Narito ang pag-asa para sa araw na ito.

Ipagkaloob mo na aming makamit, O Yahweh, ang iyong wagas na pag-ibig, yamang ang pag-asa’y sa iyo nasasalig!

Mga Awit 33:22

Gilid ng bundok

Hindi naging madali ang taong ito. Ngunit anuman ang nangyayari sa iyong buhay ngayon, alamin mo ito: minamahal ka. Gumugol ng hindi bababa sa ilang minuto bawat araw upang ipaalala sa iyong sarili ang pag-asa na mayroon tayo kay Jesus. Idagdag ang Panalanging ito sa iyong Listahan ng Panalangin, at subukan ang isa sa mga Gabay na ito patungkol sa pag-asa.


Isang Panalangin para sa Kagalakan at Pag-asa

Ama, mangyaring ibalik Mo sa akin ang kagalakan ng Iyong kaligtasan. Alisin ang espiritu ng kalungkutan mula sa akin, at papanariwain Mo ako ng espiritu ng pag-asa. Mangyaring bigyan Mo ako ng kagalakan at kapayapaan, at panumbalikin ang aking lakas. Ingatan Mo ako at ang aking pamilya sa gulo, Panginoon. At bigyan mo kami ng isang awit ng papuri para sa Iyo. Amen.

I-save ang Panalanging Ito


Mga Gabay Patungkol sa Pag-asa

Maghanap ng lakas ng loob sa harap ng pag-aalinlangan

Tao na may kamay sa ulo

Hindi ka kailanman nag-iisa.

Maaari nating lahat isipin ang mga sitwasyon kung saan nakaramdam tayo ng pagkabalisa, pagkatakot, o kawalan ng katiyakan. Ang isang hindi magandang epekto ng ating sirang mundo ay napuno ito ng kaguluhan na wala sa ating kontrol.

Ngunit kahit na sa mga panahon ng pag-aalinlangan, ipinangako ng Diyos na hindi iiwan o tatalikuran ang mga lumalapit sa Kanya. Hawak Niya ang iyong hinaharap sa Kanyang mga kamay.

Sa ngayon, kung naghahanap ka ng pag-asa o naghahanap ng mga paalala ng mga pangako ng Diyos, hayaang hikayatin ka ng Diyos sa pamamagitan ng mga Gabay na ito.

Hanapin ang Iyong Susunod na Gabay:

Tumingin Pa ng mga Gabay

5 Kaugaliang Makakatulong Upang Maging Ikaw ang Nilalang na Ayon sa Pagkakalikha ng Diyos

Umiikot na mga larawan ng mga taong gumagamit ng Bible App sa telepono

Sundin ang aking halimbawa: Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod…

Marcos 10:45

Ang mga bagay na ginagawa mo nang paulit-ulit ay siyang bumubuo sa iyo bilang isang tao. Ang mga gawi mo ba ay nagpupuspos sa iyo ng karunungan, habag, at kagalakan na siyang kailangan mo upang maglingkod sa ibang tao? Maaaring kalahati na ng 2020 ang lumipas, ngunit hindi pa huli upang magsimulang lumago. Narito ang 5 espirituwal na kaugaliang makakatulong sa iyong maging ang nilalang na ayon sa pagkakalikha ng Diyos:

Hanapin ang karunungan sa Salita ng Diyos.

Babaeng nagtatala habang binabasa ang Biblia sa kanyang telepono

Ang mga Gabay sa Biblia ay tumutulong sa iyo upang matutunan at galugarin mo ang Salita ng Diyos sa maiikling bahagi, nang sandaling oras sa bawat araw, na may kasamang mga maaari mong pagpiliang basahin, pakinggan, o panoorin. Subukan ang isang itinampok na Gabay, o maghanap ayon sa kategorya, paksa—o maging ayon sa nararamdaman. Kapag nagsimula ka ng Gabay, anyayahan ang mga kaibigang samahan ka.

Maghanap ng Gabay >

Masiyahan sa mga pakikipag-usap sa Diyos.

Isang taong nananalangin habang nakabukas ang Bible App sa telepono

Ang panalangin ay simpleng pakikipag-usap sa Diyos tungkol sa kung ano ang nasa isip mo, mag-isa o kasama ng mga kaibigan, at pagkatapos ay pakikinig upang Siya ay magsalita. Ang ating tampok na Panalangin ay tumutulong sa iyo na subaybayan ang mga bagay na iyong ipinapanalangin, Mga Panalanging nilikha mo, at Mga Panalangin na ipinadala sa iyo ng mga Kaibigan mo.

Magdagdag ng Panalangin >

Kumonekta sa biblikal
na pamayanan.

