Mayroon bang Biblia sa iyong wika?

Mundo

BIBLIA
PARA SA
LAHAT

Ang mga Salita ng Diyos ay buhay at aktibo, at mayroon ang mga itong kapangyarihan na baguhin ang mga buhay. Kapag Siya ay nagsasalita, ang ilaw ay tumatagos sa kadiliman. Kapag nagsasalita ang Diyos, ang dati ay nagiging bago.

Paano ka hinuhubog ng Salita ng Diyos?

Mayroong milyon-milyong mga tao na naghahanap sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita na makikita sa YouVersion. Sa tuwing bubuksan mo ang app, mayroong kang pagkakataon na makarinig mula sa Diyos sa isang wika na nauunawaan mo—isang wika na nangungusap sa iyo.

…Ngunit paano kung wala ka nito?

Sa ngayon, mayroong higit na 2,500 na mga Salin ng Biblia sa higit na 1,700 mga wika na magagamit sa YouVersion…

Ngunit mayroon pa ring libo-libong mga wika na kailangang maisalin.

Gaano mag-iiba ang iyong buhay kung walang mga Salin ng Biblia na magagamit sa iyong wika?

Sa ngayon, halos isang bilyong tao ang nakikipag-usap sa kanilang mga ina, kanilang mga ama, kanilang mga kapatid, at kanilang mga kapit-bahay sa kanilang wika … ngunit hindi nila kailanman naranasan ang Diyos na nangungusap sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang Salita sa kanilang wika.

Ang Biblia ay literal na wala sa kanilang katutubong wika. Ngunit isipin kung ano ang mangyayari sa kanilang mga pamilya, mga pamayanan, at mga bansa kapag nagbago iyon.

Tumulong sa paghubog ng hinaharap ng isang tao.

Sa ngayon, mayroong isang kilusan ng mga taong nakatuon sa pagtulong na maipaabot ang Biblia sa lahat sa taong 2033, at maaari mo kaming tulungang maabot ang layuning ito.

Ang aming Pananaw
para sa 2033

95% ng populasyon ng mundo ay
magkakaroon ng isang buong Biblia

99.9% ay magkakaroon kahit
papaano ng Bagong Tipan

100% ay magkakaroon kahit papaano
ng isang bahagi ng Banal na Kasulatan

Ipaabot natin ang Biblia sa Lahat.

Kapag ikaw ay nagbigay sa Biblia para sa Lahat, iyong tinutulungan ang aming mga pandaigdigang katuwang sa Biblia na isalin ang Banal na Kasulatan sa bawat isang wika. At sa sandaling ang isang bagong bersyon ay nakumpleto, maaari naming gawing magagamit ito ng buong Pamayanan ng YouVersion.

Ang aming pananaw ay makita ang bawat isa na nakaaabot ng kahit sa isang bahagi ng Banal na Kasulatan pagsapit ng 2033—ngunit paano kung nais pang kumilos ng Diyos ng higit pa sa ating iniisip? Paano kung kaya nating maabot ang layuning ito nang mas mabilis pa? At paano kung nais kang gamitin ng Diyos?

Sasama ka ba sa amin?

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email


Lahat ng mga ambag na natanggap sa pamamagitan ng kampanya ng Biblia para sa Lahat ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagsasalin ng Biblia, at ikakalat sa iba’t-ibang mga proyekto sa pagsasalin na may malalaking epekto. Sa pagtatapos ng bawat proyekto, ang anumang natitirang mga pondo ay gagamitin sa susunod na proyekto sa pagsasalin na napili ng YouVersion at ng mga katuwang nito.

Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional) Korean Polish Vietnamese