Sumali sa 21-Araw na Hamon!

21-Araw na Hamon

Para sa susunod na 21 araw…

Ano ang mangyayari kung nakatuon ka sa pagbabasa ng Salita ng Diyos?

Sa pagsisimula ng Pebrero, buuin ang iyong kagawian sa Biblia gamit ang 21-Araw na Hamon—isang pagkakataon na gawing bahagi ng pamumuhay ang pagkonekta sa Salita ng Diyos na nagbabago sa bawat bahagi ng iyong buhay.

Kumpletuhin ang isang Araw ng Gabay sa Biblia sa loob ng 21 araw sa buong buwan upang makakuha ng eksklusibong Badge.

Magsimula gamit ang isa sa mga Gabay na ito:

Tumingin ng iba pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Isang Panalangin para sa Bagong Taon

2023 - Taong nagdarasal

Anuman ang nangyari noong nakaraang taon, ang taong ito ay isang pagkakataon para sa isang bagong simula.

Bilang isang pandaigdigang Komunidad, mayroon tayong pagkakataong ipagdasal ang ating mga buhay—at ang buhay ng milyun-milyon sa buong mundo.

Isipin kung ano ang magagawa ng Diyos kung makikiisa ka sa panalangin kasama ang ating Komunidad—lahat na nagdarasal sa iisang panalangin sa iisang tapat na Diyos.


O Diyos,

Ikaw ang liwanag ng mundo.

Nang dahil sa Inyo, hindi na ako lumalakad sa kadiliman kundi sa Inyong liwanag. Nawa’y ang aking buhay ay sumasalamin sa Inyong katotohanan, na nagtuturo sa iba sa Inyo at nagdadala ng kaluwalhatian sa Inyong ngalan.

Bigyan ninyo ako ng lakas at tapang na ibahagi ang pag-asa na mayroon ako sa Inyo.

Ang mundong ito ay wasak, ngunit Inyong ginawang buo muli ang nasira.

Ngayong taon, lumapit sa mga naliligaw ng landas, mga nag-iisa, at mga nasasaktan. At, pakiusap lumapit sa akin.

Nawa’y bigkisin kami ng Inyong pag-ibig, ayusin ang pagkakawatak-watak at pag-isahin ng Inyong pandaigdigang Iglesya.

Anuman ang mangyari sa taong ito, Kayo ay tapat at ang Inyong mga pangako ay totoo.

Salamat sa walang hanggang pag-asa na mayroon ako sa Inyo.

Sa ngalan ni Jesus,

Amen.

I-save ang Panalangin

Pagkatapos i-save ang panalanging ito, ibahagi ito sa app upang masamahan ka ng iyong mga Kaibigan!


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Kailangan ng bagong simula?

Taong gumagamit ng phone

“Ang Panginoon ay aking pastol; hindi ako magkukulang; pinahihiga niya ako sa luntiang pastulan, inaakay niya ako sa tabi ng mga tubig na pahingahan. Pinanunumbalik niya ang aking kaluluwa.”

Awit 23:1-3

Ngayong taon, huwag lamang magtuon sa mga layunin at katuparan—patuloy na lumapit sa Diyos sa pamamagitan ng Kanyang Salita, at Siya ang magpapanumbalik sa iyong kaluluwa.

Nais mo bang bumuo ng isang kasanayan sa Biblia na magtatagal? Ikaw ay 33% na mas mananatiling nakatuon kung magsisimula ka ng isang Gabay kasama ang isang kaibigan.

Tuklasin ang isang buhay na puno ng kapayapaan at kagalakan ng Diyos sa taong ito at tuklasin ang Kanyang Salita gamit ang isa sa mga Gabay na ito.

Maghanap ng Marami pang mga Gabay

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Ipinapakilala ang Arawang Pampasigla

Nais ng Diyos na pasiglahin ang ating mga kaluluwa araw-araw.

At, kapag nakagawian na nating makipag-ugnayan sa Kanya, pupunuin Niya tayo ng mas higit na kapayapaan, pagmamahal, at kagalakan.

Tuklasin ang bagong Arawang Pampasigla sa loob ng YouVersion

Arawang Pampasigla

Matatagpuan sa pinakabagong update ng app, ang Arawang Pampasigla na pinagsama-sama ang mga napapanahon at mahahalagang nilalaman sa Biblia na nasa iyong Home Screen tab.

Habang kinukumpleto mo ang Arawang Pampasigla, maaari mong subaybayan ang iyong pagsulong para sa araw na ito at idagdag sa iyong Arawang Pampasigla Streak—ang bilang ng mga magkakasunod na araw na nakumpleto mo ang iyong Arawang Pampasigla.

Arawang Pampasigla Streak

Hindi pinapalitan ng Arawang Pampasigla Streak ang iyong kasalukuyang Streak—isa lamang itong bagong paraan upang mailarawan ang iyong gawi sa paghahanap sa Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.

Streak

Kunin ang Iyong Arawang Pampasigla Badge

Kumpletuhin ang Arawang Pampasigla at makakuha ng eksklusibong Badge—at patuloy na iangat ang antas ng iyong Badge habang nagpapatuloy ka.

Arawang Pampasigla Badge

Subukan ang Arawang Pampasigla

FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email

Paano Makakatulong ang Pagkabukas-palad sa Pagbabago ng Buhay: Ang Kuwento ni Diya

Ano ang gagawin mo kapag nakakaramdam ka ng pagkagapi, pagkatakot, o kawalan ng lakas?

Para kay Diya, bumaling siya sa Salita ng Diyos sa YouVersion sa isang madilim na panahon, at ang Banal na Kasulatan ang nagligtas sa kanya.

Diya

Nang lumipat si Diya mula sa New Zealand patungong India, natagpuan niya ang kanyang sarili na walang koneksyon, walang komunidad, at walang simbahan.

“Ang pinakaunang naisip ko nang imulat ko ang aking mga mata ay hindi ako karapat-dapat na mabuhay. Naramdaman kong ako ay nag-iisa, at wala akong maibibigay.”

Alam ni Diya na kailangan niyang bumaling kay Jesus, ngunit hindi niya alam kung saan magsisimula.

“Noong kumonekta ako sa Banal na Kasulatan sa YouVersion ay doon ko nagawang baguhin ang paraan ng aking pag-iisip.”

Sa pamamagitan ng YouVersion, natagpuan ng Diyos si Diya sa kanyang kawalan ng pag-asa at nagbigay ng pag-asa at kagalingan nang siya ay lubos na nangangailangan nito.

Maaari kang maging bahagi sa kung ano ang ginagawa ng Diyos sa pamamagitan ng YouVersion.

Kapag namumuhay ka nang bukas-palad, tinutulungan mo ang mga tao sa buong mundo na maranasan ang nakapagpapabagong-buhay na kapangyarihan ng Salita ng Diyos.

Sasali ka ba sa kilusan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang regalo ngayon?

Magbigay Ngayon

Ang pinakamabuting paraan upang mag-ambag sa YouVersion ay sa pamamagitan ng pag-set up ng isang umuulit na kaloob.


FacebookIbahagi sa Facebook

TwitterIbahagi sa Twitter

EmailIbahagi sa pamamagitan ng Email