Ito ay isang bagay na dapat ipagdiwang…

Pambatang Bible App - 100,000,000

Pambatang Bible App

Ang Pambatang Bible App ay umabot na sa

100 milyong pag-install!

Nilikha sa pakikipagtulungan sa OneHope, nakatulong ang app na ito sa milyun-milyong bata sa 66 na wika na umibig sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng mga interaktibong kuwento at mga aktibidad.

May mga anak na 8 pababa? I-download ang Pambatang Bible App!


“Ibinahagi ng aking kaibigan, na isang misyonero sa Timog-silangang Asya, na ang kanyang 6-anyos na anak na lalaki ay nag-imbita sa lahat ng kanyang lokal na kaibigan at nagsasalin ng mga kuwento ng Pambatang Bible App sa kanila. Isang 6 na taong gulang ang nagsasalin at nagbabahagi ng Salita ng Diyos!

JENN, USA


Ang 100 milyon ay simula pa lamang…

Hindi lang natin ipinagdiriwang ang ginawa ng Diyos, kundi kung ano ang susunod Niyang gagawin—sa ating mga buhay at sa mga buhay ng mga bata sa buong mundo.

Kapag nagbigay ka ngayon, tinutulungan mo kaming dalhin ang Salita ng Diyos sa lahat—anuman ang kanilang edad.

Magbigay Ngayon

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Pamilya

Kailanman ay hindi ka nag-iisa. Narito kung bakit…

Kalapati

Kailanman ay hindi ka nag-iisa. Narito kung bakit…

Pagkatapos ng muling pagkabuhay ni Jesus, ang Banal na Espiritu ay dumating sa mga alagad upang ang presensya ng Diyos ay makasama pa rin nila.

Kapag sumampalataya ka kay Jesus, ganiyan ding Espiritu ang sumasaiyo. Ang presensya ng Diyos ay palaging malapit.

Tuklasin kung paano kumikilos ang Banal na Espiritu ng Diyos sa iyong buhay sa pamamagitan ng pagkumpleto ng isa sa mga Gabay na ito.

Maghanap ng Higit pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ano ang nangyari pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay?

Libingang walang laman

2,000 taong nakalilipas, napagtagumpayan ni Jesus ang kamatayan magpakailanman. Ang bato ay iginulong palayo sa walang lamang libingan, at tayo ay nabigyan ng bagong buhay kay Cristo.

Ngunit ano ang sumunod na nangyari?

Tuklasin ang limang bagay na ginawa ni Jesus pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay—at kung ano ang kahulugan ng mga ito para sa atin ngayon:

1. Nagpakita si Jesus.

Si Jesus ay gumugol ng 40 araw sa lupa pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa panahong ito, pinawi Niya ang mga pagdududa ng Kanyang mga tagasunod at binigyan sila ng direksyon para sa hinaharap.

Hindi isinigaw ni Jesus ang Kanyang pag-ibig mula sa langit. Ipinakita Niya ang Kanyang pag-ibig sa lupa. Ngayon ay ganoon din ang ginagawa Niya. Siya ay malapit pa rin, handang makinig sa ating mga daing at pagalingin ang ating mga puso.

Makipag-usap sa Diyos >

2. Si Jesus ay naging huwaran ng komunidad.

Mula sa pagpira-piraso ng tinapay patungo sa Emmaus, hanggang sa pag-aalmusal sa dalampasigan kasama ang Kanyang mga alagad, nakikita natin si Jesus na naglalaan ng oras para sa mga pakikipag-ugnayan.

Si Jesus ay hindi naging abala upang huminto at ipakita na Siya ay nagmamalasakit. Bilang Kanyang mga tagasunod, tinawag tayo na sadyang maglingkod sa mga tao sa ating mga pamilya, pinagtatrabahuhan, at lungsod.

Tulad ni Jesus, maaari mong unahin ang iyong komunidad. Isentro ang iyong pakikipagkaibigan sa Salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagdagdag ng Mga Kaibigan sa YouVersion.

Idagdag ang isang Kaibigan >

3. Inalo ni Jesus ang mga sawing-puso.

Nang bumalik si Jesus, hindi Siya nadismaya na hindi naunawaan ng Kanyang mga alagad ang Kanyang plano. Sa halip kinatagpo Niya sila sa kanilang kawalan ng katiyakan at takot.