Sama-samang pagpupulong ng grupo

Hindi tayo nakatakdang mabuhay nang mag-isa. Anyayahan ang iyong mga kaibigan na samahan ka sa app, kung saan maaari ninyong galugarin ang Salita ng Diyos nang sama-sama, ibahagi ang inyong mga panalangin sa isa’t-isa, at higit pa. Maghanap mula sa Iminumungkahing Mga Kaibigan sa iyong Home feed, pindutin ang [Icon ng kaibigan], o pumunta sa Atbp, Ibahagi ang Bible App.

Anyayahan ang ilang mga Kaibigan >

Igalang ang Diyos sa pagsamba.

Ang kamay ay nakataas sa pagsamba

Gumugol ng panahon araw-araw upang ipahayag ang paggalang at pagmamahal sa iyong Ama. Awitan Siya. Pasalamatan Siya sa panalangin para sa ginawa Niya sa buhay mo. Sabihin sa ibang tao ang ginagawa Niya. Maghanap sa iyong music streaming service ng salitang “worship” o “praise,” pagkatapos ay makinig upang baguhin ang iyong isip nang may pagpipitagan para sa Kanya.

Alamin ang Higit Pa >

Mamuhunan sa kaharian ng Diyos.

Taong nagbibigay ng donasyon gamit ang telepono

Nagbigay ng halimbawa ang Diyos ng pagkamapagbigay sa pagbibigay sa atin kay Jesus, ang Kanyang napakahalagang pag-aari. Magbigay ng iyong oras sa pamamagitan ng pagiging mas mabuting tagapakinig. Gamitin ang iyong mga talento upang paglingkuran ang iyong pamayanan. Gamitin ang iyong mga kakayahan— una ay sa iyong iglesia— o pag-isipang suportahan ang misyon ng YouVersion.

Marami pang Mga Ideya >

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Paano mo pinag-aaralan ang Biblia? Narito ang 5 mga hakbang…

Isang taong nakatayo sa isang kalye sa lunsod

Ngayong taon, marami sa atin ang kailangang makibagay sa isang “bagong normal” na hindi normal ang pakiramdam. Ang mga biglaang pagsasaayos ng buhay na tulad nito ay maaaring negatibong makaapekto sa kalusugan ng kaisipan at humantong sa talamak na pagkapagod at pagkaubos ng lakas.

Ngunit, sa gitna ng mga ito, tinatawag pa rin tayo ng Diyos upang lumapit sa Kanya, na nangangakong bibigyan tayo ng kapahingahan. Ang isang paraan na mas mapapalapit tayo sa Diyos ay sa pamamagitan ng paggugol ng oras sa Kanyang Salita, ngunit paano mo magagawang isang pang-araw-araw na ugali ang paggugol ng oras na kasama ang Diyos? At pagkatapos, paano mawawala ang agwat sa pagitan ng kaalaman sa Banal na Kasulatan at sa pamumuhay nito araw-araw?

Narito ang 5 tuluy-tuloy na mga hakbang na makakatulong sa iyo na huminto nang sandali, magpahinga, at mag-aral ng Biblia araw-araw—kahit nahihirapan ka na.


Ihanda ang iyong puso

Yahweh aking Diyos, ang pagmamataas, tinalikuran ko’t iniwan nang ganap; ang mga gawain na magpapatanyag iniwan ko na rin, di ko na hinangad. Mapayapa ako at nasisiyahan, tulad niyong sanggol sa bisig ni Inay.

Mga Awit 131:1-2

Simulan ang iyong tahimik na oras sa pamamagitan ng pagbasa sa Mga Awit na ito, at pagkatapos ay isulat ang iyong mga alalahanin at pangamba. Isipin ang paglalagay ng lahat ng bagay na nakikipagkumpitensya para sa iyong pansin sa isang kahon, pagkatapos ay ibigay ang kahong iyon sa Diyos. (Maaaring kailanganin mong ulitin ang prosesong ito nang maraming beses bago ka makaramdam na handa kang magpatuloy sa susunod na hakbang.)

Hilingin sa Diyos na Magsalita sa Iyo

Bago ka bumulusok sa iyong pang-araw-araw na pag-aaral sa Biblia, hilingin mo sa Diyos na tulungan kang maunawaan ang Kanyang Salita, at kung paano mo mailalapat nang tama ang Banal na Kasulatan sa iyong buhay. Ipinangako Niyang bibigyan Niya tayo ng Kanyang karunungan kapag hiniling natin ito.

Isang Panalangin para sa Karunungan:

O Diyos ko, patahimikin Mo ang aking isip upang marinig Kita nang malinaw. Nais kong maranasan ang Iyong karunungan habang pinag-aaralan ko ang talatang ito, upang makita ko ang biblikal na katotohanan dito at magamit ito sa aking buhay. Mangyaring tulungan Mo akong malinaw na makita Kang kumikilos sa Iyong Salita. Amen.

