Isang Panalangin para sa Ating Mga Pinuno

Babaing nananalangin

Mahal naming Diyos,

Lahat ng kapangyarihan ay sa Iyo, ngunit binigyan Mo ng kapangyarihan ang aming mga pinuno upang kami ay protektahan at gabayan. Sa araw na ito, hinihiling namin na bigyan Mo ang aming mga pinuno ng karunungan, pag-aninaw, lakas, at pagpapasya. Panatilihin Mo nawa sila na maging malusog, ligtas, at nakapagpahinga upang kanilang mapagpatuloy na kami ay magabayan sa magulong panahon na ito.

Bigyan Mo ang aming mga pinuno sa pamahalaan ng karunungan kung ano ang dapat na gawin upang mapuksa ang virus at mapatatag ang aming ekonomiya.

Bigyan Mo ang aming mga espirituwal na pinuno ng Iyong pag-aninaw kung papaano tutugunan ang mga pangangailangan ng aming mga kababayan habang sila’y patuloy na nagpupuri sa Iyong ngalan at nanghihikayat ng Simbahan.

Bigyan Mo ang aming mga pinunong medikal ng pananaw kung paano patitigilin ang virus. Palakasin mo nawa ang kanilang pagpapasya at parangalan ang kanilang puspusang pagtatrabaho sa paglilikha ng gamot para sa COVID-19.

Bigyan Mo ang aming mga pinuno ng sibiko ng inspirasyon, katapangan, kagalakan, at kalakasan upang matugunan ang mga pangangailangan ng kani-kanilang mga pamayanan.

At tulungan mo nawa Kami, bilang mga pinuno ng aming mga pamayanan, na magpakita ng katapangan, pag-asa, kagandahang loob, at kabaitan. Nawa’y ang paraan ng aming pagpaparangal sa iba ay makapagbigay ng inspirasyon sa mga taong nasa aming paligid.

Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Icon ng Panalangin

Idagdag ang Iyong Sariling Panalangin

Isang Panalangin para sa Ugnayan

Lalaking nananalangin

Mahal naming Diyos,

Mahirap po ang mag-isa. Kami ay Iyong nilikha para sa pamayanan, hindi upang ikulong.

Ngunit kami’y nagpapasalamat na kahit gaano kami nalulungkot sa aming pag-iisa, Hindi Mo kami iniiwan ni pinababayaan. At, kami’y lubos na nagpapasalamat sa teknolohiya na tumutulong sa aming makipag-ugnayan sa bawat isa.

Sa araw na ito, paalalahanan po Ninyo kami na ang social distancing at isolation na ito ay hindi magtatagal magpakailanman.

Bigyan po Ninyo kami ng lakas upang mapagtiisan ang mahirap na panahon na ito, at palalimin po Ninyo sana ang aming ugnayan sa Iyo at Iyong bayan.

Biyayaan po Ninyo kami ng dagdag na dosis ng Iyong pag-ibig, kapayapaan, pag-asa at kagalakan, dahil kailangan po namin ang mga ito. Paalalahanan po Ninyo kami ng Iyong mga pangako, at hilumin po Ninyo ang aming bayan.

Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Icon ng Panalangin

Idagdag ang Iyong Sariling Panalangin

Isang Panalangin para sa Paggaling

Lalaking nananalangin

Aming Diyos,

Sinasabi ng Iyong Salita na Kapag tumawag sa Iyo ang Iyong bayan, sila’y Iyong pakikinggan, sasamahan, sasaklolohan at ililigtas.

Sa panahong ito, hinihiling po namin sa Iyo na Iyong pagalingin ang mga may sakit o nagdadala ng virus na COVID-19 nang hindi nila nalalaman. Pagalingin Mo po sila at protektahan ang mga nasa paligid nila.

Bigyan po Ninyo kami ng lunas para sa Coronavirus at tulungan po Ninyo kami na maisaayos ang aming ekonomiya. Pagkalooban po sana Ninyo kami ng isang mabilis at mapaghimalang pagtatapos sa kadilimang ito ng mundo.

Kahit dumating po ang Iyong paggaling sa araw na ito, sa susunod na linggo, o sa susunod na buwan, naniniwala po kami na paggagalingin Mo ang mundong ito. Patuloy po kaming magpupuri sa Iyo, habang kami’y naghihintay ng mga kasagutan. Mangyaring iligtas Mo po kami.

Sa ngalan ni Jesus, Amen.

Icon ng Panalangin

Idagdag ang Iyong Sariling Panalangin

Idinagdag sa Panalangin sa YouVersion: Tumugon sa Mga Panalangin sa pamamagitan ng Mga Komento!

