Ang iyong pagkabukas-palad ay maaaring makatulong upang baguhin ang mga buhay. Narito kung paano:

Sa kabila ng mga pandaigdigang hamon sa taong ito, ginamit ng Diyos ang bawat sitwasyon upang mailapit ang mga tao sa Kanya. Bago pa man magsimula ang pandemya, ang Diyos ay inihanda na ang Kanyang Simbahan upang maging isang parola ng pag-asa at pagpapagaling sa isang nasasaktang mundo.

“Araw-araw ay gumigising ako at mayroon akong pananabik na kunin ang aking telepono upang makita kung ano ang sinasabi ng Diyos. Ang [YouVersion] ay tumulong upang mapanatiling maayos ang aking buhay at makapagbasa ako ng Salita ng Diyos araw-araw. Ito ay nagbibigay sa akin ng maraming maaaring pagnilayan, at ang iba’t-ibang mga salin na iniaalok ng YouVersion ay nagbigay sa akin ng mas malinaw na pag-unawa sa kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan. Natutuwa akong bahagi ako ng pagkilos na ito ng Diyos.

—Blessing, Nigeria

Ang Banal na Espiritu ng Diyos ay kumikilos, inilalapit ang mga tao sa Kanya—sa pamamagitan ng isang app—sa mga bilang na hindi pa natin nakita dati, sa isang taon na hindi natin inasahan.

Suportahan ang kilusan >

Ang panunumbalik ay nangyayari na.

Kahit na sa pinakamahirap na sandali ng ating mundo, ang ilaw ng Diyos ay lumiliwanag.

“Ang aking buhay ay naging isang rollercoaster hanggang sa ihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa akin. Nagbebenta ako ng droga para mabuhay at nalulong ako sa marami sa kanila. Pagod na akong mabuhay at naisip kong ang mundo ay magiging mas mabuting lugar na wala ako. Ngunit pagkatapos ng maraming hindi mapalagay na pag-iisip, nagpasya akong bigyan ito ng isa pang pagkakataon. Marami na akong napuntahang tradisyonal na rehabilitation center, ngunit sa wakas ay napunta ako sa isang lugar na may programang batay sa pananampalataya. Inihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa sandaling napunta ako sa programa at nagsimulang saliksikin ang Kanyang Salita. Sa tuwing bubuksan ko ang YouVersion, ang ilaw ng Diyos ay lalong nagliliwanag at ang sintomas ng pagkalas mula sa droga ay nawala. Nang maglaon, inakay ako nito sa kinaroroonan ko ngayon—puno ng Kanyang Salita at apat na buwang malinis at walang pag-uudyok na gumamit o magbenta ng droga.”

—Justin, Amerika

Ang mga ito ay ilan lang sa mga kuwento. Ngayon, maglaan ng ilang sandali at pag-isipan ang iyong sariling paglalakbay. Nasaan ka noong una mong narinig ang tungkol sa YouVersion? Sa anong mga paraan ginamit ng Diyos ang YouVersion Bible App upang hikayatin ka?

May milyon-milyong mga tao sa buong mundo tulad nina Blessing at Justin—at tulad mo. At kapag nagbigay ka sa YouVersion, tutulungan mo kaming maabot sila.

Sa unang kalahati pa lamang ng 2020, ang YouVersion ay nakaranas ng 13% higit pang mga tao na nakikipag-ugnayan sa Biblia kaysa dati.

Hinahayaan kami ng iyong pagbibigay na masiguradong ang bawat tao, na nagsasalita ng anumang wika, ay makaranas ng kapangyarihan ni Jesus na nagpapabago ng buhay.

Pagbibigay sa Bible App

Ang Diyos ay binabago ang milyun-milyong buhay sa buong mundo sa pamamagitan ng Kanyang Salita. At kapag nagbigay ka sa YouVersion, tinutulungan mo kaming magbigay ng isang paraan para sa mga taong ito na makalapit sa Diyos…sa panahong kailangang-kailangan nila ito.

Huwag palampasin ang sandaling ito.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Isang Panalangin para sa Kagalakan

O, Magsaya sapagkat…

Mundo

…ang Panginoon ay naparito!

Hindi ito ang maharlikang pagdating na inaasahan ng sinuman. Gayunpaman, ang pagdating ni Jesus ay nagbago sa lahat. Sa isang iglap, ang Anak ng Diyos ay naging “Diyos na kasama natin”— at paglipas ng 2000 taon, ang ating pagod na mundo ay nagagalak pa rin.

Sa araw na ito, habang naghahanda ka para sa Pasko, gumugol ng kaunting oras upang ipagdiwang ang mapagpakumbabang kapanganakan ni Jesus na naghanda ng daan upang tayo ay makalapit sa Kanya.

