Anong tahakin ang binibigyan mo ng Iyong panahon?
Lahat tayo ay nasa isang takbuhin na inilagay ng Diyos sa ating harapan. At bawat araw ay kailangan nating pumili kung magpapatuloy ba tayo patungo sa dulo ng takbuhin, o lalayo sa ating pagkatawag at sa ating Tagapagligtas.
Ang hinaharap ay wala pang kasiguraduhan, kaya’t nakakatuksong magpakabagal at tumigil sa pagpapatuloy ng mga magagandang espirituwal na kagawian. Ngunit ang mga gagawin mo sa araw na ito ay magpapasya sa direksyon ng iyong buhay. Kaya nga ang pagdedesisyong maging malapit sa Diyos araw-araw ay mahalaga.
Sa pagsisimula ng Pebrero, hamunin ang sarili mong ituon ang iyong mga mata kay Jesus araw-araw at gawing kaugalian ang paglalaan ng panahon para sa Diyos sa pagsali sa 21-Araw na Hamon.
Magkamit ng 21-Araw na Hamon na Badge sa pamamagitan ng pagkukumpleto ng kahit isang Gabay sa isang araw sa loob ng 21 araw bago matapos ang Pebrero.
Upang masulit ang iyong Hamon, anyayahan ang ilan sa mga mapagkakatiwalaang Kaibigan na samahan ka. (At huwag palampasin ang anumang araw sa pamamagitan ng pagse-set up ng mga pang-araw-araw na paalala sa iyong mga setting ng Gabay.) Kung natapos mo ang iyong Gabay bago matapos ang Hamon, magsimula ka lamang ng isa pa at magpatuloy!
Ngayon—simulan na ang Hamon!
Tingnan ang iba pang mga Gabay
Ibahagi sa pamamagitan ng Email
Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean