Tulungan ang Iyong Mga Anak na Maunawaan ang Pasko ng Pagkabuhay

Isang Masayang Linggo

Sakripisyo. Muling Pagkabuhay. Pagtubos. Pagpapanibago. Ang mga ito ay mga konseptong mahirap maunawaan, kahit na para sa matatanda. Paano natin ipakikilala ang mga ito sa ating mga anak sa konstekto ng kanilang sariling musmos na pananampalataya? Nilikha namin ang apat na kuwentong Pambatang Bible App upang tulungan kang gawin ito.

Ama at anak na naglalaro sa tablet

Panoorin ang A Goodbye Meal, In the Garden, It is Finished, at A Happy Sunday kasama ang iyong mga anak, at danasin ang kuwento ng Pasko ng Pagkabuhay nang magkasama sa paraang madali nilang mauunawaan. Tutulong ang mga interaktibong animasyon upang makilahok sila sa bawat kuwento. Ang mga nakatutuwang gawain sa bawat kuwento ay tutulong sa kanila na matutunan ang kahulugan ng sakripisyo ni Jesus para sa kanila.

Habang ginagawa ito, hayaan ang mga katanungan ng iyong anak na gabayan ang iyong buong pamilya sa mga pag-uusap tungkol sa kung paano ninyo susundin si Jesus nang magkasama.

Kunin ang App

Paano ang naging huling linggo ni Jesus?

Ito ang
Mahal na Araw…

Inilaan ni Jesus ang linggo bago Siya ipako sa krus upang paalalahanan ang Kanyang mga disipulo na hindi magwawagi ang kamatayan, at ang Kanyang kaharian ay walang hangganan. Ngunit dahil hindi nila naunawaan kung ano ang paparating, hindi nila napagtanto na sinasabi rin Niya sa kanila ang “mahal kita” at “paalam.”

Ngayon, ang Mahal na Araw ay isang paalalang ang Diyos ay hindi pa tapos. Dahil kahit na sa mga sandaling gumuguho ang ating mga inaasahan—ang pag-asa ay paparating pa rin. Hindi pa tapos ang Diyos.

Kaya’t simula ngayong Linggo ng Palaspas, pagbulay-bulayan ang buhay na mayroon ka dahil sa sakripisyo ni Jesus sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isang Gabay sa Pasko ng Pagkabuhay. (At, kapag nakumpleto mo ang isa sa mga Gabay na ito, magkakaroon ka Badge para sa Hamon sa Pasko ng Pagkabuhay.)

Tingnan ang Koleksyon ng Mahal na Araw

Kunin ang iyong Easter Challenge Badge!

Badge para sa Easter Challenge

Narito ang isang bagay na maaring abangan: Ang Pasko ng Pagkabuhay ay narito na sa loob ng dalawang linggo.

Kumpletuhin ang alinmang Gabay na para sa Pasko ng Pagkabuhay simula ngayon, at makakamit mo ang Easter Challenge Badge. Kapag nagsimula ka ng isang Gabay, mag-imbita ng ilan sa iyong mga kaibigan na samahan ka, at sama-samang ituon ang inyong isipan patungo sa Cristong nabuhay muli.

… panatilihin ang pagtingin kay Jesus … Hindi Niya pinansin ang kahihiyan ng krus … Pagkatapos ay naupo Siya sa kanang kamay ng trono ng Diyos … Kaya isipin mo Siya. Dahil dito ay hindi ka mapapagod. Hindi ka mawawalan ng pag-asa.

MGA HEBREO 12:2-3

Marami Pang Gabay Para sa Pasko ng Pagkabuhay

Manguna sa pagkamapagbigay, at tumulong na baguhin ang mga buhay.

Mapa ng YouVersion

Mayroon kaming mapa sa YouVersion. Sa tuwing binubuksan ng isang tao ang app, isang tuldok ang umiilaw nang ilang segundo. Sa amin, ang bawat isa sa mga tuldok na ito ay kumakatawan sa isang tao, isang kuwento, isang buhay. Ang aming mapa ay nagsisilbing paalala sa tuwina para sa amin na, bawat sandali ng bawat araw, nais naming tulungan kang kumonekta sa Kanya na humahawak sa lahat ng kailangan mo.

Lalo na habang papalapit ang Pasko ng Pagkabuhay, nag-iisip kami ng mga paraan upang matulungan kang maging mas malapit sa Diyos sa taong ito. Sa Mateo 6, itinuro ni Jesus ang tungkol sa tatlong tradisyunal na paraan kung saan ang maraming Cristiano ay ibinabaling ang kanilang pansin sa kaharian ng Diyos sa ganitong panahon:

“Kapag nag-aayuno ka…
Kapag nagdarasal ka…
Kapag nagbibigay ka…”

MATEO 6

Sa paraan kung paano Niya ipinaliwanag ang bawat isa, malinaw na inaasahan ni Jesus ang Kanyang mga tagasunod na gawin ang tatlong ito. Kapag sinusuportahan mo ang YouVersion sa pananalapi, nililinang mo ang isang pusong mapagbigay, at ang kaloob mo ay gumagawa ng walang hanggang pagbabago sa buhay ng mga tao, sa buong mundo.

