Naghahanap ka ba ng mga kasagutan?

Lalaking naghahanap sa telepono

Tayo ay nakatira sa isang mundong walang kasiguraduhan. Subalit anuman ang kinakaharap natin, ang Salita ng Diyos ay nagbibigay ng pag-asa para sa ating kaluluwa. Kung napapaisip ka kung ano ang sinasabi ng Biblia tungkol sa iyong kasalukuyang sitwasyon, subukang maghanap ng mga kasagutan sa iyong Bible App.

Simulan lamang mag-type sa bar ng Hanapin (Icon ng Hanapin) upang makakuha ng mga mungkahi para sa Banal na Kasulatan, mga Bersikulong Larawan, mga Gabay, at iba pa.

Kapag nahanap mo na ang mga kasagutang hinahanap mo, hikayatin ang iyong pamayanan sa pamamagitan ng pagbabahagi sa social media ng pag-asa na natagpuan mo.

Hanapin ang Katotohanan

Namimiss mo ba ang iyong mga kaibigan? Katagpuin sila rito:

Isang babaeng tinitingnan ang telepono na may mga social icons

Patuloy na makipag-ugnayan sa
iyong mga kaibigan.

Ang Biblia ay puno ng mga kuwento ng mga taong nagdiriwang nang sama-sama sa masasayang panahon… at nagtutulungan sa mga panahon ng kagipitan. Kailangan mo ng mga pakikipag-ugnayan sa mga malalapit na kaibigang mapagkakatiwalaan. At ngayon, higit kailanman, kailangan ka nila.

Sino ang mga kakilala mong magpapalakas ng loob mo?

“Nagbabasa ako ng Mga Awit sa aking telepono. Tinanong ko ang aking asawa kung ayos lang bang basahin ko ang isang kabanata nang malakas sa iba’t-ibang salin. Mula nang araw na iyon, nagbabasa na kami ng isa o dalawang kabanata tuwing gabi bago matulog. Ganap na binago nito ang kasiglahan ng aming pagsasama.”
Debbie L.

Sino sa mga kakilala mo ang magmamahal sa iyo?

Sino sa mga kakilala mo ang magbibigay-inspirasyon sa iyo?

“Mas malawak ang aking pag-unawa sa Kaisipan ng Diyos sa pamamagitan ng mga pananaw ng aking mga kaibigan. Nakikipag-ugnayan rin ako sa marami kong mga kaibigan sa iba’t-ibang panig ng mundo, at nagbabahaginan kami at pinalalakas ang loob ng bawat isa. Ang galing!”
Eme I.

Sino sa mga kakilala mo ang hahamon sa iyo?

Sino sa mga kakilala mo ang magdarasal para sa iyo?

Anyayahan ang iyong mga kaibigan upang samahan ka
sa Bible App ngayon.

Imbitahin ang Mga Kaibigan

Paano mo binabasa ang Biblia? 🤔

Babaeng nasa telepono

Kahit tapat kang nagbabasa ng Biblia araw-araw, ang kaalaman kung saan magsisimula (at kung papaano ipoproseso ang iyong binabasa) ay maaaring maging nakakalito. Gayunpaman, upang lumago ang iyong pananampalataya, mahalagang magtatag ng pundasyon sa Salita ng Diyos. Kaya, saan ka magsisimula? Paano mo uumpisahan — at ipagpapatuloy?

Ugaliing pag-aralan ang Biblia araw-araw at matuto kung papaano isasabuhay ang Salita ng Diyos sa iyong buhay gamit ang listahang ito ng mga Gabay sa Biblia.

Mga Gabay sa Biblia

Isang Panalangin para sa Ating Mundo

Daigdig

O Diyos, Ikaw lamang ang karapat-dapat ng karangalan, kaluwalhatian, at papuri. Kasama Ka, malalampasan namin ang bawat bagyo — kabilang na ang pandaigdigang epekto ng COVID-19 na nangyayari sa aming mundo.

Sa ngayon, hinihiling po namin sa Iyo na:

  • Pagalingin ang mga may sakit at protektahan ang mga wala.
  • Bigyan ang aming mga pinuno ng labis na karunungan habang kanilang pinag-aaralan ang pandemya at kawalan ng katiyakan sa ekonomiya.
  • Palakasin ang Iyong pandaigdigang Simbahan. Ipakita sa amin kung paano kami dapat na magtulungan upang maabot ang mga pangangailangan ng mga nakapaligid sa amin.
  • Payapain ang aming mga takot. Punan Mo kami ng Iyong pag-asa, kagalakan, at kapayapaan habang patuloy kaming nagtitiwala sa Iyo.
  • Gamitin ang pandemyang ito upang mabigyang-daan ang espirituwal na pagpapanumbalik. Nais naming ipakita ang Iyong kaluwalhatian, kapangyarihan, at paggaling.

Halika, Panginoong Jesus, halika.

Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Icon ng Panalangin

Idagdag ang Iyong Sariling Panalangin