Mga Taong Nananalangin

Logo ng Bible App

BIBLIA

ngayon

Nagkomento si Jessica Santos sa isang Panalangin

“Kalayaan mula sa Takot”

Mga Taong Nananalangin

Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat.

MGA TAGA-FILIPOS 4:6

Ilang linggo lamang ang nakararaan, ibinahagi namin sa iyo ang pinakabagong tampok ng BibleApp, ang Panalangin sa YouVersion. Habang aming patuloy na dinidibelop ang tampok na ito sa nakalipas na mga buwan, hindi namin lubos akalain kung gaano natin ito kakailanganin ngayon. Sa panahon na ito ng kahirapan, tumutulong na ang Panalangin sa YouVersion na subaybayan ang mahigit isang milyong mga panalangin at higit pa.

Kung madalas mong nagagamit ang Panalangin sa YouVersion tulad namin, malamang ay alam mo na rin kung gaano ito nakapagpapalakas ng loob na makita na ipinagdarasal ka ng iyong mga kaibigan, at nagpo-post sila ng update sa kani-kanilang mga Panalangin.

Ngayon ay ibinabalita namin ang bagong adisyon sa Panalangin sa YouVersion na mag-uugnay sa bawat isa sa atin nang higit pa: Mga Komento.

Mga kapatid, ipanalangin natin ang bawat isa. At bilang karagdagan, magbigay din tayo sa bawat isa ng pampalakas ng loob, tulong, at suporta.

Ang Mga Komento sa Panalangin ay sisimulang ilabas nang paunti-unti sa linggong ito. Panatilihing updated ang iyong Bible App upang makita ito.

Tingnan kung may Update

Subukang Gawin ito sa Unang 5 Minuto ng Bawat Araw

Icon ng Bersikulo ng Araw

Kapag nagising ka sa umaga, ano ang una mong ginagawa? Kunin ang iyong telepono at mag-scroll sa Instagram? Suriin ang mga teksto at email? Tingnan ang balita?

Ang mga unang 5 minuto ay maaaring magtakda ng tono para sa iyong buong araw. Anong nararamdaman mo sa mga pagpiling ginawa mo sa oras na iyon? Nabagabag ka ba? Nabahala? Na parang nahuhuli ka na, kahit bago ka pa lamang babangon mula sa kama?

Paano kung aanyayahan mo ang Diyos na magsalita muna sa iyong sa pasimula ng araw? Bukas, bago ka gumawa ng anumang bagay:

2. Basahin o pakinggan ang Bersikulo ng Araw, pansinin ang anumang namumukod-tangi.

Gagamitin natin ang talatang ito bilang isang halimbawa:

Mga minamahal, mag-ibigan tayo sapagkat mula sa Diyos ang pag-ibig. Ang bawat umiibig ay anak ng Diyos at kumikilala sa Diyos.

1 JUAN 4:7

Mga halimbawa ng mga tala na maaari mong gawin:

– Sino ang aking “isa’t-isa”?

– Ang pag-ibig ay nagmula sa Diyos

– Dapat kong “kilalanin ang Diyos” upang makapagmahal ako ng totoo

3. Pag-isipan kung paano mong magagamit ang ipinapakita sa iyo ng Diyos.

Narito ang ilang mga ideya para sa ating halimbawang taludtod:

– Sa araw na ito, dapat kong hikayatin ang isang kaibigan

– Maaari ba akong sumali sa isang pangkat sa aking simbahan at kumonekta sa ibang mga tagasunod ni Jesus?

– Maaari ba akong magbigay ng pagkain para sa isang taong nagdadaan sa mahirap na sitwasyon?

4. Sa pagtatapos, manalangin muli.

Sa oras na ito, hilingin sa Diyos na tulungan ka sa anumang ipinakita niya sa iyo ngayon. Halimbawa:

Ama, salamat sa Iyong perpektong pag-ibig. Mangyaring ipakita Mo sa akin ang mga paraan kung paano ko masisimulang lalo Ka pang makilala. Tulungan Mo akong mahalin ang mga tao sa paraang ginagawa Mo. Mangyaring ipakita Mo sa akin kung ano ang susunod na nais Mong gawin ko. Salamat, Panginoon. Amen.

Ayan yun! Maaari mong gamitin ang parehong pamamaraan araw-araw—sa anumang sipi sa Banal na Kasulatan. O, mas mabuti, mag-subscribe sa Bersikulo ng Araw, at araw-araw ang Bible App ay makakatulong na ipaalala sa iyo upang unahin ang Diyos at ang Kanyang tinig.

Mag-subscribe sa Bersikulo ng Araw