Isang Panalangin para sa Kagalakan

Jesus, salamat sa iyong pagiging Emmanuel, “Ang Diyos ay kasama namin.” Dahil sa Iyo kaya maaari kong maranasan ang tunay na kagalakan.

Inaamin kong minsan ay mahirap makaramdam ng kagalakan sa gitna ng napakaraming ginagawa o mahirap na kapaskuhan. Ngunit kapag marami ang pag-aalala ng aking puso, ang Iyong pag-aliw ay nagbibigay sa akin ng bagong pag-asa at saya.

Kaya ngayon, pinipili kong manganlong sa Iyo at magalak. Aawit ako sa kagalakan sapagkat Ikaw ang aking lakas at aking kaligtasan. Sa Iyong presensya mayroong ganap na kagalakan! At dahil sa Iyong mapagpakumbabang pagdating higit sa 2000 taon na ang nakakalipas, nararanasan ko ngayon ang kasiyahan ng Iyong presensya magpakailanman. Salamat.

Sa tuwina ay karapat-dapat Ka sa lahat ng kaluwalhatian, karangalan, at kapangyarihan— at kung anuman ang haharapin ko, pipiliin kong sambahin Ka.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

MANALANGIN SA BIBLE APP

Mga Sandatang Kaloob ng Diyos

Mga Taga-Efeso 6:10-18

10  
Bilang pagwawakas, magpakatibay kayo sa kalakasang galing sa Panginoon at sa kanyang dakilang kapangyarihan.

11  
Gamitin ninyo ang lahat ng kagamitan at sandatang pandigma na kaloob ng Diyos, upang mapaglabanan ninyo ang mga pakana ng diyablo.

12  
Sapagkat hindi tayo nakikipaglaban sa mga tao, kundi sa mga pinuno, sa mga maykapangyarihan, at sa mga tagapamahala ng kadilimang umiiral sa sanlibutang ito—ang mga hukbong espirituwal ng kasamaan sa himpapawid.

13  
Kaya’t isuot ninyo ang kasuotang pandigma na mula sa Diyos. Sa gayon, makalalaban kayo kapag dumating ang masamang araw na sumalakay ang kaaway, upang pagkatapos ng labanan ay matatag pa rin kayong nakatayo.

14  
Kaya’t maging handa kayo. Ibigkis sa inyong baywang ang sinturon ng katotohanan, at isuot sa dibdib ang baluti ng katuwiran

15  
isuot ninyo ang sandalyas ng pagiging handa sa pangangaral ng Magandang Balita ng kapayapaan.

16  
Lagi ninyong gawing panangga ang pananampalataya, na siyang papatay sa lahat ng nagliliyab na palaso ng diyablo.

17  
Isuot ninyo ang helmet ng kaligtasan, at gamitin ang tabak ng Espiritu, na walang iba kundi ang Salita ng Diyos.

18  
Ang lahat ng ito’y gawin ninyo na may panalangin at pagsamo. Manalangin kayo sa lahat ng pagkakataon, sa patnubay ng Espiritu. Lagi kayong maging handa, at patuloy na ipanalangin ang lahat ng hinirang ng Diyos.

Ephesians 6 in Tagalog

Ephesians 6 in English

Ang Pamaskong Hamon ay nagsisimula ngayon!

Pamaskong Hamon Badge

Buksan ang Pamaskong Hamon Badge

Kapag naisip mo ang panahon ng Pasko, ano ang dumarating sa isip mo? Ang nangyayari sa paligid natin ay madaling makagambala sa atin mula sa paghanap ng kalapitan sa Emmanuel, “Ang Diyos ay kasama natin.”

Ngunit anuman ang taglay ng panahong ito, maaari kang manghawakan sa katotohanang ito: dahil sa pagdating ni Jesus, mayroon kang hinaharap at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.

Kaya sa araw na ito, samahan mo kami sa pagninilay sa pagdating ng ating Tagapagligtas sa pamamagitan ng pakikilahok sa Pamaskong Hamon.

Kumpletuhin lamang ang anumang Gabay para sa Pasko o sa Adbiyento simula ngayon hanggang Disyembre 31, at makakakuha ka ng 2020 Pamaskong Hamon Badge!

Pamaskong Hamon Badge

Magsimula ng isang Gabay mula sa nakalista sa ibaba, o kung nakapagsimula ka na ng Gabay para sa Pasko o sa Adbiyento, ipagpatuloy lang ito.

Tumingin pa ng ibang mga Gabay

Pagbabalik-Tanaw sa 2020

2020

Paghahanap sa Diyos
Araw-araw.