I-save ang Panalanging ito sa iyong Bible App

Himayin ang taludtod

Kailan naisulat ang taludtod? Sino ang nilalayong makabasa nito? Ano ang pangunahing tema nito? May mga inuulit na salita o parirala ba dito (kung oo, bakit)? Ano ang ipinakikita sa iyo ng taludtod na ito patungkol sa katangian ng Diyos?

Sa pagsisimula mo ng iyong pag-aaral sa Biblia, basahin ang taludtod nang ilang beses, at sa bawat pag-uulit ay sagutin ang magkakaibang tanong. Pagtuunan ng pansin ang anumang parirala o kaisipang patuloy na napapansin mo.

Gumawa ng Buod para sa Banal na Kasulatan

Anong pahiwatig ang dumarating sa iyo habang nagbabasa ka? Gumugol ng ilang minuto upang hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo ang mga katotohanan sa Kanyang Salita, at pagkatapos ay isulat ang 1-3 mga mahahalagang nakuha mo mula sa taludtod. Makakatulong ito sa iyong maproseso at masundan ang mga pananaw na ipinapakita sa iyo ng Diyos.

Ipamuhay ang Natutunan

Kung gusto mong maging mas malakas ang iyong pananampalataya, hindi sapat na pag-aralan lang ang Salita ng Diyos—kailangan ding ipamuhay mo ito.

Magsulat ng 2-3 pamamaraan kung paano mong nais na mailapat ang Banal na Kasulatan na napag-aralan mo, at pagkatapos ay palagiang suriin ang iyong pagpapatuloy. Maaari mo ring gawin ang iyong mga layunin na Panalangin sa iyong Bible App, at maglagay ng mga paalala upang maipanalangin ang mga ito!


Kapag natapos mo na ang iyong pag-aaral sa Biblia, gumugol ng ilang minuto para sa tahimik na pagninilay, at hilingin sa Diyos na ipaalala sa iyo sa buong araw ang lahat ng iyong natutunan.

Kahit napapaligiran tayo ng kawalan ng katiyakan, ang pagpiling gumugol ng oras kasama ang Diyos araw-araw ay makakatulong sa ating makita ang mga problema at mga sakit mula sa Kanyang walang hanggang pananaw. At sa proseso, makakatagpo tayo ng kapahingahan para sa ating mga kaluluwa at panibagong pag-asa para sa ating mga buhay.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Nakikita namin ang Diyos na gumagawa ng mga nakamamanghang bagay.

Mga taong may overlay ng mapa

Ano kaya ang magiging hitsura para sa atin na makita ang kaharian ng Diyos at Kanyang kalooban sa mundo?

Nais naming makita ang mga tao mula sa bawat bansa at tribo at wika na mas napapalapit sa Diyos araw-araw. Lahat ng nilikha namin sa YouVersion, dinidisenyo namin upang makatulong na mangyari ito.

At gumagana ito: sa huling ilang buwan, nakita namin ang Diyos na inilalapit ang mas maraming tao upang kumonekta sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Nakita namin ang mga tao na naghahanap ng pag-ibig, kapayapaan, at katarungan sa Biblia, at pagkatapos ay ibinabahagi ang kanilang nakita sa iba, na may higit sa 40 milyong bersikulong naibahagi bawat buwan. Nakita namin ang mas marami pang pamilyang nagsusuri sa mga biblikal na katotohanan sa Pambatang Bible App. At, nakita namin ang milyon-milyong mga panalangin na napadagdag simula noong inilunsad ang Panalangin sa YouVersion sa panimulang bahagi ng taon.

Sa lahat ng mapagbigay naming mga katuwang at taga-suporta: Salamat. Ginagawa ninyong posible para sa amin na maipakita ang pag-asa at pagpapagaling ni Cristo sa isang mundong nasasaktan araw-araw. Ginagawa ninyo itong posible para sa mga taong tulad ni Gulshan na mahanap ang pag-asa sa Salita ng Diyos:

Gulshan S. <span>- Mumbai, India</span>

Gulshan S. – Mumbai, India

“Ang YouVersion ay isang bukal sa gitna ng disyerto. Pinayaman ng YouVersion ang espirituwal na buhay ko sa pamamagitan ng pang-araw-araw na bersikulo, at ng mga Gabay na punung-puno ng mga makadiyos na solusyon. Tinuruan ako ng YouVersion kung paanong manalangin at harapin ang mga problema, at patuloy akong tinutulungan.”

Hindi kami makapaghintay sa kung anong susunod Niyang gagawin.

Habang ang mga tao sa buong mundo ay humahanap ng pag-asa at direksyon, maaaring ito ang isa sa pinakamalaking pagkakataon —hindi lamang para baguhin ang ating mundo ngayon, kundi ang magkaroon ng pagkakaiba sa kawalang hanggan. Kaya’t manalanging kasama namin, at samahan kami sa gawaing ito nang pagtulong sa mga tao sa buong mundo upang makabuo sila ng isang espirituwal na ritmo ng paghahanap sa Diyos sa bawat araw.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email