israelita—si Moises.
Si Moses, sa pag-uudyok ng Diyos, ay humiling ng kanilang kalayaan sa faraon, subalit sa bawat pagkakataon, ang sagot ay hindi.
Bilang tugon, ang Diyos ay nagpadala ng sunud-sunod na mga salot upang pahirapan ang mga Egipcio.
Ngunit, nanatiling matigas ang puso ng faraon.
Sa kahuli-hulihan, isang pagtakas.
Bilang huling pamamaraan, ang Diyos ay nagpadala ng huling salot: ang anghel ng kamatayan upang patayin ang panganay na anak na lalaki ng bawat pamilya sa Egipto.
Dahil sa malupit, mapang-aping kasamaan ng faraon—at sa hindi pagnanais na magsisi sa kanyang mga kasalanan—ang Diyos ay nagbigay ng katarungan.
Subalit ang Diyos ay nagbigay ng isang bagay na hindi ginawa ng faraon: ang daan palabas.
Bago ang huling salot, ang mga Israelita ay inutusan na pintahan ng dugo ng isang tupang sakrispisyo ang pintuan ng kanilang tahanan. Sa ganoong paraan, kung ang anghel ng kamatayan ay dumating, ang kanilang mga tahanan ay malalampasan, at ang kanilang panganay na anak ay maliligtas.
Maaring ito ay mukhang kakaibang simbolo, subalit sa pamamagitan ng kamatayan ng tupa, dinala ng Diyos ang kasamaan tungo sa katarungan.
Pagkatapos ng huling salot—at ng kamatayan ng kanyang panganay na anak—ang faraon sa wakas ay nagbigay ng kalayaan sa mga Israelita.
Nang manirahan sila sa lupang pangako, ginugunita nila ang Paskwa taun-taon sa pamamagitan ng isang piging—na binubuo ng tinapay, alak, at isang sakripisyong tupa.
Ang walang kapintasang tupa
Makalipas ang isang libong taon, si Jesus at ang Kanyang mga alagad ay nagtipon sa hapag-kainan upang magdiwang sa parehong paraan.
Si Jesus ay kumuha ng tinapay, at nang makapagpasalamat, hinati Niya ito at ibinigay sa Kanyang mga alagad, na sinabi, “Kunin at kainin ninyo; ito ang Aking katawan.”
Pagkatapos, kinuha ang kopa, at nang makapagpasalamat, ay ibinigay ito sa kanila, na sinabi, “Inumin ninyo ito, kayong lahat. Ito ang Aking dugo ng tipan, na ibinuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng marami.”
MATEO 26:26-28
Sa mga salitang ito, iniugnay ni Jesus ang Paskwa sa plano ng Diyos na tubusin ang mundo.
Ang huling elemento ng hapunan ng Paskwa ay isang tupa. Ngunit ang masasabi natin, walang tupa sa hapag sa Huling Hapunan.
Hindi iyon isang aksidente. Ito ay isang simbolikong pahayag.
Sa pamamagitan ng tupa, iniligtas ng Diyos ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa faraon.
Sa pamamagitan ni Jesus, inililigtas ng Diyos ang mundo mula sa pagkaalipin sa kasalanan at kamatayan.
Isang panawagan para sa pagkilos
Wala pang 24 oras bago ang Huling Hapunan, hinugot ni Jesus ang Kanyang huling hininga sa krus.
Ang Kanyang sakripisyo ay upang kunin ang lahat ng kasalanan ng sangkatauhan. Hinayaan Niya ang Kanyang sarili na iwanan ng Kanyang Ama upang tayo ay hindi na mawalay sa Diyos.
Hindi ninais ni Jesus na maunawaan lang natin ang Kanyang ginawa para sa atin. Nais Niya na tayo ay makibahagi dito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaugnayan sa Kanya.
Sa paggawa nito, tayo ay nagiging bahagi ng pinakadakilang kuwento na inilahad.
Habang papalapit tayo sa Biyernes Santo, alalahanin natin na tayo ay kinakailangang maging bahagi ng plano ng Diyos—libu-libong taon na ginawa—upang tubusin tayong lahat.
Ibahagi sa Facebook
Ibahagi sa pamamagitan ng Email