Mga buwan bago magsimula ang pandemya, ang Diyos ay kumikilos na sa ating mundo. Siya lamang ang nakakaalam na dahil sa mga paghihigpit sa COVID-19 ay mangangailangan ang pandaigdigang Simbahan na maghanap ng mga digital na paraan upang hanapin Siya araw-araw sa pamayanan.

Ang 2020 ay puno ng mga wala pang katparis na panahon, ngunit nakita rin natin ang Diyos na kumikilos sa walang kaparis na mga paraan:

Ngayong taon, ang dami ng mga taong bumabaling sa Diyos at sa Kanyang Salita ay tumaas.

450,000,000

Kabuuang Bilang ng Bible App na Na-install

52,000,000+ na na-install sa 2020

Dahil ang Diyos ay naiposisyon at naihanda na ang ating pangkat, isang karangalang maging bahagi sa pagbibigay ng mga espiritwal na sanggunian para sa mga taong nasa krisis.

Kaya ngayon, pagnilayan natin ang katapatan ng Diyos sa pamamagitan ng pagdiriwang para sa lahat ng nagawa Niya sa pamamagitan ng YouVersion Community sa 2020.

Panalangin

Babaeng nasa telepono

“Ang kakayahang magbahagi ng mga kahilingan sa dasal, papuri, at manalangin din para sa iba ay talagang nakatulong laban sa damdamin ng takot at pagkahiwalay. Ginamit ito ng Banal na Espiritu upang bigyan ako ng mga panalangin at inspirasyon upang hikayatin ang iba na sumandal sa Diyos sa mga panahong hindi sigurado at mahirap.”

—Donna

Ang Panalangin sa YouVersion ay nilikha upang matulungan ang mga taong magkaroon ng matapat na pakikipag-usap sa Diyos, sa pamayanan. At mula nang ilunsad ito noong Marso 2020, ito ang nangyari:

Icon ng Panalangin

24,700,000

na mga Panalanging nilikha

Pambatang Bible App

Pambatang Bible App

Mga batang naglalaro ng Pambatang Bible App sa telepono

“Mayroon kaming isang 6 na taong gulang na anak na babae na mahilig magbasa. Gayunpaman, hindi namin kailanman siya mahikayat sa pagbabasa ng Biblia. Iyon ay, hanggang sa ma-upload namin ang Pambatang Bible App. Humihiling siya ngayon na basahin ito at ibahagi sa kanyang mga kaibigan. Kaya’t bilang isang 6 na taong gulang, nagbabahagi siya ng Mabuting Balita ni Cristo. “

—Johnnie & Blanche

22,400,000

Pambatang Bible App na nai-install sa 2020

Ang pangkat ng YouVersion, kasama ang aming mga kasosyo sa OneHope, ay nagagalak sa kung paanong ginagamit ng Diyos ang Pambatang Bible App upang magbigay ng aliw at suporta sa mga batang dumadaan sa mga walang-katiyakang panahon.

169,795,483

na nakumpletong kuwento sa Pambatang Bible App

Paano natin mauunawaan ang napakalaking bilang na ito? Sa pamamagitan ng pag-alala kung anong kinakatawan nito:

Mga sandaling inabot ng mga tao ang Diyos, at hinipo Niya ang kanilang mga puso.

Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot. Ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. - Isaias 41:10 - Bersikulong Larawan

Bersikulo ng Taon

Ang bersikulo ng Biblia na ibinahagi, ibinookmark, at pinakamadalas na hinaylayt ng pandaigdigang Pamayanan ng YouVersion sa 2020.

Bersikulo ng Taon

Ang bersikulo ng Biblia na ibinahagi, ibinookmark, at pinakamadalas na hinaylayt ng pandaigdigang Pamayanan ng YouVersion sa 2020.

Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot. Ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

ISAIAS 41:10

Icon ng Ibahagi

524,671,698

Kabuuang Mga Bersikulong Naibahagi

Pakikipag-ugnayan ayon sa Bansa

Ang mga bansang nagpakita ng pinakamalaking pagtaas sa paggamit ng Bibliia sa taong 2020.

Pandaigdigang mapa ng pakikipag-ugnayan

Icon ng Mga Gabay

1,434,325,448

Mga Araw ng Gabay na Nakumpleto

Icon ng Audio

7,524,281,910

Kabanatang Nabasa sa Audio

Icon ng Video

99,835,565

Mga Video na Pinanood

Icon ng Haylayt

2,538,414,155

Mga Haylayt, Bookmark, at Tala

Sa isa sa pinakamahirap na mga taon, ang ilaw ng Diyos ay maliwanag na nagniningning. Patuloy nating ipagdiwang ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng patuloy na paggawa hanggang matapos ang 2020!

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email