Inalo ni Jesus ang babaeng umiiyak sa walang laman na libingan. Pinawi niya ang pagdududa ni Tomas. Nagsalita siya ng mga salita ng buhay at kapayapaan.

Ngayon, may biyaya pa rin ang ating Tagapagligtas para sa ating mga katanungan at kalituhan. Lumalapit pa rin siya kapag nadudurog ang ating mga puso.

Humanap ng Pag-alo sa Kasulatang ito >

4. Tinubos ni Jesus ang mga pagkakamali.

Bago ipinako sa krus, itinanggi ni Pedro na kilala niya si Jesus ng tatlong beses. Nang maglaon, nakita natin na pinanumbalik ni Jesus si Pedro sa pamamagitan ng pagtatanong sa Kanya ng tatlong beses kung mahal niya Siya, at pag-uutos kay Pedro na pangalagaan ang Kanyang bayan.

Kahit na natisod si Pedro sa kanyang pananampalataya, hindi nito kinansela ang kanyang pagkakakilanlan kay Cristo.

Sa parehong paraan, maaari tayong magtiwala na ang kapangyarihan ng Diyos ay ginawang ganap sa ating kahinaan.

Pagnilayan ang Pagtubos ni Jesus >

5. Si Jesus ay nagturo at nagbigay ng kapangyarihan.

Bago umakyat si Jesus sa langit, sinabi Niya sa Kanyang mga tagasunod na “humayo at gawing mga alagad ang bawat bansa.”

Sa mga tagubiling ito, tinawag tayong mamuhay araw-araw na may intensyon, naghahanap ng mga pagkakataong ibahagi ang Ebanghelyo.

Trabaho natin na ipakita sa mga tao kung ano ang ibig sabihin ng makakilala sa Diyos at ipakilala Siya.

Ibahagi ang Salita ng Diyos sa mga tao sa iyong buhay ngayon.

Ibahagi ang Bible App >

Maaaring tapos na ang Pasko ng Pagkabuhay, ngunit kung ano ang kahulugan nito para sa atin ay mahalaga sa buong taon.

Dahil sa kamatayan at muling pagkabuhay ni Jesus, nakakamit natin ang biyaya, presensya, at katiyakan ng Diyos nang higit sa dati—magpakailanman.

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Paano ka naghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay?

Libingang walang laman

Paano ka naghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay?

“Wala na siya rito; siya’y muling nabuhay…”

MATEO 28:6

Inilaan ni Jesus ang linggo bago Siya ipako sa krus upang paalalahanan ang Kanyang mga disipulo na hindi magwawagi ang kamatayan, at ang Kanyang kaharian ay walang hangganan.

Ang Semana Santa ay isang paalala na darating pa rin ang pag-asa. Hindi pa tapos ang Diyos.

Narito ang dalawang bagay na maaari mong gawin upang maghanda para sa pag-asa na mayroon tayo kay Jesus ngayong Linggo ng Muling Pagkabuhay.


KUMPLETUHIN ANG ISANG GABAY SA PASKO NG PAGKABUHAY

Badge ng Paghamon para sa Pasko ng Pagkabuhay

Pagnilayan ang pagmamahal ni Jesus para sa iyo gamit ang isang Gabay sa Pasko ng Pagkabuhay. Kapag nakumpleto mo ito sa pagitan ngayon at Linggo ng Muling Pagkabuhay, magkakamit ka rin ng isang eksklusibong Badge!

Maghanap ng Gabay


MAG-IMBITA NG KAIBIGAN

Ngayong Pasko ng Pagkabuhay, ibahagi ang mabuting balita ni Jesus sa mga tao sa iyong buhay. Anyayahan silang maranasan ang tunay na pagbabago sa buhay sa pamamagitan ng Diyos at ng Kanyang Salita.

Ibahagi ang Bible App


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ang Pag-hamon sa Pasko ng Pagkabuhay ay Magsisimula Ngayon!

Pag-hamon para sa Pasko ng Pagkabuhay

Alalahanin natin kung bakit tayo nagdiriwang…

Sumali sa Pag-hamon sa Pasko ng Pagkabuhay ngayon, at pagnilayan ang lalim ng pag-ibig ni Jesus para sa iyo.

Kumpletuhin ang isang Gabay para sa Pasko ng Pagkabuhay bago ang Linggo ng Muling Pagkabuhay upang makamit ang isang eksklusibong Badge!

Magsimula gamit ang isa sa mga Gabay na ito:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email