Maging bahagi ng pagbabago sa buhay na nakikita natin araw-araw.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Paano gagawing makabuluhan ang iyong oras:

Takipsilim sa ibabaw ng tubig

O Diyos, ako’y siyasatin, alamin ang aking isip, subukin mo ako ngayon, kung ano ang aking nais; kung ako ay hindi tapat, ito’y iyong nababatid, sa buhay na walang hanggan, samahan mo at ihatid.

MGA AWIT 139:23-24

Huminto ka at huminga nang malalim. Habang ginagawa mo ito, pagbulay-bulayan ang nakaraang taon. Ano ang ginawa ng Diyos sa iyong buhay mula noong Pasko ng Pagkabuhay 2020?

Kapag ikaw ay nasa kalagitnaan ng isang mahabang panahon, madali mong makalimutan kung ano ang ginagawa ng Diyos sa gitna ng iyong kalagayan. Iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit napakahalaga ng pagbubulay sa Salita ng Diyos: nakakatulong ito sa atin na magdahan-dahan at alalahanin na ang Diyos ay tapat sa bawat panahon ng buhay.

Habang ika’y naghahanda para sa Linggo ng Pagkabuhay, gumugol ng ilang sandali upang pagbulay-bulayan ang katapatan ng Diyos sa pamamagitan ng pag-aaral ng Bersikulo ng Araw.

Narito ang 3 mga paraan upang magawa iyon:

Kung mayroon kang 5 minuto…

Buksan ang iyong Bible App, at hanapin ang Bersikulo ng Araw. Bago ka magsimulang magbasa, hilingin sa Diyos na ipaalam Niya sa iyo ang anumang nais Niyang ipakita sa iyo. Pagkatapos, basahin nang dahan-dahan ang bersikulo, habang binibigyang pansin ang anumang mga salitang namumukod-tangi sa iyo.

Tanungin ang sarili: Ano ang inihahayag ng bersikulong ito patungkol sa katangian ng Diyos? Ano ang pangunahing punto ng talatang ito? Paano ko ito maipamumuhay sa araw-araw?

Tapusin ang sandaling ito sa pamamagitan ng paghingi sa Diyos ng tulong sa pagbubulay sa bersikulong ito sa buong maghapon.

Kung mayroon kang 15 minuto…

Kapag nabasa mo na ang Bersikulo ng Araw, i-tap ang “Paghambingin ang Mga Bersyon” at piliin ang 3-5 na mga bersyon ng Biblia na nais mong paghambingin. Basahin ang bawat bersyon at bigyang pansin ang anumang mga pagkakaiba-iba ng wika. Pahintulutan ang mga pagkakaiba na bigyan ka ng mas malawak na pag-unawa sa bersikulo.

Tanungin ang sarili: Paano ipinapahayag ng bersyon ang teksto? Ano ang natututunan ko tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng paghahambing ng mga bersyon? Anong mga salita o parirala ang namumukod-tangi sa akin?

Isulat ang anumang ipinakita sa iyo ng Diyos, at pagkatapos ay hilingin sa Kanyang tulungan ka upang maisabuhay ang bersikulong ito.

Kung mayroon kang 30 minuto…

Gugulin ang unang limang minuto sa pag-aalaala ng anumang mga alalahanin o mga problema na umaagaw sa iyong pansin. Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo ang mga katotohanan sa Kanyang Salita, pagkatapos ay dahan-dahang basahin ang Bersikulo ng Araw at paghambingin ang mga bersyon.

Pagkatapos mo itong magawa, i-type ang sangguniang bersikulo sa Tuklasin upang tingnan ang mga mapagkukunang may kaugnayan dito. Pumili ng isang sanggunian na pag-aaralan bilang bahagi ng iyong pagbubulay.

Tanungin ang sarili: Anong pananaw ang ibinibigay ng sangguniang ito? Paano nito naiimpluwensiyahan o napatutunayan kung ano ang ipinapakita sa akin ng Diyos sa bersikulo ngayon? Ano ang ipinahihiwatig nito sa akin, at paano ko ito maipamumuhay?

Kapag ikaw ay natapos na, isulat ang 2-3 na bagay na iyong nakuha sa pag-aaral ng Banal na Kasulatan. (Maaari mo rin na subukan ang pamamaraan sa pag-aaral na ito.)


Kapag natapos mo na ang iyong pagbubulay-bulay, gumugol ng ilang minuto upang humiling sa Diyos na paalalahanan ka sa buong maghapon ng lahat ng iyong natutunan. Ulitin ang prosesong ito araw-araw hanggang sa Linggo ng Muling Pagkabuhay.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email