Ito ay personal.
Natatandaan mo ba noong una mong mapagtantong talagang mahal ka ng Diyos? Na ninanais Niyang magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa iyo? Ang mga sandaling katulad nito ang dahilan kung bakit masidhi ang aming pagnanasang matulungan ang mga taong kumonekta sa Diyos.
Lumaki ako sa simbahan, ngunit hindi ko talaga nakilala o minahal ang Diyos. Nang mamatay ang lolo ko, nakaramdam ako ng lungkot at matinding kapighatian… at naisip ko pa ngang magpakamatay. Pinadalhan ako ng kaibigan ko ng link sa Josue 1:9. Nagpasya akong i-download ang app dahil sa bersikulong iyon. Sumubok ako ng isang debosyonal, na siyang tumulong sa akin upang maunawaan ko ang Diyos at ito ang umakay sa akin upang maging malapit sa Kanya. Isang araw na nagbabasa ako sa aklat ng Mga Awit, naramdaman kong tinatawag ako ng Diyos: hinahabol ako nitong nag-uumapaw, walang taros na pag-ibig. Nanalangin akong kasama ang aking pastor, at ang ang kabigatan ay nawala. Binago ni Jesus ang buhay ko. Ngayon ay minamahal ko na ang Panginoon at pinaglilingkuran ko Siya araw-araw. Salamat, Jesus!
NATHAN, ALABAMA, USA
Kapag nagbibigay ka sa YouVersion, namumuhunan ka sa isang bagay na may walang hanggang kapalit: mga buhay na binago.
Ito ay makasaysayan.
Ang pagbabasa o pakikinig sa Salita ng Diyos ay may kapangyarihang baguhin ang mga buhay. Pinalalakas namin ang aming teknolohiya upang matulungan ang henerasyong ito upang sila ang maging pinakamasigasig sa Biblia sa ating kasaysayan. Kapag nagbigay ka sa YouVersion, matutulungan mo kaming madala ang Banal na Kasulatan sa mas marami pang mga tao, sa mga lugar tulad ng India, Poland, Guatemala, at Nigeria. Mga taong tulad ni Hazel:
Maraming taon akong sinisindak, at may pinagdaraan akong isang kasawian. Ayokong mapag-isa ako sa aking mga pag-iisip. Isang araw ay binuksan ko ang YouVersion at nabasa ko ang Bersikulo ng Araw. Iyon ang perpektong salita ng pagpapalakas ng loob, kaya naging ugali ko nang gawin iyon. Araw-araw ay magsisimula ako sa Bersikulo ng Araw, pagkatapos ay babasahin ko ang Kabanata kung saan kinuha ang bersikulo, at matatagpuan ko na lamang ang sarili kong nasa kalagitnaan ng isang Kuwento. Nakita kong inalis ni David ang baluti ni Saul at kinuha ang kanyang tirador. Naglakad ako sa palasyo kasama si Ester. Nakiiyak ako kay Ana. Nakita ko ang sarili ko sa kanilang mga kahinaan at kapintasan. Ginamit ng Diyos ang YouVersion upang maging buhay sa akin ang Kanyang salita. Binago ng YouVersion ang buhay ko, simula sa Bersikulo ng Araw hanggang sa Mga Gabay.
HAZEL, NIGERIA, AFRICA
Anong mangyayari kung ang bawat tao sa mundo ay agad-agad na makukuha ang Salita ng Diyos sa kanilang sariling wika? Sabay nating tuklasin.
Ito ang mahalaga.
Sa buong mundo, parami nang parami ang mga taong bumabaling sa Salita ng Diyos upang marinig kung anong nais Niyang sabihin sa kanila. Kapag nagbigay ka sa YouVersion, matutulungan mo kaming ikonekta sila sa Kanya. Ang bawat isa sa mga taong ito ay may pangalan, may kuwento. Katulad ni Hazel. Katulad ni Jenny:
Hindi maganda ang nangyayari sa aming buhay may-asawa. Pasama nang pasama ang buhay ko, Nasa simula ako ng isang emosyonal na pakikipagrelasyon. Nag-iipon ako ng lakas ng loob na ipadala sa kanya ‘ang’ teks: ang teks na babago sa aming relasyon mula sa pagiging magkaibigan patungo sa bawal na pakikipagrelasyon. Natatakot ako, habang isinusulat ko ang alam kong maaaring maging sanhi ng pagtatapos ng aking buhay may-asawa. Ngunit ang Espiritu Santo ay nakikipaglaban para sa akin. Ang salitang TUKSO ay saglit na dumaan sa aking mga mata. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin, kaya binuksan ko ang YouVersion at isinulat ko ang salitang ‘tukso’ sa patlang sa paghanap. Habang binabasa ko ang bawat bersikulong ipinapakita sa akin ng app, pumatak ang mga luha ko. Tinawag ko ang pangalan ni Jesus, at lumayo ang diyablo. Binura ko ang teks na iyon at tinapos ko na ang pag-uusap. Kung wala ako ng Bible App na iyon noong araw na iyon, hindi ko alam kung anong maaaring nangyari. Salamat na sa tuwina ay nariyan at napakalapit ng Kanyang mga salita!
JENNY, COLORADO, USA*
Noong 2008, inilunsad namin ang YouVersion nang may 15 Biblia lamang, na nakasalin sa dalawang wika. Ngayon, salamat sa pagiging bukas-palad ng aming mga kasamahang may magandang pagtingin sa hinaharap — at sa suportang pinansyal ng mga taong katulad mo — isang pribilehiyo para sa aming maghandog ng mahigit sa 2,000 na bersyon, na may nilalamang mahigit sa 1,300 na wika.
Huwag mo itong kaligtaan.
Ibahagi sa pamamagitan ng Email
Mga Tala
* Pinalitan ang pangalan at lokasyon, upang maprotektahan ang pribasya.
Ang post na ito ay makikita rin sa: Ingles Afrikaans Indonesian Aleman Espanyol Pranses Italyano Dutch Portuguese Romanian Russian Hapon Chinese (Simplified) Chinese (Traditional)